Ian Veneracion, balik-ABS-CBN; pasok sa cast ng Huwag Kang Mangamba

by PEP Troika
Jul 28, 2021
Nagbabalik si Ian Veneracion sa Kapamilya network sa pamamagitan ng insipirational teleserye na Huwag Kang Mangamba. Paglalarawan ni Ian sa kanyang karakter bilang Elias, "Kaibigan ba siya, kalaban ba siya, mabait ba siya o masama? May pagka-surprise yun, e. So, excited ako para sa character ko.”
PHOTO/S: Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Kapamilya pa rin si Ian Veneracion.

Matapos magbida sa TV5 sitcom na Oh My Dad! (Oktubre 2020-Abril 2021), papasok si Ian sa inspirational teleseryeng Huwag Kang Mangamba.

“I’m really excited. Kasi si Elias, ahh… darating siya sa buhay ni Mira [Andrea Brillantes],” sambit ni Ian sa script-reading video na inilabas ng Dreamscape Entertainment ngayong Hulyo 28, Miyerkules.

“Pero hindi ko pwedeng sabihin sa inyo kung… tsk, kaibigan ba siya, kalaban ba siya, mabait ba siya o masama.

“May pagka-surprise yun, e. So, excited ako para sa character ko.”

Matatandaang gumanap si Andrea Brillantes bilang Lia S. Buenavista, ang anak nina Eduardo (Ian Veneracion) at Claudia (Angelica Panganiban) sa remake ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo (Mayo 2015-Pebrero 2016).

Lahad ni Andrea Brillantes, “Sobrang saya niyang katrabaho. Nakatrabaho ko siya dati when I was 12 to 13 sa Pangako Sa ‘Yo.

“And napaka-genuine niyang tao. Napakatalino niyang tao. Ang dami kong natutunan sa kanya.”

Continue reading below ↓

Bagay na bagay kay Ian ang karakter ni Elias.

Paliwanag ng creative producer na si Danica Domingo, “We’re trying kasi to depict a character na mysterious.

“Ang constant na tanong na gusto naming itanong ng audience is… kung kakampi ba siya o kalaban.

“Very perfect si Ian Veneracion, kasi nga, kaya niya iyong timbre ng parehong akting.”

Susog ni Direk Darnel Villaflor, “Napili namin si Ian Veneracion para magdala ng isang karakter na makapagtuturo kay Mira at Joy [Francine Diaz] kung paano lumaban, kung paano manindigan para sa kanilang pananampalataya.”

Dagdag ni Direk Manny Palo, “Si Elias ay humihingi ng isang artista na kagaya ni Ian Veneracion, ‘no?

“Iyong tindig, iyong husay sa pag-arte, iyong presence. Wala kaming ibang naisip na artista na gaganap bilang Elias kundi si Ian.”

NOEL FERRER

Kabilang pa sa bagong cast members ng Huwag Kang Mangamba sina Andi Abaya, Nash Aguas, Vivoree Esclito, Richard Quan, at Andrea del Rosario.

(From left) Andrea del Rosario, Andrea Brillantes, Ian Veneracion, Andi Abaya, and Nash Aguas

Kontrabida ang karakter ni Andrea del Rosario na si Thelma, isang masikretong babae na may masasamang plano.

Saad ni Andrea del Rosario, “My role, super evil siya. Makikita mong mabait siya at first, but as we go along in the show, lalabas yung intensiyon pala niya kung bakit siya ganun.”

Continue reading below ↓

Gagampanan naman nina Andi at Nash sina Mikay at Apollo, respectively—mga batang ampon na magiging kaibigan ni Mira. Si Andi ay isa sa mga miyembro ng teen barkada na The Squad Plus.

Napapanood ang Huwag Kang Mangamba Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix.

GORGY RULA

Okay na ring nasa Kapamilya channel pa rin si Ian, kung wala namang alok sa kanya ang GMA-7 o ibang istasyon.

Sa totoo lang, umaangal na ang ibang talent managers sa paglipat ng ilang Kapamilya talents sa Kapuso Network. Paano nga naman ang mga artista nila na loyal Kapuso?

Pati ang iba pang homegrown talents ng GMA-7, na kahit sinasabing sila ang ipa-prioritize, siyempre wala namang magagawa kung mas mabibigyan ng magandang projects ang kalilipat na artista, lalo na kung kasing-star ni Ian Veneracion.

Malamang na hindi naman mawawalan ng projects si Ian kung mananatili siyang nasa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Samantala, may ilan pang Kapamilya stars na ni-renew ang kontrata sa Star Magic para manatiling Kapamilya.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbabalik si Ian Veneracion sa Kapamilya network sa pamamagitan ng insipirational teleserye na Huwag Kang Mangamba. Paglalarawan ni Ian sa kanyang karakter bilang Elias, "Kaibigan ba siya, kalaban ba siya, mabait ba siya o masama? May pagka-surprise yun, e. So, excited ako para sa character ko.”
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results