Alice Dixson di pa gaanong nakakapag-adjust sa pagiging mommy

by PEP Troika
Jul 20, 2021
Alice Dixson on taking care of her baby Aura: “It was difficult kasi I had to be away for two weeks tapos… we have the yaya. Nakahanap naman kami ng paraan. Unfortunately, up to now hindi ko pa siya talaga nalalaro nang husto because when I was on the set, I got cold and still recovering. So, hindi ko pa siya talaga nakakasama ng 100 percent."
PHOTO/S: GMA Network / @alicedixson on Instagram

GORGY RULA

Hindi pa gaanong kumportable si Alice Dixson na pag-usapan sa virtual mediacon ng Legal Wives noong Lunes, Hulyo 19, ang kanyang anak na si Baby Aura.

Kaya may pakiusap sa entertainment media na huwag sana masyadong pag-usapan ang personal na bahagi ng buhay na ito ng aktres.

Pero kahit paano ay ibinahagi ni Alice kung paano niya naharap ang pagiging mommy sa gitna ng pagti-taping niya sa Legal Wives, lalo na’t first time din niyang masalang sa lock-in taping.

Kuwento ni Alice, “We kept it for the first two lock-in. Pero at the certain point, kailangan ko nang… yun nga, magpaalam to leave.

“It just so happened, ang taping namin, yung second lock-in, until February 14. Umuwi kami, February 15.

“Dumating ako sa bahay, the following day we received… actually midnight of the 16th, we received a call.

“That call was our surrogate, she’s in the hospital already, she’s giving birth. So, napaka… I thought that was a blessing.”

Continue reading below ↓

Iba ang excitement ni Alice noong panahong iyon, at itinuturing niyang suwerte sa kanya itong Legal Wives.

Saad niya, “This show is such a blessing for me. The professional relationships, and the personal relationships were built.

“I will never forget this show, how things have changed.

“Nung pagbalik ko for lock-in taping number five, nakakatuwa na naipasok talaga ako sa show because I thought na hindi na ako makakabalik.

“I returned in the last lock-in… it was different, because mas strict sila. The production was more strict because of the cases that happened when I was away.

“It was so nice to be back and… it was so nice to complete the show with everyone.

“I will never forget the experience whether… yes, it was the first lock-in show na nagawa ko… ahh, but I really did enjoy the experience.

"It was really a wonderful experience,” sabi pa ni Alice na gumaganap bilang Amirah, isa sa legal wives ni Ismael Makadatu (Dennis Trillo).

Continue reading below ↓

Mapapanood na ito sa Hulyo 26, Lunes, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.


Dennis Trillo and Alice Dixson

NOEL FERRER

Sayang, ang dami sanang matututunan sa pinagdaanan ni Alice sa buhay niya kung open siyang pag-usapan iyon.

Tapos na ba ang taping nila sa Legal Wives?

Continue reading below ↓

Iyan ang tanong ng mga nakabasa ng post ni Maricar de Mesa na nagpapaalam na sa role at sa programa. Tuloy, may hinagap na ang mga tao sa tatakbuhin ng istorya.

May confidentiality clause ba ang mga ganitong teleserye? O may patakaran na ba ngayong tapos na muna ang taping bago umere? Para kung may mag-positive man ay tapos na ang palabas?

JERRY OLEA

Siyempre, waley si Cherie Gil sa virtual mediacon ng Legal Wives. Abang-abang tayo kung may sasabihin ba ang ibang mga artista kaugnay sa pakikipagtrabaho kay Cherie sa inaabangang cultural drama series.

Mabigat ang papel ni Cherie bilang Zaina, ang ina ni Ismael, na magsisilbing gabay ng tatlong asawa nitong sina Amirah, Diane (Andrea Torres), at Farrah (Bianca Umali).

Si Zaina ay pangalawang asawa ni Hasheeb Makadatu (Al Tantay), ang iginagalang na Imam, mula sa lahi ng mga sultan at datu sa Marawi.

Ang unang asawa ni Hasheeb ay si Nuriya (Irma Adlawan), na ina ni Nasser (Alfred Vargas). Siyempre, kapana-panabik ang mga eksena nina Irma at Cherie bilang magkadowaya.

Continue reading below ↓


Irma Adlawan and Cherie Gil

At any rate, medyo hirap pa si Alice sa pag-a-adjust bilang mommy, lalo na’t ilang linggo siyang naka-lock-in taping sa Legal Wives.

“It was difficult kasi I had to be away for two weeks tapos… we have the yaya. Nakahanap naman kami ng paraan.

Continue reading below ↓

“Unfortunately, up to now hindi ko pa siya talaga nalalaro nang husto because when I was on the set, I got cold and still recovering. So, hindi ko pa siya talaga nakakasama ng 100 percent.

"Pero siguro in the next few days, I’ll be okay na to take care of her,” sabi ni Alice sa virtual mediacon.

Sa Hulyo 28, Miyerkules, ay birthday ni Alice. Mas makabuluhan ang kaarawan niya this time na isa na siyang mommy!

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alice Dixson on taking care of her baby Aura: “It was difficult kasi I had to be away for two weeks tapos… we have the yaya. Nakahanap naman kami ng paraan. Unfortunately, up to now hindi ko pa siya talaga nalalaro nang husto because when I was on the set, I got cold and still recovering. So, hindi ko pa siya talaga nakakasama ng 100 percent."
PHOTO/S: GMA Network / @alicedixson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results