Aljur Abrenica masaya raw sa career at personal life niya ngayon

by PEP Troika
Jul 23, 2021
Aljur Abrenica: "When it comes to my personal life, it’s always been a choice to be happy. Choice mo pa rin kung magiging masaya ka o hindi. Para sa ikabubuti ng lahat, sa mga anak ko, lahat-lahat."
PHOTO/S: Screen grab from Zoom

GORGY RULA

Tuluy-tuloy ang pagpu-promote ni Aljur Abrenica ng pelikula niya sa Viva Films, ang Nerisa, kung saan kasama niya ang sexy star ng Viva na si Cindy Miranda.

Humarap si Aljur sa ilang miyembro ng entertainment press sa isang virtual mediacon na in-organize ng bago niyang manager na si Leo Dominguez ngayong Biyernes, Hulyo 23.

Mahigpit na ipinakiusap na huwag pag-usapan ang mainit na isyu ng paghihiwalay nila ni Kylie Padilla, kaya talagang nakabantay ang publicist nilang si Jun Lalin para sanggain ang tanong na tutungo sa isyung hiwalayan.

Tungkol na lang daw sana sa pelikulang Nerisa, na pinaka-daring na pelikulang nagawa ni Aljur.

Medyo naintriga ang aktor dahil nasa kotse siya at nagbibiyahe habang nasa Zoom. Buong tsikahan namin ay nasa biyahe lang siya at hindi pa siya nakakarating sa kanyang pupuntahan.

Kaya tinanong namin kung saan ba ang punta niya.

Sa Fairview, Quezon City ang una niyang sagot. Naintriga kami dahil sa pagkakaalam namin ay nandoon si Kylie.

Continue reading below ↓

Pero nilinaw ni Aljur na pa-Filinvest 2 siya para dalawin ang kanyang mommy at kapatid na si Vin Abrenica.

Nagpasalamat naman si Aljur na inunawa ng press ang kanyang pananahimik.

Sabi niya ay magsasalita siya "soon" sa mga isyung kinasangkutan niya. Hindi lang daw ngayon ang tamang panahon.

Kaya sinundan ko ng tanong kung masaya ba siya ngayon sa kanyang showbiz career at pati ang personal na bahagi ng kanyang buhay.

Ani Aljur, "Masaya po talaga ako.

"When it comes to my personal life, it’s always been a choice to be happy.

“Choice mo pa rin kung magiging masaya ka o hindi. Para sa ikabubuti ng lahat, sa mga anak ko, lahat-lahat.

"Ano talaga… you know, I choose to be happy. Kasi, pag hindi ako maayos, hindi magiging maayos ang lahat.”

Humingi rin siya ng paumanhin kay Cindy na naintriga silang dalawa sa gitna ng isyu nila ni Kylie.

“Gusto ko pong humingi ng pasensiya sa lahat. Sa lahat po na nadamay. Hindi nila deserved yun,” sabi ni Aljur.

Ang pelikulang Nerisa ay mag-i-stream na sa July 30 sa Vivamax, KTX.ph, iWant TFC, at TFC IPTV. Sa halagang 249 pesos ang ticket nito.

JERRY OLEA

Walang pagtanggi si Aljur sa sinabi ng father-in-law niyang si Robin Padilla na may third party sa hiwalayan nila ni Kylie.

Kung sinu-sinong “cynthia” ang nag-deny na kesyo hindi sila ang tuksong nagwasak sa tahanan nina Kylie at Aljur.

SIKAT na aktres ang pinagbubulung-bulungan ng showbiz insiders na third party, hindi The WHO.

Siyempre, hindi na rin nagsalita si Aljur kaugnay sa payo ni Robin kay Kylie na, “Pag-Muslim-in mo na lang si Aljur!”

Naku! Interesado kaya si Aljur na subaybayan ang Kapuso primetime drama series na Legal Wives, na magpa-pilot episode sa Hulyo 26, Lunes?

Siyanga pala, magre-rerun ang teledramang The Good Daughter umpisa Hulyo 27, Martes ng 4:15 p.m., sa GMA Afternoon Prime. Pinagbidahan ito ni Kylie Padilla, at unang umere noong Pebrero-Hunyo 2012.

Continue reading below ↓

Co-stars dito ni Kylie sina Rocco Nacino, Raymond Bagatsing, Alicia Mayer, Glydel Mercado, LJ Reyes, Max Collins, Angelie Nicole Sanoy, Dion Ignacio, Ervic Vijandre, at Luz Valdez.

NOEL FERRER

Para kay Aljur, nagwo-work talaga ang kasabihang, “Less talk, less mistakes.”

Sana, makatulong ang pinagdaraanan niya sa buhay sa pagpapahusay pa niya sa pag-arte!

Good luck, Aljur!

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica: "When it comes to my personal life, it’s always been a choice to be happy. Choice mo pa rin kung magiging masaya ka o hindi. Para sa ikabubuti ng lahat, sa mga anak ko, lahat-lahat."
PHOTO/S: Screen grab from Zoom
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results