Royce Cabrera threatened ba sa mga bagong lipat sa GMA-7?

by PEP Troika
Jul 19, 2021
Royce Cabrera on Kapamilya stars transferring to GMA-7: "Wala naman din po dapat maramdaman na threat mula sa mga Kapamilya na naglilipatan dahil pare-parehas lang din naman po kami na kailangan ng trabaho, at kailangan din nating intindihin na may kanya-kanyang dahilan kung bakit natin ginagawa ang ganitong klaseng desisyon."
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Nobyembre 25, 2020 inihayag ng GMA Artist Center na Kapuso na si Royce Cabrera, na lumabas sa Kapamilya teleseryeng A Soldier’s Heart (Enero-Setyembre 2020).

Nag-guest si Royce sa iba’t ibang programa ng GMA Network, kabilang ang “Masahista for Hire” episode ng Magpakailanman noong Pebrero 6, 2021.

First major project niya sa Siete ang teledramang Nagbabagang Luha, na mapapanood umpisa Agosto 2, Lunes ng hapon.

Co-stars niya rito sina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Claire Castro, Mike Tan, at Gina Alajar. Ang direktor ay si Ricky Davao.


Continue reading below ↓

Glaiza de Castro

Nakapanayam ng PEP Troika si Royce via Facebook Messenger nitong Lunes ng gabi, July 19.

Excited na siyang makita ang resulta ng taping ng cast ng Nagbabagang Luha.

Sabi niya, "Ang gaan at ang saya nilang katrabaho lahat. Ramdam mong wala talagang pressure sa kanila kundi mas nagtutulungan pa talaga ang bawat isa para lalong mapaganda ang mga eksena."

Bilang big-time drug-dealer na si Sherwin, maraming eksena si Royce with Claire.

Lahad pa ni Royce, "Namangha ako kay Claire sa dedication niya sa work niya, kasi mahirap yung role niya rito.

"Talagang makikita mo yung pagod niya bawat pack-up namin. Pero ang galing lang, kasi talagang sineryoso at inaral niya ito maigi."

WORKING WITH RICKY DAVAO

Ang co-star niya sa Cinemalaya 2019 entry na si Ricky Davao ay direktor niya this time. Noon pa man ay puring-puri na ni Ricky si Royce.

Paano siya ginabayan ni Direk Ricky sa Nagbabagang Luha?

Continue reading below ↓

"Malaking tulong din yung nagkatrabaho na kami ni Direk Ricky dati. Kasi, mas alam niya na siguro yung kakayanan ko para ma-execute ang bawat eksena," tugon ni Royce.

"Nakakatuwa lang din, kasi kahit nagka-work na kami ay hindi pa rin ako nauubusan ng mga bagong kaalaman mula kay Direk, na talagang nagamit ko sa serye na ito at pwede ko pa magamit sa mga susunod na show."

Continue reading below ↓

Ang co-star nila ni Direk Ricky sa Fuccbois na si Kokoy de Santos ay Kapuso na rin. Gumaganap ito bilang best friend ni Sef Cadayona sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na nag-pilot telecast noong Hulyo 17, Sabado ng gabi.

Lahad ni Royce, "Actually, alam naman na ni Kokoy ito dahil nasabi ko na rin naman sa kanya ito, na sobrang proud ako sa kung ano man ang naa-achieve niya ngayon.

"Naikuwento niya sa akin ang mga naging paghihirap at sakripisyo niya para lang mapunta sa posisyon niya ngayon, which is deserve niya dahil talagang mabuting tao si Kokoy."

ON KAPAMILYA STARS TRANSFERRING TO GMA

Kumusta so far ang pagiging Kapuso? Okay lang ba sa kanya na maraming Kapamilya ang naglilipatan sa GMA 7? Nate-threaten ba siya?

Sagot ni Royce, "Sobrang nae-enjoy ko po ang pagiging Kapuso. Nagpapasalamat po ako sa kanila dahil nabibigyan nila ako ng mga ganitong klaseng oportunidad na talagang malaking bagay para sa akin.

Continue reading below ↓

"Wala naman din po dapat maramdaman na threat mula sa mga Kapamilya na naglilipatan dahil pare-parehas lang din naman po kami na kailangan ng trabaho, at kailangan din nating intindihin na may kanya-kanyang dahilan kung bakit natin ginagawa ang ganitong klaseng desisyon.

"Mas mabuti na mas malawak ang maging pang-unawa natin sa buhay para maging masaya lang ang lahat."

Ipinadala namin ang aming mga tanong kay Royce sa manager niyang si Dudu Unay kahapon, July 19. Finorward sa amin ni Dudu ang mga sagot ni Royce nitong Monday night.

GORGY RULA

Naalala ko pa ang tsika ni Direk Ricky pagkatapos namin mapanood ang Fuccbois.

Asiwang-asiwa raw siyang nakahambalang ang ari nina Kokoy at Royce sa mukha niya.

Wala kasing kiyeme ang dalawang aktor na ito na kahit bago pa lang sila noon, nagpakita na ng galing sa pag arte.

Promising si Royce, lalo na't may karakter siya talaga. Marami pa siyang pwedeng gawin sa mga susunod na projects ng GMA-7. Ang suwerte nga niya, kasisimula pa lang niya sa GMA, nagbida siya agad sa isang episode ng Magpakailanman.

Continue reading below ↓

Congratulations kay Royce at good luck sa mga susunod pa niyang gagawin bilang Kapuso!


NOEL FERRER

Ibang klase ang appeal nitong si Royce Cabrera at talagang favorite siya ng social media officer ng Nagbabagang Luha na si Madz Aguilar.

Pictorial kete pictorial sila at talagang nagmukhang premiere star si Royce na ka-level sina Gina Alajar, Glaiza de Castro, Rayver Cruz, at Mike Tan.

Continue reading below ↓

Feeling nga ni Madz, may laban siya kay Myrtle Sarrosa!


HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Royce Cabrera on Kapamilya stars transferring to GMA-7: "Wala naman din po dapat maramdaman na threat mula sa mga Kapamilya na naglilipatan dahil pare-parehas lang din naman po kami na kailangan ng trabaho, at kailangan din nating intindihin na may kanya-kanyang dahilan kung bakit natin ginagawa ang ganitong klaseng desisyon."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results