Sino ang bagay gumanap bilang Hidilyn Diaz kapag isinapelikula ang buhay ng Olympic gold medalist?

by PEP Troika
Jul 27, 2021
Pagkatapos niyang makamit ng gold medal sa Tokyo Olympics, maraming nakaplano sa Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz, kabilang na ang isang pelikula o documentary.
PHOTO/S: Jerome Ascano

JERRY OLEA

Nagkamit ng silver medal ang boksingerong si Mansueto “Onyok” Velasco Jr. sa 1996 Summer Olympics sa Atlanta, Georgia, USA.

Iyon ang nag-iisang medalya na nakamit ng Pilipinas sa tinaguriang Centennial Olympic Games.

Agad isinapelikula ang kuwento ng kanyang buhay. Co-produced ng Viva Films at RS Productions ang pelikulang The Onyok Velasco Story na ipinalabas noong 1997.

Bida si Onyok mismo, with Ina Raymundo as his leading lady. Idinirek iyon ni Felix Dalay, mula sa screenplay ni Humilde “Meek” Roxas. Kasama sa cast sina Ace Espinosa at Dindo Arroyo.

May clamor na isapelikula rin ang life story ni Hidilyn Diaz matapos itong magkamit ng gold medal sa 2020 Tokyo Olympics (na ngayong 2021 ginaganap). Ito ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Summer Olympics!

If ever, sino ang gaganap na Hidilyn? Si Hidilyn ba mismo?

Si Jane Oineza na nauna nang gumanap na Hidilyn sa life story ng weightlifter na itinampok sa Maalaala Mo Kaya (MMK) noong Setyembre 24, 2016?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What about Maja Salvador na nagbida sa Thelma (2011), at nagkamit ng best actress award sa Gawad Urian at Film Academy of the Philippines (FAP) Awards?

Kung hindi si Maja, Jane o Hidilyn, sino ang maisa-suggest ninyo?

Sino rin ang bagay gumanap bilang boyfriend-trainer ni Hidilyn na si Julius Naranjo? At ano ang magandang theme song?

NOEL FERRER

Napakaraming magagandang suggestions actually.

Meron kaming pinag-uusapan ni Senator Joel Villanueva na Hidilyn Diaz Sports Endowment Fund.

At kung may mga Leadership Awards sa graduating students, sana’y meron ding Sports Award in Hidilyn’s honor. After all, doon papunta si Hidilyn—ang tapusin ang pag-aaral niya sa DLSU-CSB.

Nasa plano niya talagang mag-coach ng future weightlifters kaya meron siyang itinayong gym sa Zamboanga, at may Hidilyn Weightlifting Cup (and Clinic) by the MVP group na sobra rin ang itinulong sa kanya.

Inspiring ang istorya ni Hidilyn kaya may nagsasabing isang docu or feature film na talagang inspiring ang nararapat sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kay Kuya Atom Araullo niya nagtitiwala si Haidie. Hindi ba’t kay Atom umiyak si Haidie noon nang mapasama siya sa napaka-dubious na destabilization matrix?

Heto pa, may suggestion na isang musical in honor of Hidilyn.

Ang saya niyan, kasi isang anecdote ko diyan, major fan ni Haidie ang anak nina Juday at Ryan Agoncillo na si Yohann. Kaya sa isa sa Sunday masses sa bahay nila ay inimbitahan si Haidie na nagpaunlak namang nakasama sa picture si Yohann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, pumayag ang mag-asawang Agoncillo kapag inalok si Yohann na gumanap bilang batang Haidie sa isang musical.

Ang saya lang, di ba?

GORGY RULA

Na-interview sa isang radio program ang bunsong kapatid ni Hidilyn, at sinabi nitong may isa pa silang kapatid na mas magaling pa raw sa Olympic gold medalist.

Tila hilig talaga ng pamilya nila ang pagbubuhat, at marami na ring mga kabataan sa Zamboanga ang na-inspire kay Hidilyn, kaya tuluy-tuloy ang pagtuturo niya.

Kung nakilala ang ating bansa sa larangan ng boxing, ganoon na rin sa weightlifting dahil kay Hidilyn Diaz.

Sa panahon ngayong wala pa rin tayong bukas na sinehan, sa tingin ko ay mas maganda kung isang documentary ang gawin sa kanya ni Atom Araullo. Sana, simulan na niya ito kaagad.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos niyang makamit ng gold medal sa Tokyo Olympics, maraming nakaplano sa Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz, kabilang na ang isang pelikula o documentary.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results