Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, biglang naging love ng maraming brands

by PEP Troika
Jul 29, 2021
hidilyn diaz arrival
Hidilyn Diaz and Team HD arrives at Sofitel hotel on Wednesday, July 28, 20201 after winning the gold medal at the 2020 Tokyo Olympics held in Tokyo, Japan. The team will undergo a 7-day quarantine as regards to the COVID-19 protocol prescribed by the IATF.
PHOTO/S: Jerome Ascano

NOEL FERRER

Nakawiwindang ang schedule ni Hidilyn Diaz ngayong Hulyo 29, Huwebes.

Babawi si HD sa lahat ng mga plano sa media na hindi niya nagawa kahapon, July 28.

Natakot talaga kami na tumagal siya sa airport, kasi spreader area doon, di ba? Tapos, na-stress din si Haidie dahil nawala ang phone at passport niya sa airport, buti na lang naibalik din.

Excited si Hidilyn sa pagpapalabas muli ng kanyang MMK episode this Saturday, at nakausap na niya si Ma’am Charo Santos-Concio, na isang avid fan.

Kung gagawin ang Part 2 ng Hidilyn Diaz Story, ano kaya ang title nito? GINTO? SINGSING?… Abangan!!!

GORGY RULA

Nakakatuwa ang init na pagsalubong ng lahat kay Hidilyn.

Sana, ma-handle siya nang mabuti na hindi magamit ng mga gustong umepal at pati mga produktong pilit na ikinakabit sa kasikatan ng kauna-unahan nating Olympic gold medalist.

May ilang nagtatanong sa amin: paano kung may mag-gold uli sa mga lumalaban pa ngayon sa Olympics, ganito rin kaya kalaki ang halagang matatanggap nila?

Continue reading below ↓

Maganda ring bigyan natin ng pansin ang iba pang mga atletang nakikipagtunggali pa rin para sa ating bansa.

JERRY OLEA

More and more ang memes, artwork, at artcards kaugnay sa pagwawagi ni Hidilyn.

Humanga ako sa artwork ni MM Aguilo Dacanay na na-post sa Facebook page na Artist’s Lounge PH.

Continue reading below ↓

Nag-trending kahapon sa Twitter ang Orocan!

Mensahe sa meme, “WAG NA TAYONG MAGPLASTIKAN! Last year, na-seen si Hidilyn sa ‘ting mga brands. Ngayon, cheer zone tayo sa kanya. Orocan yarrrn?”

Siyempre, ginamit din si Hidilyn sa paninira.

Nagpalabas ng paglilinaw si QC Mayor Joy Belmonte sa FB page ng Quezon City Government.

Continue reading below ↓

Ani Mayor Joy, “While it is true that I join the rest of the country in celebrating the historic Olympic gold medal win of Hidilyn Diaz, it is absolutely untrue that the fake ‘congratulatory message’ using my picture (and now circulating online) came from me, or anyone from the Quezon City government.

“In a way, it is somewhat understandable that as the elections draw nearer, malicious individuals will sadly engage in more black propaganda and smear campaigns.

“Pero sana naman po, hindi niyo na dinamay si Hidilyn Diaz upang gumawa ng kasinungalingan at siraan ako. Nagkaisa ang buong bansa dahil sa karangalang ibinigay niya sa bawat Pilipino, ngunit ginamit ninyo ito para sa masamang pamumulitika. 'Foul' po ang tawag diyan.

“In the meantime, let us all continue to unite behind the spirit and ideals that Hidilyn exemplified, as she symbolically lifted an entire country last July 26: diligence, determination, patriotism, and the will and passion to achieve her dreams.

Continue reading below ↓

“Mabuhay ka, Hidilyn! Mabuhay ang Pilipinas, at Mabuhay po tayong lahat.”

RELATED STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hidilyn Diaz and Team HD arrives at Sofitel hotel on Wednesday, July 28, 20201 after winning the gold medal at the 2020 Tokyo Olympics held in Tokyo, Japan. The team will undergo a 7-day quarantine as regards to the COVID-19 protocol prescribed by the IATF.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results