Olympic gold medalist Hidilyn Diaz hindi makapaniwala sa nakamit na tagumpay sa #Tokyo2020

by PEP Troika
Jul 27, 2021
Olympic gold medalist Hidilyn Diaz: “When the times na hindi… alam niyo na gusto ko nang sumuko dahil sa dami ng pagsubok na pinagdaanan, nakaya nating mga Pilipino."
PHOTO/S: AP / Instagram

NOEL FERRER

Nakakaiyak pa rin talaga ang nangyari kay Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics kagabi, July 26.

Naipanalo niya ang kauna-unahang GOLD MEDAL ng Pilipinas sa Olympics, sa event na weightlifting.

Ayon kay Hidilyn, 5:30 a.m. na siya nakatulog kanina (July 27) at hindi pa rin siya talaga makapaniwalang nanalo siya.

At ang paulit-ullit niyang sambit, “Ang bait ni Lord. Ang bait ni Lord!”

Nakakatuwa ring pinahahalagahan talaga ng lahat ng mga broadsheet si Hidilyn, at siya ang ginawang headline.

Continue reading below ↓

Sa mga broadcast news kagabi, parang hindi nila akalain at pinaghandaan ang pananalo ni Hidilyn at sa SONA talaga na-concentrate ang balita.

Nagpadala sa akin ang talent kong si Hidilyn ng thank-you message kasama si Julius Naranjo, ang kanyang conditioning coach at boyfriend. Grabe rin ang pinagdaanan nilang dalawa.

Sobrang naa-appreciate nila ang mga tao at kumpanyang sumuporta sa training ni Hidilyn bilang paghahanda sa Olympics, lalo pa’t mahigit isang taon din siyang wala sa bansa at nawalay sa pamilya.

Continue reading below ↓

Sa group chat ng lahat ng talent family namin, sobrang active ng mga tao at overwhelmed sa achievement ni Haidie.

Grabe ang impact ng pagtugtog ng "Lupang Hinirang" sa Olympics!

Tama ang sinabi ni Senator Ralph Recto ngayon sa TV, “Natalo ni Hidilyn ang China nang walang gera!”

Aantabayanan natin ang pagbabalik ni Haidie sa Pinas dahil ang rule yata ay 48 hours after the game ay aalis na sila ng Tokyo dahil sa COVID restrictions.

Muli, maraming salamat, Haidie! Inangat mo hindi lang ang bakal kundi ang bayan!

Grabe ang ang pinagdaanan mo. Grabe ang pinagdaraanan ng bayan natin!

Ang ipinakita at itinuro mo: sa nagkakaisang HUSAY at TIBAY, tayo at MAGTATAGUMPAY.

GORGY RULA

Kung may mga nadismaya sa huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, kaagad naman itong napawi nang pumutok ang balitang nasungkit ni Hidilyn ang gold para sa ating bansa.

Nasilip ko ang interview sa kanya ni Gretchen Ho pagkatapos ng kanyang laban, pawang pasasalamat sa Diyos ang namumutawi sa kanyang bibig. Dito muling pinatunayan na ang dasal ang pinakamabisa at pinakamalakas sa lahat.

Continue reading below ↓

Ani Hidilyn, “Nasorpresa ako na nagawa ko yun. Kakaiba si God! Lahat ng mga prayer warriors ko diyan sa Pilipinas, thank you so much.

“Sa team HD at sa lahat na sumuporta sa akin, thank you so much for believing in me.

“When the times na hindi… alam niyo na gusto ko nang sumuko dahil sa dami ng pagsubok na pinagdaanan, nakaya nating mga Pilipino.

“Sa lahat na pinagdaanan ko, prinepare ako ni God to be strong today. Thankful ako sa team HD na ginawa akong malakas.

“Hindi ako makapaniwala na nandun ang pangalan ko sa Olympic record. Grabe! Grabe si God!”

Ang isa pang nakakatuwa, nakalkal ng ilang netizens ang mga nam-bash kay Hidilyn na ngayon ay kinu-congratulate siya at sumusuporta na sa kanya.

Para naman sa ating lahat yun, kaya maging masaya na tayo at ipagbunyi natin ang lakas nating mga Pilipino sa Poong Maykapal.

JERRY OLEA

Diaz ang unang Pinay na Miss Universe, si Gloria. Kinoronahan siya noong Hulyo 19, 1969 sa Miami Beach, Florida, USA.

Continue reading below ↓

Diaz din ang unang Pilipino na nagkamit ng gold medal sa Summer Olympics, si Hidilyn. Nakamit niya ang gold medal nitong Hulyo 26, 2021 sa Tokyo, Japan.

Mahigit dalawang taon na ang lumipas nang ipahayag ni Hidilyn na kailangan niya ng tulong sa paghahanda para sa 2020 Summer Olympics.

Post ni Hidilyn noong Hunyo 3, 2019 sa Instagram Stories: “It is okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020? Hirap na hirap na ko, I need financial support

“Sa tingin niyo okay lang kaya? Nahihiya kasi ako pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa atin bansa na maiuwi ang Gold Medal sa Olympics.”


Continue reading below ↓

Andaming nam-bash kay Hidilyn, lalo pa’t kasama niya bilang coach ang kasintahan na si Julius Naranjo. The other coach is Chinese, si Coach Gao.

“Ang dami naming pinagdaanan ni Julius!” bulalas ni Hidilyn sa video message na ipinadala kay Sir Noel.

Naiulat nga noon ni Sir Noel dito sa PEP Troika na hindi nagsisiping sina Julius at Hidilyn habang nagte-training ang weightlifter. Ang roommate ni Julius ay si Coach Gao!

At any rate, nasa Instagram ni Hidilyn ang ilang pribadong kumpanya na katuwang niya sa pagkamit ng gintong medalya. Noon pa man ay ipinagmamalaki at pinagkakatiwalaan si Hidilyn ng Unilab bilang endorser ng Alaxan.

Post ni Hidilyn noong Hulyo 18 sa IG, “As a Mandirigmang Athlete, ‘di pwedeng magpatalo ako sa sakit ng katawan.

“Sa darating kong laban this July 26, wala akong uurungan. Lalaban ako para sa bayan.

“Aaray pero di bibigay! Laban lang!”

Sumuporta rin kay Hidilyn ang Manulife insurance plans at Summit natural drinking water.

Continue reading below ↓

Ang Anvil Publishing ang naglathala ng aklat na Ginto’t Pilak (Ang Kuwento ng Olympian na si Hidilyn Diaz)—kung saan nakalagay sa pabalat, “panayam ni Noel Ferrer.”


Ang life story ni Hidilyn ay ipinalabas ng MMK noong Setyembre 24, 2016, kung saan gumanap si Jane Oineza bilang Hidilyn. Kailan kaya ito ire-replay ng MMK?

Continue reading below ↓

Maba-bump off kaya ang replay ng “Janitor Love” episode nina Joem Bascon at Denise Laurel na nakatakda sa Hulyo 31, Sabado?

RELATED STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Olympic gold medalist Hidilyn Diaz: “When the times na hindi… alam niyo na gusto ko nang sumuko dahil sa dami ng pagsubok na pinagdaanan, nakaya nating mga Pilipino."
PHOTO/S: AP / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results