Michael V., bilib sa young cast members ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento

by PEP Troika
Jul 23, 2021
Saturday offerings: (clockwise) Nico Antonio and Max Collins play the roles of real couple Eric Baylosis and Anna Rabstun Baylosis in Magpakailanman; Iza Calzado plays a mother battling mental illness in MMK; Senator Bong Revilla in Agimat ng Agila; Jay Arcilla, Kokoy de Santos, Sef Cadayona, and Kristoffer Martin in Pepito Manaloto: Unang Kuwento.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel

GORGY RULA

Matindi ang labanan ng primetime shows ng GMA-7 bukas, Hulyo 24, na tingin ko ay mayroon ding panlaban ang ibang network.

Excited si Michael V. dahil mas masaya raw ang susunod na episode ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento.

Bilib siya sa Kapuso young actors na kabilang dito dahil nai-deliver nila nang maayos ang roles na ginagampanan nila. Hindi raw sila nagkamali sa mga napili nilang artista kagaya nina Sef Cadayona, Mikee Quintos, Kokoy de Santos, at iba pa.

“Itong mga hinandpick namin to play a certain character will definitely be a part of hindi lang ng Manaloto family kundi pati ang pamilya ng mga manonood sa lahat na sumusubaybay sa Pepito Manaloto,” pahayag ni Bitoy sa nakaraang interview sa kanya ng Kapuso PR Girl.

Pagkatapos ng Unang Kuwento ay ang final episode ng Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla. Nag-tape pa sila ng additional scenes para mas maaksyon ang pagtatapos ng book one nito.

Continue reading below ↓

Thankful si Senator Bong dahil tinanggap ng manonood ang pagbabalik niya sa TV.

“Sa init ng kanilang pagtanggap, para na rin tayong hindi nagpahinga sa paggawa ng mga palabas sa telebisyon. Kaya mas nakaka-inspire pagandahin ang Agimat ng Agila,” sabi niya.

Pinag-uusapan na raw kung paano pa pagagandahin ang book two ng fantasy-drama na ito.

Susunod sa Agimat ng Agila ang bagong episode ng Magpakailanman na pinamagatalang "From Russia With Love, The Eric Baylosis/Anna Rabstun Baylosis Story."

Kuwento ito ng isang simpleng Pinoy na napaibig ang isang Russian model.

Nagpapasalamat ang magaling na aktor na si Nico Antonio sa GMA-7 na sa kanya ipinagkatiwala ang role bilang si Eric Baylosis. Pero medyo challenging din sa kanya dahil halos sa kanya naka-focus ang buong episode.

Naluha raw siya nang nabasa niya ang script.

“First time ever na nangyari sa akin yung ganito. Kaya I am grateful sa GMA for this opportunity,” pahayag ni Nico.

Continue reading below ↓

Ka-partner dito ni Nico si Max Collins na gumaganap bilang isang Russian model na si Anna Rabstun.

Si Direk Don Michael Perez ang direktor ng episode na ito ng Magpakailanman.

NOEL FERRER

Interesting actually ang lineup bukas, July 24, dahil isang bagong episode ang ipalalabas ng Maalaala Mo Kaya na record high ang views—1 million views in 10 hours, 2 million views in 1 day.

Ang balita nami’y inihabol talaga ito bilang pambato ng ating bansa sa mga international TV awards lalo pa’t tungkol ito sa napapanahong issue on mental health.

Masayang-masaya ang aking alagang si Iza Calzado na tuwing nag-e-MMK ay nakakatanggap ng recognition sa mga award-giving bodies.

And hopefully this one is no different dahil malapit sa puso niya ang isyung tinatalakay. May pagkakahawig iyon sa pinagdaanan niya sa kanyang yumaong ina.

Sana ay kapulutan natin ito ng magandang aral sa ating buhay.

JERRY OLEA

“Madlang Pi-Poll” ang bagong interactive game segment ng It’s Showtime umpisa bukas, Hulyo 24, Sabado.

Continue reading below ↓

Pwedeng makisagot ang televiewers sa mga tanong at manalo ng mga papremyo habang nanonood sa bahay.

Para makasali sa laro, mag-log in sa link o URL na ipapakita ng hosts sa screen habang nakatutok sa live segment.

Isa-isang ipapakita ng hosts ang mga tanong habang sinasagutan ng home viewers ang mga ito sa kanilang laptop, computer, o mobile device.

Imbitado ang lahat ng Filipino citizen na kasalukuyang nanininirahan sa Pilipinas na 18 taong gulang at pataas, at may valid ID na sumali sa game.

Para makapasok sa raffle draw at manalo ng papremyo, kailangang ibigay ang buong pangalan, address, edad, phone number, at email address sa registration form na makikita pagkatapos sagutan ang huling tanong sa laro.

Tuwing Sabado, tatlo hanggang limang home viewers ang maaaring manalo ng cash prizes at special items sa “Madlang Pi-Poll.”

Iparinig ang boses at manalo ng papremyo sa pagsagot ng “Madlang Pi-Poll” sa It’s Showtime simula ngayong Sabado sa A2Z channel sa digital at free TV, Kapamilya Channel sa cable at satellite TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel, at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC.

Continue reading below ↓

Kapana-panabik siyempre ang mga kaganapan sa season finale ng Agimat ng Agila bukas ng 7:15 p.m. sa GMA-7.

Sa nakaraang episode, nakatanggap si Gabriel (Bong Revilla Jr.) ng makamandag na halik mula kay Serpenta (Michelle Dee) matapos makipagbakbakan kay Maya (Sanya Lopez).

Siyempre, ililigtas ni Gabriel si Maya mula sa ama nitong si Alejandro (Roi Vinzon) na nagtataglay ng bertud ng Bakunawa. Magtatagumpay ba ang Kabutihan laban sa Kabuktutan?

Sa Lunes, Hulyo 26, ang huling SONA ni Pangulong Duterte.

Sa Monday night ang pilot episode ng cultural drama series na Legal Wives, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Saturday offerings: (clockwise) Nico Antonio and Max Collins play the roles of real couple Eric Baylosis and Anna Rabstun Baylosis in Magpakailanman; Iza Calzado plays a mother battling mental illness in MMK; Senator Bong Revilla in Agimat ng Agila; Jay Arcilla, Kokoy de Santos, Sef Cadayona, and Kristoffer Martin in Pepito Manaloto: Unang Kuwento.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results