Sanya Lopez gustong gumanap bilang lesbian sa teleserye; type makapareha si Solenn Heussaff

by PEP Troika
Jul 30, 2021
Sanya Lopez on possible sequel of First Yaya: "I'm sure yung magiging character ni Yaya Melody, mas nagiging challenging para sa kanya. Kasi, noong girlfriend pa lang siya, kung anu-ano ang nangyayari sa kanya. Ano pa kaya kung siya na ang First Lady?"
PHOTO/S: Screen grab from Zoom

GORGY RULA

Lalong na-excite si Sanya Lopez sa mga susunod niyang gagawing projects pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center noong Huwebes, July 29.

Hindi pa puwedeng i-reveal, pero sinabi na mismo ni Madam Lilybeth G. Rasonable na meron na silang inihahanda para kay Sanya, at mas exciting daw ito na tiyak na magugustuhan din kagaya ng First Yaya.

Pero marami pa rin ang umaasang magkaroon sana ng part two ang First Yaya, at baka maging First Lady na raw ang title nito.

"I'm sure yung magiging character ni Yaya Melody, mas nagiging challenging para sa kanya. Kasi, noong girlfriend pa lang siya, kung anu-ano ang nangyayari sa kanya.

“Ano pa kaya kung siya na ang First Lady? So, marami nang kaganapan, nagsisimula pa lang ang istorya," pahayag ni Sanya nang nakatsikahan namin sa virtual mediacon niya kahapon.

Ano pa ang gustong gawin ni Sanya sakaling siya ang mag-decide sa susunod na project na gagawin niya?

Continue reading below ↓

"Gusto kong i-explore yung lesbian. Meron akong ginawa pero isang beses lang...

"Pero gusto ko siyang i-explore, kasi feeling ko, hinahanap ko rin na, ano kaya ang pakiramdam what if ipinartner ka naman sa babae?

"Natsa-challenge din ako at gusto ko talaga, mga challenging roles din," sagot ni Sanya nang itinanong ito sa kanya ni Nickie Wang.

Sino namang Kapuso actress ang type niyang maka-partner sakaling mabigyan siya ng project ng temang lesbianism?

"Si Solenn [Heussaff]. Kasi wala lang, ang hot niya lang," mabilis na sagot ni Sanya.

"Kasi, parang ang feeling ko, kaya niyang kumonek agad sa akin, e. So, siya yung nakikita ko.

"Si Glaiza de Castro, si Rhian Ramos kasi napanood ko na sila. Kaya parang what if sila naman yung ipinartner sa akin ng ganito? So, na-excite ako dun."

Nagkatambal sina Glaiza at Rhian sa dating primetime series ng GMA-7 na The Rich Man's Daughter (2015).

Continue reading below ↓

Ang isa pang napag-usapan namin sa mediacon ni Sanya ay ang posibilidad na pagiging Kapuso ni Rabiya Mateo. Napapabalita kasing papasukin na ni Rabiya ang pag-aartista, at gusto raw niya sa GMA-7.

Kung magiging Kapuso ang Miss Universe Philippines 2020, sana’y magkaroon daw ng chance na magkasama sila sa isang project.

Saad ni Sanya, "Kung dito man siya sa GMA, excited ako kung makakatrabaho ko talaga siya. Kasi, number one, laging sinasabi ng mga tao na magkahawig daw kami.

“Even siya, parang nakaka-excite na ano kaya kung merong isang teleserye na gawin kaming kambal?

"Excited ako, kasi maganda siya, tapos na-excite ako dun sa kung paano niya dalhin kapag umaarte naman siya."

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

In all honesty, hindi ako excited kung magiging kambal-karibal man o kambal sa uma sina Sanya at Rabiya. Feeling ko, ang ratings niyan ay kahambal-hambal.

Hambalusin nawa ng tadhana ang ikalawang aklat ng First Yaya. First Lady, as the case maybe.

At any rate, sabi ni Johnny Manahan, aka Mr. M, patungkol sa 25-anyos na loyal Kapuso na si Sanya, “Congratulations sa iyo on the renewal of your contract. On behalf of the new GMA Artist Center, we wish to thank you for entrusting your career to us.

“Sanya, you are a rising star now, belonging to a new breed of artists sa Artist Center, ngayon nakatukod kami sa likod mo. We will take care of you kahit anong mangyari sa karera mo.

“And I'm sure kung nasaan man siya ngayon, nakangiti nang malaki si Kuya Germs.”

Ang namayapang master showman na si German Moreno aka Kuya Germs ay masigasig na isinusulong noon ang career ni Sanya.

Continue reading below ↓

Lahad ni Senior Vice President for GMA Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, “Natatandaan ko, tuwing bibitbitin ka ni Kuya Germs papunta sa seventh floor papunta sa office ko. Talagang memorable yun sa amin sa Entertainment Group.

“Sobrang proud kami na naging part kami ng growth mo sa Network at nabigyan namin ng magandang daan, through our programs, ang iyong career.

“And we are so proud of what you have achieved in the past years. And what makes me personally more proud is that you remain humble despite all your achievements.

“That really reflects the kind of Kapuso artist that we will always be proud of.”

Siyempre, lubos ang kasiyahan ni GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon (FLG) sa pagpirma muli ni Sanya ng kontrata sa GMA Artist Center.

Mensahe ni FLG, “Ako’y nagagalak na napili ni Sanya na manatili sa Kapuso Network sapagka't siya ay isang homegrown artist at habang tumatagal ay lalong gumagaling.

Continue reading below ↓

“Sa napanood kong First Yaya, napatunayan din niya na siya ay isang versatile artist kaya sa tingin ko, malayo pa ang mararating ni Sanya sa larangan ng pag-aartista.”

Ang pumalit sa First Yaya ay ang The World Between Us na pinagbibidahan nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Continue reading below ↓

Aminado si Sanya na may pressure sa kanya kung kasing-init din ba ng First Yaya ang susunod niyang gagawin. Tatangkilikin din kaya ng televiewers ang susunod na gagawin niya sa GMA 7?

"Isa rin po yun sa partly medyo kinakabahan din po talaga ako na what if yung susunod kong project, hindi ganun ka-okay?” pag-amin ni Sanya.

"I think hindi lang naman po ako. Pero marami rin po ang nakapag-isip na kapag meron kang magandang project na ginawa, and after that na ipinagpi-pray na sana ganun din kaganda, ganun din ka-success.

"May tiwala naman po ako na, sabi ko nga sa GMA network, na of course hindi nila pababayaaan.

"Alam nila kung ano yung tama, alam nila kung ano ang dapat sa 'yo."

NOEL FERRER

Yes, Sanya can act at mabait pa siya. Nakilala ko siya nang maging presentor sa Gawad Urian sa UP Theater.

Sana, ito na ang simula ng kanyang pagsikat talaga na may sariling brand. Prime endorsements will be good proofs.

Continue reading below ↓

At sana, matabunan ng magandang project na magpapatunay ng kanyang drawing power ang kanyang box-office record sa Regal movie na Wild and Free (2018).

Go, go Sanya!!!

MORE PEP TROIKA STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez on possible sequel of First Yaya: "I'm sure yung magiging character ni Yaya Melody, mas nagiging challenging para sa kanya. Kasi, noong girlfriend pa lang siya, kung anu-ano ang nangyayari sa kanya. Ano pa kaya kung siya na ang First Lady?"
PHOTO/S: Screen grab from Zoom
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results