Raymart Santiago may birthday message para sa anak nila ni Claudine Barretto

by PEP Troika
Jul 19, 2021
Raymart Santiago to his son Santino: "No matter how old you get, know that you will always be my baby boy."
PHOTO/S: @raymartsantiago Instagram

NOEL FERRER

Isang working birthday ang mangyayari sa kaibigan nating si Raymart Santiago dahil nasa lock-in shooting siya sa Oriental Mindoro para sa pelikula nila nina Coco Martin at Julia Montes under Direk Brillante Mendoza.

Ang maganda rito, hindi kinalimutan ni Raymart na batiin ang kanyang anak na si Santino.

Ang Instagram post ni Raymart ngayong Hulyo 19, Lunes: “Happy birthday Santino! Stay happy, healthy and blessed on your special day… and every day of the year. No matter how old you get, know that you will always be my baby boy.”

I’m sure either nagkaroon na ng celebration sina Raymart at Santino before, at meron pa iyan after mag-lock-in taping ang tatay niyang walang ibang hinangad kundi ang mapasaya ang anak niya.

Kilala natin ang mga Santiago, close-knit family iyan kaya buhos din ang pagbati nila sa kanilang kaanak.


Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Bukas, Hulyo 20, Martes, ang kaarawan ni Raymart, na birthday rin ng ina ni Santino na si Claudine Barretto.

Hiningan ko si Direk Joel Lamangan ng mensahe para kay Claudine.

“Happy birthday to a very, very good actress! Many more birthdays and projects to come, Claudine! May all your birthday wishes come true!!!” sabi ni Direk sa cellphone, habang nasa post prod siya ng comeback movie ni Claudine na Deception.

Hindi pa alam ni Direk Joel kung kailan ang target streaming ng Deception, na nagtatampok din kay Mark Anthony Fernandez. Sa Hulyo 28 pa ang final interlock ng movie.

Base sa rushes ng Deception, napatunayan ni Direk Joel na talagang “mahusay si Claudine.

Hindi pa nawawala ang kahusayan niya sa pag-arte. Mahusay pa rin siya!”

Siyanga pala, kung nasa Oriental Mindoro si Raymart, ang kasintahan niyang si Jodi Sta. Maria ay nasa Baguio City naman para sa lock-in taping ng Kapamilya teleseryeng The Broken Marriage Vow.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Sabi nga ng ibang nagbi-birthday, habang nagma-mature ka, nagme-mellow ka na at mas gusto na lang ang simple at tahimik na buhay.

Noong November 2020, idinemanda ni Claudine si Raymart dahil sa diumano'y hindi pagtupad ni Raymart sa sustento para sa kanilang anak. Pero na-dismiss iyon ng piskalya.

Pagkatapos mabasura ang reklamong inihain ni Claudine kay Raymart, sinabi raw ni Atty. Ferdie Topacio sa aktres na pwede siyang maghain uli ng panibagong kaso kung gusto niya.

Maayos ang takbo ng career ngayon ni Claudine, marami siyang pinagkakaabalahan. Makakabuti sigurong mag-focus na lang sila sa kani-kanyang career.

Sa tingin ko, hindi tatalikuran ni Raymart ang responsibilidad niya bilang ama nina Santino at Sabina.

Mas tahimik, mas maayos, at mapapag-usapan nang mabuti ang dapat na mapagkasunduan. Iyon na lang ang hangad ko sa kaarawan nina Claudine at Raymart.

Mukhang may pasabog naman daw na handa si Atty. Topacio para kay Claudine.

Continue reading below ↓

Bukod pa riyan ay ang daming sponsors ni Claudine na mga nagbibigay ng pagkain. Lagi niyang ipinu-post ang mga iyon sa Instagram.

Kaya babaha ang mga fudam sa kaarawan ng Optimum Star! Kasunod niyan ay paghahandaan na nila ang promo ng Deception.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raymart Santiago to his son Santino: "No matter how old you get, know that you will always be my baby boy."
PHOTO/S: @raymartsantiago Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results