Robin Padilla dinenay na tatakbong senador; Anjo Yllana kakandidatong congressman

by PEP Troika
Jul 22, 2021
Nilinaw ni Robin Padilla (kaliwa) na wala siyang planong kumandidato bilang senador sa 2022 elections. Kumpirmado namang tatakbo bilang kongresista si Anjo Yllane (kanan) sa District 5 ng Camarines Sur.
PHOTO/S: Mariel Rodriguez YouTube / @anjoyllana Instagram

GORGY RULA

Diretsahang itinanggi ni Robin Padilla ang kumakalat na balitang isa siya sa senatoriable sa ilalim ng tiket ni President Rodrigo Duterte.

Sinagot niya ito sa YouTube channel ng asawa niyang si Mariel Rodriguez-Padilla.

Aniya, "Maraming nangarap na maging pulitiko ako. Hindi mangyayari yun. It’s not gonna happen.

"Gusto kong magkaroon ng tahimik na buhay ang mga anak ko. Ang pangarap ko nga diyan, sa abroad din, e.

"Sana magkaroon tayo ng blessing na mangyayari pa yun. Kasi sa ngayon, imposible pa yun, e."

Binanggit ni Robin na maibenta lang niya ang kanilang bahay at ang pag-aaring museo, sapat na raw na gamitin iyon para mangibang bansa.

Gusto ni Robin ay sa Europe sila maninirahan at pagtulungan nila ni Mariel na alagaan at palakihin ang dalawa nilang anak.

"Nakasalalay lahat iyan sa kung anong blessing natin. Kasi, kung magiging ganito, nandito lang tayo sa Pilipinas. Wala tayong tsansang makalayo," sabi pa ni Robin.

Continue reading below ↓

Ang ilan pang pinag-uusapang tatakbo bilang senador ay sina Willie Revillame at Raffy Tulfo, pero wala pa silang pahayag hanggang sa ngayon.

Sa Congress naman ay pinag-uusapan na rin ang pagpasok ni Arjo Atayde sa District 1 ng Quezon City. Nakikita namang suportado siya ni Mayor Joy Belmonte.

So far, ang nagkumpirma sa PEP Troika na tuloy ang pagtakbo ay si Anjo Yllana bilang congressman ng District 5 ng Camarines Sur. Ito rin yung tinakbuhan dati ni Aga Muhlach na hindi nga lang pinalad.

Ikinuwento sa amin ni Anjo na magkamag-anak pala sila ni Aga sa mother side na talagang taga-Camarines Sur. Kaya madalas sa CamSur tumitigil si Anjo na sobrang in-enjoy naman niya.

Sinisimulan na nga raw niyang ayusin doon ang kanilang ancestral home.

NOEL FERRER

Mabuti naman kung kay Robin na mismo manggagaling iyang ganyang pronouncement.

He knows himself best. Kilala kong matulungin siya pero alam ko namang makakatulong pa rin siya kahit walang posisyon sa gobyerno.

Continue reading below ↓

Hayyy, nakakaloka ang susunod na eleksyon!!

JERRY OLEA

Minsan nang sumubok si Robin sa pulitika at nabigo. Makulay ang kabanatang iyon sa buhay ng kanyang masigasig na campaign strategist, di ba?

Hindi matatawaran ang malasakit ni Robin sa mga kapwa Muslim, kaya malamang na solid ang boto sa kanya ng mga Muslim sakaling kumandidato siyang senador.

Sa recent Facebook post ng kaibigan niyang si Bashier Sacaguing, sinabi nitong maraming ginagawang kabutihan si Robin para sa kapakinabangan ng mga Muslim at Kristiyano.

Aniya, may ipinatayong Muslim community si Robin, na may mosque. Nagkaloob din si Robin ng lupa na nasa Norzagaray, Bulacan upang mapaglibingan ng mga Muslim.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nilinaw ni Robin Padilla (kaliwa) na wala siyang planong kumandidato bilang senador sa 2022 elections. Kumpirmado namang tatakbo bilang kongresista si Anjo Yllane (kanan) sa District 5 ng Camarines Sur.
PHOTO/S: Mariel Rodriguez YouTube / @anjoyllana Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results