Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla ipina-lockdown ang dalawang subdivision dahil sa COVID-19 Delta variant

by PEP Troika
Jul 24, 2021
Inanunsiyo ni Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla na magsasagawa ng granular lockdown sa dalawang subdivision dahil sa dalawang kaso ng COVID-19 Delta variant sa nasabing bayan.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

GORGY RULA

Sa gitna ng pananalanta ng bagyong Fabian at ng Habagat, lalong nadagdagan ang takot natin dahil sa pagkalat ng matinding Delta variant ng COVID-19.

Kinumpirma ng IATF at DOH na mayroong dalawang Delta variant patients na nasa Bacoor, Cavite.

Dahil dito, nagpasya ang alkalde ng Baccor na si Lani Mercado-Revilla na magkaroon ng granular lockdown sa dalawang subdivision sa Bacoor para isagawa ang masusing contact tracing.

Bahagi ng pahayag ni Mayor Lani na ipinost sa Facebook nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 23, “Agad po na nagpulong ang Task Force on COVID 19 at nagdesisyon na ilagay po sa lockdown ang ADDAS 2C Subdivision sa may Molino at BF El Grande Subdivision sa Brgy. Molina VI simula alas-dose ngayong gabi July 24 hanggang July 26 alas-dose ng hatinggabi.

“Aabot sa 200 families sa ADDAS 2C, habang aabot naman sa may 900 families ang sa El Grande na kinakailangang mananatili sa kanilang mga tahanan habang inilulunsad po ang contact tracing, para ma-locate ang second to third generation of contacts nitong dalawang Delta variant patients.”

Continue reading below ↓

Tiniyak ni Mayor Lani na mabibigyan ng ayudang pagkain o relief goods ang mga nakatira sa dalawang nabanggit na lugar, dahil mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas sa loob ng tatlong araw.

“Bukas ay maghahatid tayo ng relief goods sa nasabing lugar at magkakaroon din ng disinfection sa buong area para mabawasan ang pagkalat ng ano mang virus.

“Walang lalabas at bawal ang may bumisita. Ipagpaliban ang may schedule ng bakuna.

“Magkakaroon ng mass swab testing sa naturang lugar matukoy agad kung sino ang nagpositibo sa COVID 19, pagkatapos ng contact tracing.

“Mapanganib po ang Delta variant na COVID-19 na ito.

“Agad na sumangguni po sa inyong OWWA Health Emergency Response team sa inyong barangay health emergency health response team kung kayo po ay may nararamdamang sintomas na may kaugnayan po sa COVID-19.

“Atin pong tututukan ang kaso na ito para hindi po kumalat sa inyong mga lugar. Manatili po tayo sa ating pong mga tahanan. Tayo po ay magdasal at ibayo pong pag-iingat,” dagdag na pahayag ng alkalde ng Bacoor, Cavite.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Bukas (Agosto 25, Linggo) na sana ang koronasyon ng Miss World Philippines 2021 sa Okada Manila. Dahil sa heightened GCQ restrictions ng IATF, ipinagpaliban sa Agosto 8 ang event.

Hindi rin tuloy ang special screening ng Gameboys The Movie bukas dahil sa GCQ restrictions hanggang katapusan ng buwan.

Continue reading below ↓

Ang katotong Edd de Leon, nag-post sa Facebook nitong Sabado ng umaga, “It was very early in the morning and Lipa Congresswoman Vilma Santos was up and about, aware of the strong earthquake with a magnitude of 6.6, and has its epicenter in Calatagan, Batangas.

“Ate Vi is asking everyone for prayers. She's right because that's all we can do, but for her part she has asked her office in Lipa to gather as much information and to be ready for relief operations.

“She told us, she will not be attending the SONA on Monday physically, and she will attend to the needs in Lipa and so with the other areas in Batangas.”

Ang ilang katoto natin sa mga lugar na binabaha, nag-post sa socmed ng kanilang pangamba at agam-agam.

FB shout out ni Ogie Diaz, “Yung mga tatakbo sa election next year, now is the best time. Gayahin nyo ang mga kaluluwa. Magparamdam din kayo.”

Continue reading below ↓

Lindol. Baha. Delta variant ng Covid-19… at sa Lunes, huling SONA ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

NOEL FERRER

Nasa mga LGU talaga ang laki ng trabaho para sa kanilang constituents.

Kahapon, July 23, hindi nakasama sa aming LGUs TO THE RESCUE series, na nagtatampok sa mga mayor, si Ormoc City Mayor Richard Gomez dahil nanghihina pa siya sa kanyang COVID-19. Understandable yun!

Naging thorough at extensive tuloy ang usapan namin ni Baguio City Mayor Benjie Magalong na ating tracing czar. Sabi niya, sana ay maging handa tayo sa parating na surge sa Delta variant.

Tinukoy ni Mayor Magalong na hindi lubusang sineseryoso ng ibang LGUs ang contact tracing, kasi hindi sila visible na bida. Mas gusto raw ng ibang mga mayor magbigay ng ayuda at magbakuna dahil papogi sa kanila yun na nakikita ng mga tao.

Kung kaya’t ang numbers ng COVID positive cases ay hindi kasindami ng totoong merong COVID, ani Mayor Magalong. Hindi nangyayari ang mas maraming testing at contact tracing, kasi tataas ang numbers ng positive cases.

Continue reading below ↓

Sa SONA sa Lunes, sabi ng matapang na Mayor Benjie Magalong na gusto niyang marinig kung paano tayo iaahon ni Pangulong Duterte sa sitwasyon natin at sana, makapag-present ng roadmap sa ating COVID response.

Dagdag pa niya, sana ay hindi na tumakbo pang muli si Pangulong Digong.

Mapapanood ang kabuuan ng aking panayam kay Mayor Magalong sa Level Up ng Radyo Katipunan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inanunsiyo ni Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla na magsasagawa ng granular lockdown sa dalawang subdivision dahil sa dalawang kaso ng COVID-19 Delta variant sa nasabing bayan.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results