Beth Tamayo, nakatakdang manganak sa September; Bea at Dominic, sa August ang balik sa Pinas

by PEP Troika
Jul 20, 2021
Nagkita si Beth Tamayo (left) at ang pamangkin niyang si Dominic Roque sa baby shower ng dating aktres sa Amerika. Kasama ni Dominic ang kanyang rumored girlfriend na si Bea Alonzo (right), na nakabasyon ngayon sa California.
PHOTO/S: @roithemakeupartist / @fannyzha on Instagram

NOEL FERRER

Happy 31st birthday kay Dominic Roque ngayong Hulyo 20, Martes!

Sa U.S. ang celebration ni Dom ng kanyang kaarawan, kasama ang rumored girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Tinanong ko ang tita ni Dom na si Beth Tamayo kung nagkita na sila.

Ang sabi ni Beth ay oo, nagkita sila sa baby shower niya noong weekend.

Nakumpirma ito nang i-post ni Dom sa IG Stories niya na magkakasama sila ng kanyang Tita Beth at asawa nito.

Beth is due to give birth to her baby girl on September 24.

Mukhang ine-enjoy ni Beth ang kanyang pregnancy with friends and family, like Dom and even the Megastar Sharon Cuneta, seeing her there!

Nagkita ba si Beth at ang kanyang future pamangkin-in-law na si Bea? Kailangan pa bang i-memorize yun?

GORGY RULA

Good luck sa bagong role na haharapin ni Beth Tamayo.

I’m sure, ang pinakamasaya sa lahat ay ang mommy niya na matagal nang humihingi ng apo kay Beth kahit isa lang. Kaya dalangin ng PEP Troika ang safe na panganganak ni Beth sa September.

Continue reading below ↓

Next month naman ang balik ni Bea Alonzo galing Amerika at siguro, kasabay na rin si Dominic Roque.

Haharapin na ng bagong Kapuso actress ang unang project na gagawin niya sa GMA-7. Sabi ni Bea, dream project niya ito, kaya ang taas ng expectations ko sa gagawin niya.

Sana, meron na ring gagawin si Dominic sa Kapamilya network. Kailangan na rin niyang harapin ang kanyang showbiz career.

Malamang na malaki rin ang nagastos niya sa bakasyon nilang yun. Kaya dapat work pa more para makapag-ipon sa mga susunod na plano nila ni Bea, di ba?

JERRY OLEA

Ano kaya kung mapaaga ng tatlong araw ang panganganak ni Beth? Kung ganoon, magiging magka-birthday sila ng kanyang supling!

OK lang na nakabakasyon muna nang matagal-tagal si Bea sa U.S. Pag-uwi niya sa Pilipinas, dire-diretso na siguro ang pagtatrabaho niya.

Andiyan ang pelikula nila ni Alden Richards na A Moment to Remember, at siyempre, ang teleserye sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Hopia at asado pa ba tayong magtatambal muli sina Bea at John Lloyd Cruz sa pelikula man o TV series?

Naku! E, hanggang ngayon, inaasam-asan pa rin natin ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Bali-balitang gagawa na ng teleserye si Mega. Expectorant cough syrup ba tayo na makakatambal niya rito si Gabby?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkita si Beth Tamayo (left) at ang pamangkin niyang si Dominic Roque sa baby shower ng dating aktres sa Amerika. Kasama ni Dominic ang kanyang rumored girlfriend na si Bea Alonzo (right), na nakabasyon ngayon sa California.
PHOTO/S: @roithemakeupartist / @fannyzha on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results