Kuya-kuyahan nina Alden at Jasmine sa The World Between Us, trayduran nina Coco at Jane sa Ang Probinsyano

by PEP Troika
Jul 20, 2021
Patindi nang patindi ang mga kaganapan sa mga primetime series na The World Between Us, kung saan nagkakaroon na ng damdamin para sa isa't isa sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith (top), habang tinuldukan na ni Jane de Leon ang pagiging magkakampi nila ni Coco Martin (bottom) sa Ang Probinsyano.
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN

JERRY OLEA

Kuya-kuyahan kuning-kuning ni Lia (Jasmine Curtis-Smith) si Louie (Alden Richards) sa Kapuso primetime series na The World Between Us.

Ganoon din sa kasunod nitong teledrama na Endless Love, kuya-kuyahan ni Jenny (Marian Rivera) si Johnny (Dingdong Dantes) pero kumukuya-kuyakoy ang damdamin nila para sa isa’t isa.

Sa Hulyo 26, Lunes ng gabi, ay mag-uumpisa na sa GMA Telebabad ang Legal Wives, na mapapanood right after The World Between Us.

Yes! Legal Wives will be between the two kuya-kuyahan series.

Lia vs Lia pa rin! Ang katapat ng The World Between Us ay ang FPJ’s Ang Probinsyano kung saan gumaganap naman si Jane de Leon bilang Lia.

Jane vs Jane din! Kasama sa The World Between Us si Jaclyn Jose, na “Jane” ang tawag ng mga kaibigan dahil ang tunay nitong pangalan ay Mary Jane Santa Ana Guck.

Pareho ring may Audrey ang dalawang teleserye.

Sa The World Between Us, si Audrey (Kelley Day) ay schoolmate ni Lia na napalapit kay Louie.

Continue reading below ↓

Sa FPJ’s Ang Probinsyano, si Dra. Audrey (Aya Fernandez) ay ate ni Lia na napalapit kay Cardo. Nagselos si Lia kay Audrey sa magkatapat na teleserye!

At any rate, tinuldukan ni Lia (Jane de Leon) ang pagiging magkakampi nila ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Na-hurt si Lia sa pagtatraydor ni Cardo nang lusubin nito ang headquarters ng mga kasamahan niya sa Black Ops, taliwas sa napagkasunduan nilang dalawa. Dahil sa ginawa ni Cardo, nasa kritikal na kondisyon ang dating kasintahan ni Lia na si Albert (Geoff Eigenmann).

Maging ang mga kasama ni Cardo sa Task Force Agila, lalo na si Diana (Angel Aquino), ay nagalit sa ginawa niya dahil inilagay niya sa kapahamakan ang kanilang buong grupo.

Habang nagkakagulo sina Lia at Cardo, dinukot ng mga di kilalang lalaki ang kapatid ni Lia na si Audrey (Aya Fernandez). Magkabati pa kaya sina Lia at Cardo para masagip si Audrey?

Continue reading below ↓

Natutunghayan ang mga maaaksyong eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel, at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Teka! Totoo ba ang tsika ni Mega-Friend Bernard Cloma na may bagong direktor na para sa Mars Ravelo’s DARNA: The TV Series na pagbibidahan ni Jane the Virgin, este, de Leon pala?!

NOEL FERRER

Ay, uso pala ang kuyakoy subplots na nagkakahulugan ng damdamin at kitang-kita iyan sa primetime.

At may nabalitaan akong major na mangyayari sa FPJ’s Ang Probinsyano ngayong week. Magugulat ang mga sumusubaybay at may matetegi raw na hindi inaasahan.

Oh well, ngayong nakakatamad ang panahon dahil nag-uuulan, salamat sa TV at ibang viewing platforms at merong pakakaabalahan ang ating mga kababayan.

GORGY RULA

Ang daming nagtatanong sa akin kung kailan ba tatapusin ang FPJ’s Ang Probinsyano. Siyempre, hindi naman namin alam!

Continue reading below ↓

Pero ang dinig ko, gusto ng grupo ni Coco Martin na ma-resolve ang lahat ng isyung tinalakay ng naturang teleserye. Gusto nilang maayos ang ending, na hindi basta-basta na lang tapusin.

Kaya alam ko, mas kakaririn nila ang pagtatapos nito na kukunan sa isang probinsyang may kalayuan talaga sa Maynila.

Pero ang isa sa talagang aabangan ko ay itong Legal Wives na kakaiba ang kuwentong tatalakayin na hindi pa ganoon kapamilyar sa atin. Bago ito sa isang Kristiyanong bansa natin.


Continue reading below ↓

Sabi nga ng direktor nitong si Zig Dulay, “Sa isang Christian country, paano mo maikukuwento yung isang kultura o ang isang paniniwala na hindi tayo masyadong sanay, o hindi natin masyadong naiintindihan?

“Paano mo maikukuwento ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa in a way na magkakaroon kasi ng diskurso about that, e, na parang… baka mamaya, pagdating sa dulo, abangan nila na kung ano ang mangyayari na hinahanap ba natin ang ganitong klase na values o ano ba?

“Ako naman, gusto ko ang naging ending ng buong teleserye in a way na dapat ba maging harmonious ang pagsasama ng tatlong legal wives, kasama ang asawa nila, o dapat ba sang-ayon ito sa Kristiyanong paniniwala na dapat iisa lang? Iyon yata ang kailangan nilang malaman.”

Sa The World Between Us ay magsisimula na ang hirap na haharapin ni Louie (Alden Richards), lalo na’t magkakaroon ng conflict kung ipagpatuloy ba niya ang pag-ibig niya kay Lia, o mananaig ang tinatanaw niyang utang na loob kay Rachel Libradilla (Dina Bonnevie)?

Continue reading below ↓

Tumitindi na rin ang galit ni Brian (Tom Rodriguez) kay Louie.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patindi nang patindi ang mga kaganapan sa mga primetime series na The World Between Us, kung saan nagkakaroon na ng damdamin para sa isa't isa sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith (top), habang tinuldukan na ni Jane de Leon ang pagiging magkakampi nila ni Coco Martin (bottom) sa Ang Probinsyano.
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results