GORGY RULA
Hindi lang ang Miss World Philippines Organization ang nataranta sa pagka-postpone ng pageant night nila noong Hulyo 25, Linggo, kundi pati ang production staff ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).
Ang buong akala kasi ng TBATS ay preempted sila dahil sa airing ng Miss World Philippines 2021. Pero hindi ito natuloy kaya biglang naghanap ng lumang episode ang TBATS para meron silang maipalabas.
Replay episode ang naere noong Linggo, pero okay pa rin ang rating nitong 4.7%, ayon sa AGB Neilsen.
Bagong episode ang Kapuso Mo Jessica Soho at naka-18.7% ito; ang katapat nitong He's Into Her sa A2Z ay naka-1.3 %.
May mga programang tumaas, meron ding okay lang ang rating noong nakaraang Linggo.
Naka-5.2% ang All-Out Sundays, at 3% ang combined ratings ng ASAP Natin 'To.
Ang documentary ni Atom Araullo na Munting Bisig ay 4.7% ang rating, at 4.4% naman ang GMA Blockbuster. Naka-2% ang katapat nilang FPJ Da King.
Sumunod ang Dear Uge na naka-4.7%.
Sa gabi ay bahagyang tumaas ang episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na naka-13.7%. Tampok dito sina Jennylyn Mercado at Paolo Contis. Ang katapat nitong Everybody Sing sa A2Z ay naka-2.5%.
Consistent na mataas ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na naka-16.8%.
Kapansin-pansin namang hindi gaanong mataas ang viewership noong nakaraang Sabado July 24. Iyon kasi ang kasagsagan ng bagyong Fabian at lumindol pa noong madaling-araw.
Okay naman ang Pepito Manaloto na naka-14.2%, at 14.7% ang finale episode ng Agimat ng Agila. Ang Everybody Sing sa A2Z ay 2.2%.
Madrama ang tapatan ng Magpakailanman na naka-14% at ng Maalaala Mo Kaya na naka-2%. Sumunod ang Daddy's Gurl na naka-7.1%.
JERRY OLEA
Ire-replay ng Maalaala Mo Kaya ang life story ni Hidilyn Diaz sa Hulyo 31, Sabado ng 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, at A2Z Channel 11.
Unang ipinalabas ito noong Setyembre 24, 2016, kung saan gumanap si Jane Oineza bilang Hidilyn. Tampok din sa episode na ito sina Monsour del Rosario at Smokey Manaloto.
Dapat sana ay “Janitor Love” episode nina Joem Bascon at Denise Laurel ang ire-replay ng MMK sa Sabado.
Sa totoo lang, humihina ang viewership sa TV. Naiirita ba ang televiewers sa dami ng mga patalastas? Mas gusto na ba nilang manood ng palabas sa streaming platforms gaya ng Netflix, KTX, at iWant TFC?
Aba! Natuwa ako sa panonood ng sidequel na Kingdom: Ashin of the North at action horror film na Blood Red Sky sa Netflix. Highly recommended ko ang mga ito!
At any rate, sa pagtatapos ng Agimat ng Agila, magbabalik na ang Catch Me Out Philippines sa Sabado ng 7:15 p.m. sa GMA-7. Kasama pa rin dito ang host na si Jose Manalo at ang regular Celebrity Spotter na si Derrick Monasterio.
Celebrity Spotters sina Ai Ai delas Alas at Mark Bautista, samantalang Celebrity Catchers sina Ysabel Ortega, Thea Astley, Jamir Zabarte, Miggy Tolentino, at Jeniffer Maravilla.
Sa Agosto 2, Lunes ng hapon, ay magpapainit na sa Kapuso Network ang TV adaptation ng Nagbabagang Luha, sa direksiyon ni Ricky Davao.
Sa istorya, lubhang mapagmahal si Alex (Rayver Cruz), at tinuhog niya ang mag-ateng sina Maita (Glaiza de Castro) at Cielo (Claire Castro).
Glaiza de Castro, Rayver Cruz, and Claire Castro
Kabilang sa mga karakter na lalong magpapasidhi sa conflicts sina Mrs. Calida Montaire (Gina Alajar), ang overprotective mother ni Alex; Bien (Mike Tan), longtime friend ni Maita na may pagtingin sa kanya; at Sherwin (Royce Cabrera), ang notorious drug dealer na bumihag sa hitad na si Cielo.
Andiyan din sina Paeng (Alan Paule), ama nina Maita at Cielo; Levi (Archie Adamos), pulis na ama ni Bien; Judy (Myrtle Sarrosa), ex-girlfriend ni Alex na duda sa intensiyon ni Cielo; Joryl (Ralph Noriega), pool boy sa resort na may gusto kay Cielo; at Monina (Karenina Haniel), confidante ni Cielo na nakababatid ng kanyang mga sikreto.
Lalagablab ang Nagbabagang Luha mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.
Sa Agosto 9, Lunes ng umaga, naman mag-uumpisa ang programang Kada Umaga sa NET 25, sa pangunguna ni Pia Guanio.
Maghahatid ang Kada Umaga ng saya, balita, at impormasyong may kinalaman sa health and wellness, cooking and lifestyle trends, business, and travel news, atbp.
Kasama rito ni Pia sina Kuya Tonipet Gaba, Emma Mary Francisco Tiglao, Maureen Schrijvers, at Wej Cudiamat. Matutunghayan ito Lunes hanggang Biyernes ng 6:00-8:00 a.m.
NOEL FERRER
Naibalita sa akin na ire-replay ng MMK ang life story ni Hidilyn. Nataon namang pabalik na ang ating weightlifting fairy mula Tokyo, Japan bukas, July 28!
Magandang ipaalala ang makulay na journey ni Hidilyn for the GOLD!!!
Pero nangyayari talaga na ang ibang replay episodes ay mas mataas pa sa mga original at fresh. Saan kaya lulugar ang producers sa mga ganyan?
It’s a low-rating weekend. Bakit kaya? Dahil mas nahuhumaling ang mga tao sa Netflix at online streaming sites?
Nasaan ba ang audiences ngayon? Busy sa COVID response sa Delta variant?
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.