Elijah Canlas at Kokoy de Santos, game na game sa love at kissing scenes sa Gameboys The Movie

by PEP Troika
Jul 30, 2021
Iisa ang sagot nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos na hindi sila nagdalawang-isip gawin ang matindi pero hindi bastusing love scenes nila sa Gameboys The Movie.
PHOTO/S: Gameboys The Movie

JERRY OLEA

Napasubo sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos sa love scene sa Gameboys The Movie.

Dalawang oras kinunan ni Direk Ivan Andrew Payawal ang masuyong eksena.

Nahirapan ba sina Elijah at Kokoy sa shooting?

"Baby…?" nakangiting sambit ni Elijah sa virtual mediacon nitong Hulyo 30, Biyernes ng hapon.

Mabilis na sambot ni Kokoy, "Ako pa ang tinanong mo? Iyong mga ganyang eksena, game na game ako diyan! Gusto ko iyan!"

Susog ni Elijah, "Ako rin po, game na game! Every time na nagka-cut, nakahubad na lang kami doon ni Kokoy, nakaupo lang kami.

"'Game na ba? Game na ba? Ready na ba ang next set-up?'"

Dagdag ni Kokoy, "Siyempre, si Direk Ivan iyan, kumbaga, kaya siguro ganoon kami kakomportable, bukod pa sa si Elijah ang kaeksena ko."

Streaming na ang Gameboys The Movie sa KTX at Ticket2Me.

Nanawagan sina Elijah at Kokoy, maging ang co-stars na sina Adrianna So, Kyle Velino, Miggy Jimenez, at Kych Minemoto na huwag tangkilikin ang pirated version ng pelikula.

Continue reading below ↓

Hindi pa masabi ng executive producer na si Direk Perci Intalan kung saan at kailan ipalalabas ang Gameboys Season 2.

"Under negotiation pa," sabi ni Direk Perci.

Ang Gameboys The Movie at Gameboys Season 2 ay iprinodyus ng The IdeaFirst Company at Octobertrain Films, katuwang ang Japan-based companies na 108JAPAN Co., Ltd.; Aeon Entertainment Co., Ltd.; at Hakuhodo DY music & pictures Inc.

Ipalalabas ang Gameboys The Movie sa mga sinehan sa Japan.

"Baka end of the year pa ang theatrical distribution ng Gameboys The Movie sa Japan. Matagal ang preparation nila sa releases nila, e," saad ni Direk Perci.


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Nakikita naming kumportable talaga sina Elijah at Kokoy sa love scenes nila.

Kaya nang tinanong ko ang EliKoy kung okay ba silang gumawa ng ganito ring project pero iba na ang partner, parang hirap nilang sagutin.

Nakapag-create na rin kasi sila ng kanilang fandom, at nandiyan na ang tiwala nila sa isa’t isa. Lahat daw ito ay ang The IdeaFirst Company na ang bahalang mag-decide.

"Depende din po yun sa IdeaFirst Company, kasi nasa kanila naman po ang sobrang tiwala namin.

"They know what’s good for all of us. Kung nandoon po sila, doon din po kami," pakli ni Elijah.

Tama rin ang obserbasyon ng iba na kahit marami silang kissing scenes at bed scenes, hindi pa rin bastos.

May pa-condom pa sila, pero hindi mahalay tingnan.

Kailangan pa rin nilang timplahing magustuhan ito ng kanilang fans na karamihan ay mga kabataan.

Congratulations kina Kokoy at Elijah, at sa buong team ng Gameboys The Movie. Parang type ko siyang panoorin uli.

Continue reading below ↓


NOEL FERRER

Excited akong mapanood ang pelikulang ito dahil LEVEL UP experience ito sa online series na napanood at in-enjoy natin sa gitna ng lockdown last year.

Sana nga, may theater experience na tayo in watching this, pero paano?

Sabi ni Direk Perci, "Na-heartbroken kami nang hindi natuloy ang special screening natin last Sunday sa Gateway Cinema dahil sa reatrictions ng IATF rulings."

Continue reading below ↓

Hayyy, sayang ang laki ng coverage na ginawa ng production na ito. May ibang malaki pa bang mae-enjoy rito? Malaking entertainment value!

Happy watching this weekend ng Gameboys The Movie!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iisa ang sagot nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos na hindi sila nagdalawang-isip gawin ang matindi pero hindi bastusing love scenes nila sa Gameboys The Movie.
PHOTO/S: Gameboys The Movie
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results