Paolo Contis nagpapayat para sa I Left My Heart in Sorsogon

by PEP Troika
Jul 19, 2021
Magmula nang nagka-quarantine, umabot daw sa 211 pounds ang timbang ng aktor na si Paolo Contis. Pero dahil sa detox juice na tini-take niya at todo-todong exercise, 170 pounds na lang siya ngayon.
PHOTO/S: GMA Network / @paolo_contis on Instagram

GORGY RULA

Nagsimula na ngayong Lunes, July 19, ang taping ng I Left My Heart in Sorsogon na kinukunan mismo sa Sorsogon.

Si Paolo Contis ang isa sa unang dumating sa Sorsogon kasama si Michelle Dee. Ngayong araw naman daw ang taping ni Richard Yap at iba pa nilang co-stars.

Medyo nahirapan si Paolo sa paghahanda sa kanyang role dahil kailangan niyang magpapayat. Ang laki na ng ipinayat niya na ipinost pa ng aktor sa Instagram.

Magmula nang nagka-quarantine, umabot daw siya sa 211 pounds. Pero dahil sa detox juice na tini-take niya at todo-todong exercise, naging 170 pounds na lang siya ngayon.

Continue reading below ↓

Bumagay naman sa kanya dahil kailangan daw talaga sa role. Medyo dusa lang daw sa kanya ang lock-in taping sa Sorsogon dahil halos isang buwan sila roon na walang uwian.

Kaya noong nagsimula ang quarantine nila sa EDSA Shangri-La para sa RT-PCR test bago sila tumulak pa-Sorsogon, medyo senti na si Paolo dahil nami-miss na niya ang kanyang pamilya.

Madamdamin ang post niya sa Instagram para kay LJ Reyes at sa mga bata, at nagpapasalamat siya sa partner sa pag-aalaga kina Aki at Summer.

Aniya, “Haaay, missing you guys already…ilang linggo pa bago tayo magkita kita ulit. (sad emoji). @lj_reyes love, thank you for everything. Thank you for taking care of all of us!

“Alam ko mas mahirap ngayon na wala ako but I know the kids will be okay kasi nandiyan ka! I want you to know how much I appreciate and looove you!

“Can’t wait to go home again and be with you! (heart emoji) Please that I’m always missing you and thinking of you!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

OK ang I Left My Heart in Sorsogon, kasi ipinaalala nito ang magandang lugar nina Heart Evangelista at soon-to-be Senator Chiz Escudero ulit.

With Richard Yap there, at least malinaw na hindi na tatakbo si Richard sa anumang elective office dahil malamang na abutan ang airing nito ng October filing of candidacy forms sa 2022 elections.

Continue reading below ↓

At least, mas stable ang showbiz career niya than politika!

JERRY OLEA

Patuloy sa pagratsada ang mga programa ng GMA-7, kaya umaariba rin ang Kapuso stars.

Ang I Love My Heart in Sorsogon ang unang teleserye ni Richard Yap bilang Kapuso.

Mapapanood na ang cultural drama series na Legal Wives sa Hulyo 26, Lunes ng gabi, sa GMA Telebabad.

Bida rito ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo bilang Manaraw na si Ismael, na tatlo ang asawa—sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres), at Farrah (Bianca Umali).

Nasa bigating cast din sina Cherie Gil, Alfred Vargas, Irma Adlawan, Bernard Palanca, Al Tantay, Juan Rodrigo, Maricar de Mesa, Tommy Abuel, at Mon Confiado.

Kasali rin sa Legal Wives sina Abdul Raman, Shayne Sava, Kiko Matos, Ashley Ortega, Divine Aucina, Kevin Santos, at Derrick Monasterio.

"Set in Marawi, during the siege, Legal Wives is an extraordinary tale of love in which a man, through his religious custom, is permitted to have until 4 wives. It also follows the individual lives of his wives and how these women come to live with and accept each other,” pahayag ng Kapuso soap opera writer na si Suzette Doctolero.

Continue reading below ↓

Sa Agosto 2, Lunes ng hapon naman, ang pilot telecast ng Nagbabagang Luha, kung saan “tinuhog” ni Alex (Rayver Cruz) ang magkapatid na sina Maita (Glaiza de Castro) at Cielo (Claire Castro).

Nasa cast din ng Nagbabagang Luha sina Gina Alajar, Mike Tan, Royce Cabrera, Karenina Haniel, at Myrtle Sarrosa. Teka! Kasali pa ba si Myrtle sa Voltes V: Legacy?

Noong Hulyo 16, Biyernes, ay ini-reveal ng GMA Public Affairs ang co-stars nina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Arra San Agustin, at Christopher de Leon sa action-adventure series na Lolong.

Kabilang diyan ang anak ni Christopher na si Ian de Leon, at ang Seiko jewels noong sina Leandro Baldemor at Abby Viduya (aka Priscilla Almeda).

Nasa Lolong din sina Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Bembol Roco, Malou de Guzman, Paul Salas, Maui Taylor, Mikoy Morales, DJ Durano, at Marco Alcaraz.

Ayon sa source ng PEP Troika, umpisa na this week ng lock-in taping ng Lolong sa Laguna.

Continue reading below ↓

Sa Hulyo 21, Miyerkules, nakatakda ang umpisa ng lock-in shooting ng Stories from the Heart: Loving Ms. Bridgitte.

Hopefully, makumpirma na nating si Kelvin Miranda ang gaganap na lover dito ni Beauty Gonzalez.

Si Pokwang, kabi-kabila ang trabaho. Sa sobrang ka-busy-han, hindi naka-attend sa virtual mediacon ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento last week.

Siyempre, hinihintay pa rin natin ang official announcement kay Xian Lim bilang leading man ni Jennylyn Mercado sa Love. Die. Repeat.

Kung si Bea Alonzo ay nasa EDSA Shangri-La nang i-welcome bilang bagong Kapuso, saan naman kaya si Xian kapag iwe-welcome?

Nag-umpisa na ang duty ni Johnny Manahan aka Mr. M bilang bagong consultant ng GMA Artist Center. Wala pang one week na ipinakilala si Mr. M bilang bagong Kapuso, tumulong na agad siya sa GMA Artist Center sa pag-discover ng promising new talents.

Umupo na si Mr. M sa screening panel ng online auditions ng GMA Artist Center, kasama ang GMA executives, GMA Entertainment directors, GMA Artist Center Senior Talent Managers, GMA Artist Center's Talent Development team, at GMA Artist Center's Talent Recruitment team.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magmula nang nagka-quarantine, umabot daw sa 211 pounds ang timbang ng aktor na si Paolo Contis. Pero dahil sa detox juice na tini-take niya at todo-todong exercise, 170 pounds na lang siya ngayon.
PHOTO/S: GMA Network / @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results