Ate Shawee, bagong dagdag sa listahan ng comedians na pumanaw sa panahon ng pandemya

by PEP Troika
Jul 26, 2021
AND THE LAUGHTER DIED... The comedians who passed away during this pandemic: (from left) Babajie (May 4, 2020), Kim Idol (July 13, 2020), Le Chazz (May 1, 2021), Shalala (June 23, 2021), Hans Mortel (July 14, 2021), and Ate Shawee (July 26, 2021).
PHOTO/S: Facebook / Instagram

JERRY OLEA

Kabilang sa mga komedyanteng pumanaw sa panahon ng pandemya sina Babajie (Mayo 4, 2020), Kim Idol (Hulyo 13, 2020), Le Chazz (Mayo 1, 2021), Shalala (Hunyo 23, 2021), at Hans Mortel (Hulyo 14, 2021).

Ngayong Hulyo 26, Lunes, binawian na rin ng buhay ang mega-impersonator ni Sharon Cuneta na si Ate Shawee, sa edad na 45.

Ayon kay Direk Manny Valera, laging big hit si Ate Shawee kapag nagpe-perform noong late 1990s sa Mr. Melody comedy bar sa Roces Ave., Quezon City.

“Her repertoire didn’t only focus on Sharon Cuneta songs but also excerpts from the musicals Miss Saigon, Dreamgirls and many more. Kaygaling, kayhusay at kaybait!” post ni Direk Manny sa Facebook.

“I was very happy for her many success in other shows here and abroad. Each time I get to talk to her, she remained humble and grateful…”

Hunyo 9 nang mag-shout out si Ate Shawee sa Facebook, “GOING TO HOSPITAL RUSH..MOTHER OF PERPETUAL HELP IKAW NPO BAHALA SAKIN..PLZ PRAY FOR ME SALAMAT”

Continue reading below ↓

The next day, ang shout out niya, “naiiyak ako… bakit ngayon pa nangyari kung kelan pandemic nagsabay sabay lahat… hindi ko kakayanin ang gastos dito sa ospital”

Nagpasalamat siya sa mga nagdasal para sa kanya at nagme-message, lalo na sa mga nagpadala ng tulong.

Hunyo 28, nag-shout out si Ate Shawee na susunduin na siya ng ambulansya papuntang PGH.

Hunyo 29, ang sabi ni Ate Shawee, “NALULUNGKOT AKO NAPANGHIHINAAN NG LOOB IYAK AKO NG IYAK ...SANA NAMAN KAYANANIN KO LAHAT ITO MOTHER OF PERPETUAL HELP”

Hulyo 2, “HINDI N PLA AKO GAGALING.LUMABAS MAN BABALIK ULIT OSPITAL WALANG WALA NA AKO UMAASA LANG AKO S MGA NAGBBGAY TULOMG SKIN...DKO NA YTA KAKAYANIN ANU MAN MANGYARI KONTI N LANG SUKO NA AKO”

Hulyo 14 ang huling Facebook shout out ni Ate Shawee, “BIRTHDAY KO NA BUKAS MALUNGKOT PA DIN AT HIRAP PA DIN SITWASYON KO… LORD JESUS KAU NPO BAHALA SAKIN.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Nakakalungkot ang mga usaping paglisan ng mga kasamahan natin sa trabaho.

Iisang industriya lang tayo, kaya ang lakas lang ng impact na nagso-SONA pero tayong nasa ground ay nagdadalamhati.

Hindi pa ginagawang public ang pagyao ng isang kasamahan natin dahil may kaanak siyang hindi pa nasasabihan. Sobrang maingat siya sa COVID situation pero nakakalungkot pa rin.

Sana lang, tumulong ang establishment na pinaglingkuran niya sa pamilyang naiwan niya.

Hayyy, nakakalungkot talaga ang mga panahon ngayon.

GORGY RULA

Napag-usapan sa isang group chat ang pagpanaw ng mga komedyante, at karamihan sa kanila ay stand-up comedians na nagtatrabaho sa comedy bars.

Napag-usapan din namin ito ng ilang reporters sa presscon ngayong Lunes, July 26 ng bagong hirang na Miss Supranational Philippines 2021 Dindi Pajares at Mr. Supranational 2021 John Adajar.

Umaayon ako sa komento ng iba na tila ngayon na nananingil ang katawan nila sa halos araw-araw na puyatan na trabaho sa comedy bars.

Continue reading below ↓

Bukod sa puyat, may sigarilyo, at ang iba ay may alak pa. Ngayong nawalan sila ng trabaho, saka naglabasan ang kanilang mga sakit.

Nakakalungkot na umabot sa ganito. Ito na talaga ang pangangalagaan natin sa ngayon—ang ating kalusugan.

Mahirap nang mabalik sa dati. Ito na talaga ang buhay natin ngayon at sa mga susunod pang panahon.

Si Allan K ay tanggap na mahirap nang mabalik ang comedy bars. Kaya may fallback na rin naman ang karamihan ng stand-up comedians. May ilang restaurants na nakakasingit minsan ng show ng mga stand-up comedians, pero konti lang talaga.

Sana, kakayanin nating mairaos ang hirap na hinaharap natin ngayon.

JERRY OLEA

Labis ang pighati ng Mr. Gay World Philippines 2009 na si Wilbert Tolentino (KaFreshness Sirwil) sa pagpanaw ni Ate Shawee.

Lahad ni Wilbert sa ipinadalang video clip sa PEPTroika, “Napakalungkot ng araw na ito dahil wala na po si Ate Shawee, ang aking friend, ang aking inay dito sa entertainment industry.

Continue reading below ↓

“Maghihingi lang ako ng dalawang pasensya at tatlong thank you sa iyo.

“Pasensya dahil laging late akong nagre-reply sa mga messages mo sa akin.

“Another pasensya dahil naghihiling ka ng video greet sa akin pero hindi ko naibigay sa iyo.

“At alam kong sobrang proud ka na naging vlogger ako.

“Thank you. Thank you dahil… ahh, malaking kontribusyon ang ibinigay mo sa entertainment.

“Ahh, thank you because you cheered me up noong dumaan ako ng depression noong nagha-handle ako kay Mader Sitang.

“Thank you sa pag-pray sa akin noong tinamaan ako ng Covid.

“At higit sa lahat, gusto ko ring mag-thank you dahil hinabilin mo sa akin ang necklace na white gold galing sa Japan…

“Itatago ko ito, at magsisilbi ito na souvenir sa akin, at hangga’t buhay ako, itatago ko ito.

“I love you, ‘Nay Shawie! My friend, kahit wala ka na dito, ipagpe-pray po kita!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AND THE LAUGHTER DIED... The comedians who passed away during this pandemic: (from left) Babajie (May 4, 2020), Kim Idol (July 13, 2020), Le Chazz (May 1, 2021), Shalala (June 23, 2021), Hans Mortel (July 14, 2021), and Ate Shawee (July 26, 2021).
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results