Kumusta ang rating ng pilot episode ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento?

by PEP Troika
Jul 21, 2021
Pumalo sa ratings game ang pilot episode ng Pepito Manloto: Unang Kuwento, tampok sina Kokoy de Santos at Sef Cadayona (kaliwa); kinakarir naman nang husto ni Vice Ganda (kanan) ang costume niya every episode ng Everybody Sing.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel

GORGY RULA

Masaya ang grupo ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento sa rating ng pilot episode nito noong Sabado, July 17. Ayon sa AGB Nielsen, naka-14.7% ito.

Sa totoo lang, mataas ang expectations ko sa prequel ng Pepito Manaloto dahil nakakaaliw ang teaser at ang gagaling pa ng mga artista. Pero siguro, di ganoon kataas ang viewership noong araw na iyon dahil halos ganoon din ang rating ng mga sumunod na programa.

Pagkatapos ng Unang Kuwento ay ang Agimat ng Agila, na matatapos na sa darating na Sabado, July 24. Naka-14.1% ito.

Sumunod ang Magpakailanman na naka-14.6% naman. Ang Daddy’s Gurl ay naka-6.9%.

So far, halos ganoon pa rin ang nakukuhang rating ng Kapamilya shows sa A2Z. Medyo tumaas lang ang Everybody Sing ni Vice Ganda na naka-3.1%.

Ang Rated Korina ay naka-1.4%; Maalaala Mo Kaya, 2.3%; at Bawal Lumabas, 1.4%.

Kapansin-pansin na noong Linggo, July 18, na mataas ang halos lahat ng mga programa ng GMA 7, lalo na sa hapon.

Continue reading below ↓

Naka-4.6% ang All-Out Sundays, at lumaban din ang ASAP Natin ‘To na ang combined ratings nito sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, at Jeepney TV ay 3.5%.

Tumuluy-tuloy sa GMA Blockbuster na naka-4.4%, at 2.5% naman ang FPJ Da King.

Humataw ang Dear Uge na naka-5.1%, at 1.3% ang katapat nitong Ipaglaban Mo.

Mukhang inabangan ang Tala concert ni Sarah Geronimo na inere sa GMA 7, dahil naka-5.5% ito.

Sa gabi ay na-maintain ng Daig Kayo ng Lola Ko ang 13.3% rating nito. Bagong episode na ito tampok sina Jennylyn Mercado at Paolo Contis.

Ang Everybody Sing ay naka-1.9% lamang.

Consistent na mataas ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na nakapagtala ng 16.1%.

Sumunod ang Kapuso Mo Jessica Soho na naka-20.1%, at 1.3% naman ang He’s Into Her sa A2Z.

Okay naman ang nakuhang rating ng The Boobay and Tekla Show na 4.9%.

NOEL FERRER

Masaya tayong may sari-saring viewership ang mga palabas ng GMA, at tumataas din ang audience share ng game show ng TV, at balitang magtatayo pa ito ng dagdag na transmitter para ma-cover nang mas malawak pa ang mga probinsya.

Continue reading below ↓

Ang Kapamilya shows naman, bagamat may free TV viewers ay mas bumabawi sa digital platforms kung saan sila ang nangunguna.

Nitong darating na weekend, aabangan ko ang Maalaala Mo Kaya episode ng talent kong si Iza Calzado kasama si Shamaine Buencamino sa isang kuwento ukol sa advocacy ng dalawa ng mental health.

Pinagdaanan ito ng anak ni Shamaine at ina naman ni Iza.

Minsan ding nasabi ni Iza na nag-resonate sa kanya ang kuwento ng letter sender, na ginagampanan ni Heaven Peralejo.

Aktingan na malalim ang hugot ang magaganap dito mula sa direksyon ni Mae Cruz Alviar. Isa na naman itong pang-award na episode ng MMK this Saturday.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Nakaka-stress sa executives kung ang ratings ng programa ay ispageting pababa nang pababa, at kinakabog pa minsan ng replay.

Kahit walang prangkisa ang ABS-CBN ay tuluy-tuloy pa rin ang kanilang mga paandar at pasiklab.

Kinakarir ni Vice Ganda ang mga costume at pustura niya sa Everybody Sing. Big Bird ang peg ni Vice Ganda noong Hulyo 17, Sabado night, na nag-streaming ang kanyang Gandemic concert.

Hindi maatim ni Vice na P45K lang ang paghahatian ng comedy bar performers, kaya dinagdagan niya iyon ng P100K.

Mala-Elsa ng Frozen si Vice noong Sunday, Hulyo 18, kung saan ang gurong songbayanan ang third winner ng P500K sa community singing game show.

Napapanood ang Everybody Sing tuwing 7:00 p.m. ng Sabado at Linggo sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Bagong episode na naman ang mapapanood sa Magpakailanman sa Sabado ng 8:00 p.m. sa GMA 7, ang “From Russia with Love” kung saan bida si Nico Antonio.

Continue reading below ↓

Sa Hulyo 26, Lunes, ay mag-uumpisa na sa GMA Telebabad ang cultural drama series na Legal Wives.

Of course, may mga TV show na nagkakaproblema pa rin dahil sa COVID-19, kaya nababagu-bago ang programming line-up.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumalo sa ratings game ang pilot episode ng Pepito Manloto: Unang Kuwento, tampok sina Kokoy de Santos at Sef Cadayona (kaliwa); kinakarir naman nang husto ni Vice Ganda (kanan) ang costume niya every episode ng Everybody Sing.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results