Glaiza de Castro miss na ang fiancé na si David Rainey; aminadong mahirap ang LDR

by PEP Troika
Jul 22, 2021
Glaiza de Castro on LDR with fiancé David Rainey: "Sa totoo lang po, medyo challenging nga itong pandemic na ‘to sa pag-travel, di ba? E, yung tipo pa naman ng relationship namin, medyo mahal. Kasi, ang daming flights na involved, ang daming travels na involved."
PHOTO/S: @glaizaredux / @david_rainey89 Instagram

GORGY RULA

Hindi pa masagot ni Glaiza de Castro ang tanong ng PEP Troika kung pagkatapos ng bagong afternoon drama series niyang Nagbabagang Luha ay paghahandaan na niya ang pagiging Mrs. David Rainey.

Nakatsikahan namin ang Kapuso actress sa katatapos lang na virtual mediacon ng Nagbabagang Luha ngayong Huwebes ng hapon, July 22.

Hindi pa raw niya alam kung pag-uusapan na nila ng fiancé niyang si David ang wedding plans dahil nahaharap pa rin tayo sa pandemic.

Na-engage sila bago mag-Pasko noong December 2020, kung kailan huling nagbakasyon si Glaiza sa Ireland.

Saad ng aktres, "Sa totoo lang po, medyo challenging nga itong pandemic na ‘to sa pag-travel, di ba?

"E, yung tipo pa naman ng relationship namin, medyo mahal. Kasi, ang daming flights na involved, ang daming travels na involved.

"So, hoping kami na pag mag-ease yung restrictions at kung kailan man yun, hindi namin alam.

"Pero I think itong season na ‘to na hindi kami nagkikita ay parang ano na rin, way na rin to strengthen our relationship, to be more trustful, maging mas patient."

Continue reading below ↓

Regular daw ang communication nila ni David. Pero dahil sobrang focused siya sa role niya bilang si Maita Ignacio sa Nagbabagang Luha, nadadala raw niya ito sa relasyon nilang dalawa.

"Medyo ano nga, e, parang… hindi ko alam kung may effect din yung Nagbabagang Luha.

"Kasi, kahit papaano, alam mo, naiisip mo, ‘Ano kaya kung alam mo?’ Di natin masasabi yung mga temptations.

"Kaya gusto ko na talagang magkita kami,” napapangiting pahayag ni Glaiza.

Dagdag niya, "May mga options na kasi kami kung kailan ulit kami magkikita. Pero we’re praying na in God’s time na mangyari yun."

Matagal-tagal ding hindi nakaarte si Glaiza sa telebisyon kaya excited siya sa Nagbabagang Luha, na magsisimula nang mapanood sa Agosto 2, Lunes ng hapon.

Ini-expect na raw niyang maikukumpara siya kay Lorna Tolentino na original na gumanap nito sa pelikula.

Ilan sa mga kasama ni Glaiza sa Nagbabagang Luha ay sina Rayver Cruz, Mike Tan, Gina Alajar, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, at Claire Castro.

Continue reading below ↓

Ginagampanan ni Claire ang role noon ni Alice Dixson.

JERRY OLEA

Sakaling sisimulan na ang wedding plans, gusto ni Glaiza na dito sa Pilipinas gagawin.

"Ideally po talaga, gusto ko dito. Kasi, ang laki ng pamilya ko, e. Hindi ko sila kayang dalhin lahat sa Ireland.

"Iyong pamilya ni David, wala pa silang sampu. So, madaling-madali pagdating sa logistics. Madali na silang dalhin dito, at hindi pa nila na-experience din.

"Si David pa lang kasi sa pamilya nila ang nakapunta sa Philippines. So, hindi pa nila na-experience ang Filipino culture, and I’m very excited to show them that."

Aba! May resort si Glaiza sa Baler, Aurora. Puwedeng doon ganapin ang kasalan, di ba?!

NOEL FERRER

Pareho ang fate nina Glaiza at Bela Padilla na mga afam ang kasintahan.

Ibang klaseng adjustment ang nagaganap sa dynamics ng magkakasintahang ito.

Nauna na sa ganito si Rachelle Ann Go na masayang namumuhay bilang Mrs. Spies sa U.K.

Continue reading below ↓

Teka, hindi naman maisasama sa kategoryang ito si KC Concepcion, dahil kasalukuyang nasa U.S. ang dalaga at naroon ang napapabalitang karelasyon niyang si apl.de.ap.

Sino kaya kina Glaiza, Bela, at maging si KC ang mauunang magpakasal? Wanna bet?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro on LDR with fiancé David Rainey: "Sa totoo lang po, medyo challenging nga itong pandemic na ‘to sa pag-travel, di ba? E, yung tipo pa naman ng relationship namin, medyo mahal. Kasi, ang daming flights na involved, ang daming travels na involved."
PHOTO/S: @glaizaredux / @david_rainey89 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results