Lock-in shooting at taping ng ilang ongoing projects, naapektuhan ng bagyong Fabian

by PEP Troika
Jul 24, 2021
ON-SCREEN PAIRS: (Clockwise) Coco Martin and Julia Montes in The Policemen, Kelvin Miranda and Beauty Gonzalez in Stories from the Heart: Loving Ms. Bridgette, and Heart Evangelista and Richard Yap in I Left My Heart In Sorsogon.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Kapa-pack up lang ng team ni Coco Martin at nakabalik na ng Maynila mula sa Pola, Oriental Mindoro nang manalasa ang bagyong Fabian kaya hindi naapektuhan ang shooting ng pelikula nila ni Julia Montes.

Naka-text ng PEP Troika ang alkalde ng Pola, Oriental Mindoro na si Ina Alegre.

Nagpasalamat siya dahil natapos ang shooting ng pelikulang may tentative title na The Policemen na hindi nadiskaril ng sama ng panahon.

Nagpasalamat din siya sa kabaitan ni Coco at ng buong grupo na magiliw sa mga taga-Pola na nakabantay sa kanilang shooting.


Continue reading below ↓

Tuluy-tuloy pa rin ang malakas na pag-ulan kaya naapektuhan ang lock-in taping ng ilang drama series.

Nagsimula ang lock-in taping ng bagong drama series ng GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon sa Sorsogon noong Lunes, July 19. Tampok sa seryeng ito sina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

Kuwento ni Paolo sa PEP Troika, okay ang first taping day nila. Pero nung kamakalawa lang ay nag-shoot sila sa Pili farm sa Sorsogon, biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya na-pack up silang hindi nakunan ang ilang eksena.

Noong Biyernes, Hulyo 23, lang daw nagsimula mag-tape si Richard. Mabuti't nakisama ang panahon kaya natapos nila ang mga dapat kunan.

Continue reading below ↓

Samantala, magaling dumiskarte ang production staff ng Loving Ms. Bridgette na naka-lock in taping naman sa Tanay, Rizal.

Na-anticipate na nila ang pag-uulan kaya inuna muna nila ang interior shots. Kaya kahit tuluy-tuloy ang malakas na ulan, tuloy pa rin ang taping nila na, at kapag umokey na ang panahon, saka nila kukunan ang exterior shots. Mataas daw ang kanilang lugar kaya hindi ito inabot ng baha.

Natutuwa naman ang production staff ng naturang serye dahil napakabait daw ng dalawang bida nilang sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda.

First time ng mga taga-Kapuso network na makatrabaho si Beauty, at puring-puri nila ang dating Kapamilya actress sa kabaitan nito.

Ang Loving Ms. Bridgette ang unang installment ng Stories From The Heart na mapapanood sa afternoon prime ng GMA-7.

NOEL FERRER

Mukhang ganyan nga at sa labas ng Metro Manila ang ginagawang lock-in shooting location ng mga production.

Tulad na lang ng Bantay Bahay na pelikula ni Direk Joey Reyes na kinukunan sa Sariaya, Quezon. Tampok dito sina Pepe Herrera, Karl Gabriel, at Melizza Jimenez.

Continue reading below ↓

Ang sabi ni Direk Joey, “For more than a week we have been shooting in this beautiful historic location. This has been one of my most memorable and fulfilling experiences in my moviemaking life.

“And I have been around for decades. Literally. Thank you for giving me this experience.”


Continue reading below ↓

Isa pang ginagawang location ngayon ay ang Baguio.

Sabi ni Mayor Benjie Magalong, pinayagan nila ang produksyon ng The Broken Marriage Vow with strict adherence to protocols para maiwasan ang COVID cases.

E, ano pala ang nangyari sa taping nina Jak Roberto at Klea Pineda na bigla raw nahinto ang taping dahil sa COVID cases sa produksiyon?

Paano kaya makakaapekto ang heightened restrictions dahil sa COVID variants sa mga taping at shooting?

Mararanasan iyan first hand ni Yorme Isko Moreno as he starts with his Andres Bonifacio movie na may mga location shoots din.

Good luck at ingat talaga!

JERRY OLEA

So, kumpirmado nang si Kelvin Miranda ang young actor na katambal ni Beauty Gonzalez sa Stories from the Heart: Loving Ms. Bridgette.

Nag-post si Direk Adolf Alix Jr. sa Facebook ng litrato ni Kelvin habang nasa set sa Tanay.

“DAY 2. Exciting scenes ahead. God bless our shoot today,” sabi pa ni Direk Adolf.

Continue reading below ↓


Si Pola Mayor Jennifer Mindanao Cruz (Ina Alegre), nag-post naman ng BTS (behind-the-scenes) photos ng pelikulang The Policemen sa Facebook niya.

"Salamat Coco Martin, Raymart Santiago, Julia Montes, Lotlot de Leon, Allan Paule, Elizabeth Oropesa, Cristine Bermas, Jun Naira at syempre kay Direk Brillante Mendoza at Direk Bing Lao sa aking Best friend Reynold... Salamat sa lahat ng staff sa Poleños na nakiisa. God bless Pola.”

Continue reading below ↓

Direk Joey Reyes cannot overemphasize kung gaano siya kasaya sa set ng Bantay Bahay sa Sariaya, Quezon.

Facebook posts ni Direk Joey, “The greatest of my happiness is found only in two places on this planet: the classroom and the movie set.

“When you love what you are doing, it doesn’t become work: it is simply living life to the fullest.

Continue reading below ↓

“Happiness is doing what you love to do best. Even after so many decades of doing it.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ON-SCREEN PAIRS: (Clockwise) Coco Martin and Julia Montes in The Policemen, Kelvin Miranda and Beauty Gonzalez in Stories from the Heart: Loving Ms. Bridgette, and Heart Evangelista and Richard Yap in I Left My Heart In Sorsogon.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results