Jane de Leon tatanggalin na sa Ang Probinsyano; lilipad na bilang bagong Darna

by PEP Troika
Jul 28, 2021
Ayon sa ABS-CBN, magsisimula nang mag-taping si Jane de Leon para sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series ngayong Setyembre. Dahil dito, tinatapos na ni Jane ang mga natitira niyang eksena sa FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Naglabas ang ABS-CBN ng official statement ngayong Hulyo 28, Miyerkules ng hapon, kaugnay sa launching project ni Jane de Leon:

“Lilipad na sa wakas bilang Darna si Jane de Leon at magsisimula nang mag-taping para sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series ngayong Setyembre.

“Dahil dito, tinatapos na ni Jane ang mga natitira niyang eksena sa FPJ's Ang Probinsyano, kung saan niya ginagampanan ang karakter ni Capt. Lia Mante.

“Mapapanood ang mas maaksyong FPJ's Ang Probinsyano sa mga susunod na gabi dahil sa pagsasanib-pwersa nina Lia at Cardo para sa isang mahalagang misyon.”

Dalawang taon na ang lumipas nang mabalitaan nating si Jane ang kapalit ni Liza Soberano bilang bagong Darna.

Enero 14, 2021 nang mabalitaan nating papasok na muna si Jane sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sabi ng isang taong malapit sa kampo ni Jane, bandang Marso 2021 pa ide-develop ang TV series na Darna, at hahanap ng bagong direktor na kapalit ni Jerrold Tarog.

Continue reading below ↓

Noong isang weekend ay nasabi ng Mega-Friend nating si Bernard Cloma na kinausap na ng produksiyon ang isang premyadong direktor para sa series.

Ayon naman sa Kapamilya insider na naka-chat natin ngayong Wednesday afternoon via Viber, hindi pa confirmed kung sino na ang magdidirek ng DARNA series.

NOEL FERRER

Kung hindi lang nagka-ashfall, natapos na sana ang mga eksena ni Jane de Leon sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Pero dahil pinapaganda talaga ang exit niya, kukunan ito sa Ilocos at uunahin ang sequences na ito para makapaghanda na siya for Darna.

Siguradong markado ito para maganda ang alaala ni Jane bago niya lunukin ang mahiwagang bato at sumigaw ng “DARNA!”

GORGY RULA

Sana, matuloy na talaga ito.

Sa ngayon, si Hidilyn Diaz ang kinikilalang bagong bayani ng bansa.

Sana, nasa kamalayan pa rin ng mga manonood si Darna.

Noong wala pang pandemic at buhay na buhay ang mga sinehan, nandiyan ang interes ng mga tao sa kung ano pa ang mapapanood. Kapag Darna at iba pang nakalakihan nating mga superhero, patok na patok sa sambayanan.

Continue reading below ↓

Ewan ko lang ngayong nandiyan na ang iba’t ibang streaming sites na ang dami-daming puwedeng panoorin. Sa Netflix pa lang, sandamukal na ang palabas kaugnay sa iba’t ibang superhero.

Sana, may maiambag ang Darna sa pagbabalik-interes ng mga tao sa panonood ng TV.

Sana, may bagong mapapanood, kahit parang nabantilawan na ang project na ito.

Sana, hahawakan ito ng mas matino ring direktor na may kakaibang pananaw sa sikat na Pinoy heroine na ito.

Good luck kay Jane de Leon!

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa ABS-CBN, magsisimula nang mag-taping si Jane de Leon para sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series ngayong Setyembre. Dahil dito, tinatapos na ni Jane ang mga natitira niyang eksena sa FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results