Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, balik-Pinas ngayong araw pero walang grand welcome

by PEP Troika
Jul 28, 2021
Nakatakdang bumalik ng Pilipinas ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ngayong Miyerkules ng hapon, July 28. Ngunit walang magaganap na grand welcome sa kanyang pagdating para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
PHOTO/S: @hidilyndiaz on Instagram

NOEL FERRER

Pabalik na sa Pilipinas ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ngayong Hulyo 28, Miyerkules ng hapon.

Paalis siya sa Tokyo, Japan ng bandang ala una pasado. Ipinapakiusap na walang presscon na magaganap sa airport so as not to be a super-spreader event sa COVID.

This will be the first time na babalik sa Manila si Hidilyn pagkatapos niyang mag-training at mag-compete sa ibang bansa na nagtapos sa kanyang pagbibigay karangalan sa Pilipinas.

Maka-quarantine siya ng 7 days sa hotel at, sa totoo lang, wala pa siyang titirhan after.

Binitiwan niya ang dating condo unit na inuupahan sa tapat ng Rizal Stadium bago siya nag-training. So we have a champ without a home.

Nevertheless, isang mainit na pagtanggap (malamang, virtually na lang muna) ang mangyayari para sa ating Olympic champ Hidilyn Diaz!

GORGY RULA

Sa panahon ng social media at lahat, siguro ay kaya nang tutukan ng sambayanan kung matutupad ba ang mga pabuyang ipinangako sa ating gold medalist.

Continue reading below ↓

Hindi kagaya noong panahon ni Onyok Velasco na ginamit lang ng ibang grupo at pulitiko, iilan lang ang tumupad sa pangako.

Sabi mo nga, Sir Noel, sa ating tsikahan sa DZRH kagabi, nangako si Hidilyn na susundin niya ang tithing o ikapu sa lahat na matatanggap niyang pabuya.

Pagkatapos makaltas ang tax na dapat bayaran, ibibigay niya ang ikapu sa mga gusto niyang tulungan dito sa Maynila at sa bayan niya sa Zamboanga.

Di ba, nakipag-usap na sa 'yo si Boss Ramon S. Ang para ayusin na nila ito sa mga gustong abutan ng tulong ni Hidilyn?

Pero isipin din natin ang personal na pangangailangan ni Hidilyn.

Ang isa sa gusto niyang mangyari agad ay makasama ang pamilya niya sa Zamboanga na mahigit isang taon na niyang di nakikita dahil nakatutok siya sa training.

Bukod pa riyan ay kung ano naman ang plano nila ng boyfriend niyang si Julius Naranjo. Pag-uusapan na kaya ang kasal?

Continue reading below ↓

Pero may isa pang kailangang gawin ni Hidilyn. Ang posibilidad na pagbabalik niya sa Air Force dahil yun din ang hinihiling sa kanya.

Pagdating sa hero's welcome, tama ring tapusin na muna ang Olympics at baka nga naman meron pang madagdag na gold sa atin.

Ang latest ay ang babaeng boksingerong si Nesthy Petecio. Sure na siya sa bronze pagkatapos niyang talunin ang pambato ng Colombia sa featherweight quarterfinal.

Ipagdasal nating matalo pa niya ang dalawa niyang opponents para another gold na naman sa atin.

Winner talaga ang mga kababaihang atleta natin. Ang galing!

JERRY OLEA

Everybody loves a winner, sabi nga sa kanta ni William Bell.

Mahigit animnapung artcards ng iba’t ibang brand ang agad naglabasan bilang pagpupugay kay Hidilyn.

Sana, huwag nilang kalakalin lang ang tagumpay ng Pinay weightlifter.

Mabibilang sa mga daliri ang mga produkto o brand na sumuporta nang lubos sa laban ni Hidilyn, kabilang ang Alaxan, Manulife insurance plans, at Summit natural drinking water.

Continue reading below ↓

Bahagi ng Instagram post ni Hidilyn ngayong Wednesday morning, “Kung ako lang ito, di ko ito magagawa parang impossible.

“Salamat God sa pagdala ng mga tao, government support, private support, pamilya, kaibigan at prayer warriors para magawa ko ito at maging possible.”

RELATED STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatakdang bumalik ng Pilipinas ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ngayong Miyerkules ng hapon, July 28. Ngunit walang magaganap na grand welcome sa kanyang pagdating para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
PHOTO/S: @hidilyndiaz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results