Alessandra de Rossi arangkada ang directorial debut at love life

by PEP Troika
Jul 20, 2021
My Amanda nina Alessandra de Rossi at Piolo Pascual nag-No. 1 sa Netflix Philippines.
PHOTO/S: @msderossi Instagram

JERRY OLEA

Birthday ni Alessandra de Rossi nitong Hulyo 19, Lunes.

Magandang birthday gift para kay Alessandra na nanguna na sa Netflix Philippines ang pelikula niyang My Amanda.

Sina Alessandra at Piolo Pascual ang mga bida sa pelikula na ang working title ay Fuffy and Fream. Directorial debut ito ni Alessandra, at co-writer and co-producer siya rito.

Noong Hulyo 15, Huwebes, nagsimulang mag-streaming sa Netflix ang My Amanda.

Hulyo 16, Biyernes ng gabi, pumuwesto na ito sa #2.

Nitong Monday night, Hulyo 19, sa wakas ay nanguna ito.


Continue reading below ↓

Nakakatuwa na nitong Monday night, nasa top 10 din ng Netflix Philippines ang dalawa pang Pinoy na palabas.

Nasa #4 ang pelikulang Glorious (2018) nina Angel Aquino at Tony Labrusca, at nasa #9 ang dalawang season ng seryeng Bagman (2019) ni Arjo Atayde.

Ang iba pang palabas na nasa Top 10 ng Netflix Philippines as we write this ay The Good Doctor (#2), Nevertheless (#4), Sex/Life (#5), Fear Street: Part Three 1666 (#6), Monster Hunter (#7), Major Grom: Plague Doctor (#8), at Love ft. Marriage & Divorce (#10).

Napapanood din sa Netflix ang mga pelikula ni Alessandra na Bambanti (2015), Kita Kita (2017) with Empoy Marquez, at Through Night and Day (2018) with Paolo Contis.

Magtatagal kaya sa pagiging #1 sa Netflix Philippines ang My Amanda?

Sa Hulyo 23, Biyernes, mag-i-streaming na sa Netflix ang Kingdom: Ashin of the North at Masters of the Universe: Revelation.

NOEL FERRER

Happy Birthday, Alessandra!

Continue reading below ↓

At least, na-debunk ni Alex (palayaw ni Alessandra) yung paniwala na kapag successful ka sa career, e, laos ka sa love life.

Masaya pa rin sila hanggang ngayon ng boyfriend na si Direk Rico Gutierrez ng GMA-7.

Nagwagi si Direk Rico ng maraming international awards for his animation project, at kung hindi ako nagkakamali ay si Rico ang direktor na may pinakamaraming hawak na programa sa Kapuso Network.

Sana magkaroon ng major collab sina Alex at Rico sa TV man o pelikula. Exciting iyan!

GORGY RULA

At least, natutupad na ang mga gustong gawin ni Alessandra—ang magsulat at magdirek.

May impluwensiya kaya si Direk Rico Gutierrez sa istilo ng pagdidirek ni Alex?

Mas okay yatang behind the camera na lang siya, dahil may mga hindi na niya type gawin bilang artista. Ayaw niya ng kissing scene at namimili na siya ng project na gusto niyang gawin.

Narinig ko kasing hindi na siya basta-basta tumatanggap ng movie project.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
My Amanda nina Alessandra de Rossi at Piolo Pascual nag-No. 1 sa Netflix Philippines.
PHOTO/S: @msderossi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results