Catch Me Out Philippines, paano na pagdating ng Aug. 6? Miss World Phils., tuloy pa ba?

by PEP Troika
Jul 31, 2021
Catch Me Out Philippines, Derrick Monasterio, Jose Manalo, Kakai Bautista. Miss World Philippines logo
Dahil sa parating na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), kasama sa maaapektuhan ang bagong show ni Jose Manalo, Derrick Monasterio, at Kakai Bautista na Catch Me Out Philippines at ang nakatakda sanang pag-i-stage ng Miss World Philippines 2021.
PHOTO/S: File

GORGY RULA

Ngayong Hulyo 31, Sabado ng gabi magbabalik ang Catch Me Out Philippines (CMOP) na hinu-host ni Jose Manalo.

Medyo na-tense ang production staff ng reality game show na ito dahil sa magkakaroon na naman ng ECQ (Enhanced Community Quarantine) starting August 6.

Malamang, maapektuhan ang taping ng mga susunod nilang episodes dahil sa mga bagong patakaran na namang ipatutupad ng IATF-EID (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease), ang government agency na naatasan na mag-handle ng mga problemang hatid ng COVID-19 pandemic.

Ngayon pa lang ay ang higpit na rin ng taping sa studio dahil sa takot sa pagkalat nitong Delta variant ng COVID-19 virus.

Limitado na talaga ang staff sa loob ng studio.

Kapag nasa studio ka sa may bandang stage, doon ka na lang talaga. Hindi ka puwedeng umikut-ikot o pumunta sa ibang bahagi ng istasyon.

Kung naka-assign ka sa dressing room, doon ka rin lang talaga at wala nang labasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit ang ibang staff ay pinapauwi na agad kapag tapos na ang kanilang ginagawa.

Halimbawa, kung writer ka, pagkatapos ng research at interview mo sa iyong resource person, uwi ka na at hindi na puwedeng magtagal sa studio.

Pero masaya pa rin ang mapapanood sa Catch Me Out mamayang gabi.

Hindi mo na-feel ang hirap sa mga ganung restrictions.

Kuwela ang mga hirit ng Guest Celebrity Spotter na si Ai-Ai delas Alas.

Sana nga, tuluy-tuloy na siyang Celebrity Spotter kasama ang regular na roon na si Derrick Monasterio.

Guest Celebrity Spotter din nila si Mark Bautista na may itinatago palang galing sa Wushu.

Nagpa-sample doon si Mark na hindi rin nagpatalo sa mga Wushu experts.

NOEL FERRER

Ay, totoo iyan! Ramdam ko iyang pagkukumahog ng mga tao sa produksyon!

Nakakapang-iling na lang ng ulo ang proseso dahil parang ang Delta virus ay sasalakay ng Agosto 6-20 dahil sa hard lockdown na naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero ang totoo, nandito na siya at may lead time lang para mag-imbak muli ng essentials ang mga tao.

Pero paano ang testing, ang contact tracing… naayos ba???

Hayyyyy…. naniniwala kasi tayo sa sinabi ng Cure Covid ni dating Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo na:

“Lockdowns are merely stop-gap solutions to an already dire situation of a surge, and that the only way to prevent future surges is for government to radically ramp up the country’s testing, tracing, isolation and vaccination capacity.”

E, paano na? Lord, help us!

JERRY OLEA

Abangerz tayo kung matutuloy na ba sa Agosto 8 ang Miss World Philippines.

Afreddie Aguilar tayo kay Deltalyn V, kaya makabubuting mag-behave tayo.

Any monument, ispageting pataas nang pataas na naman ang coronavirus, at mapabilis ang pag-landfall sa 2M-mark ng total number of cases.

Take note also na ngayong 2021, mag-uumpisa sa Agosto 8 ang Ghost Month, at magtatapos sa Setyembre 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Agosto 22 ang Chinese Ghost Festival.

Nag-aagam-agam ako kung may mabangis na pa-fart ang Ghost Month sa showbiz.

Maki-sing along na lang kaya tayo kay Doris Day sa pagkanta ng "Que Sera, Sera (Whatever Will Be, Will Be)" sa pelikula ni Alfred Hitchcock na The Man Who Knew Too Much (1956)?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa parating na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), kasama sa maaapektuhan ang bagong show ni Jose Manalo, Derrick Monasterio, at Kakai Bautista na Catch Me Out Philippines at ang nakatakda sanang pag-i-stage ng Miss World Philippines 2021.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results