AJ Raval, marikit na palamuti lang sa pelikulang Nerisa?

by PEP Troika
Aug 1, 2021
Nerisa movie ng Viva Films, sagana sa patikim, pero may mga pahaging din sa current at relevant issues.

JERRY OLEA

Marikit na palamuti si AJ Raval sa Viva movie na Nerisa.

AJ Raval as Lilet in Nerisa

Tanggalin man ang karakter niyang si Lilet ay hindi maaapektuhan ang istorya. Si Lilet ang narrator, na gustong makarating sa Maynila upang hanapin ang kanyang nanay.

Mas angkop na tagapagsalaysay ang pokpok na si Joni (Sheree Bautista), na karamay ni Nerisa (Cindy Miranda) hanggang sa huli.

Continue reading below ↓

Cindy Miranda as Nerisa in Viva film Nerisa

Mas makabuluhan kung si Joni ang naghahangad na makatakas sa isla kaya ginagamit ang kanyang katawan—parang si Isla na ginampanan ni Maria Isabel Lopez sa 1985 film na Isla, directed by Celso Ad. Castillo, produced by Experimental Cinema of the Philippines (ECP), in cooperation with Viva Productions.

Ni-remake ito ni Direk Celso Ad bilang Isla: The Young Version (1996), na pinagbidahan ni Via Veloso. Prinodyus ito ng Four Aces Films.

Continue reading below ↓

Sa Nerisa, ang pangalan ng asawa ng barangay captain na si Ito (Neil Tolentino) ay Maria Isabel.

Iyong karakter ni Nerisa na pinagnanasaan ng kalalakihan sa isla ay may bahid ng karakter ni Isabel (Gloria Diaz) sa 1974 film na Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, dinirek ni Celso Ad para sa Gemini Films International.

Ang 1996 remake niyon ay pinagbidahan ni Ruffa Gutierrez, sa direksyon pa rin ni Celso Ad, co-produced by Royal Era and Viva Films.

Take note na introducing si Elizabeth Oropesa sa 1974 movie na Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, at may sustansya rin ang papel ni La Oropesa sa Nerisa bilang Segunda, ang adoptive mother ng ulilang si Obet (Aljur Abrenica). Asawa ni Segunda si Badong (Bembol Roco), na simbolo ng kabuhayan sa isla.

Sa umpisa ng Nerisa, inakala ko na ang istorya ay patungo sa pagiging “Nerisa and Friends” pero kapagkuwan ay natanto ko na marikit na palamuti lang si Lilet.

Continue reading below ↓

Patikim sa Nerisa ang tambalan nina AJ Raval at Sean de Guzman na bida sa Viva movie na Taya, na streaming sa Agosto 27 sa Vivamax.

May pa-boobey sa Nerisa sina AJ, Sheree at Cindy. Pwetmalu sina Sean, Guji Lorenzana, Neil Tolentino, Chrome Cosio, at iyong coast guard na kalampungan ni Sheree sa kuwarto.

Bitin ang paghuhubad ni Aljur, na sinisid ang DZKK ni Cindy.

Aliw iyong eksena na hinamon ni Joni ang inggiterang si Merced (Gwen Garci) na mag-usap sila nang p*k* sa p*k*.

Isa lang ang “s” sa pangalang Nerisa, dahil anagram iyon ng salitang “sirena.”

Ang Nerisa ay idinirek ni Lawrence Fajardo, mula sa screenplay ni Ricky Lee.

Integral sa istorya ang panggagahasa ng mga banyaga sa ating karagatan, kaya kumokonti ang nahuhuli ng mga lokal na mangingisda.

Isinalpak pa rin ang pagbibintang sa mahiwagang si Nerisa bilang salot.

Dalawang eksena sa hulihan ang matalinhaga, ewan kung dahil sa blood moon. Bigla-biglang sumingit ang eksenang nakaposas si Kap Ito, nagpupumiglas na parang hito matapos hulihin ng dalawang pulis o coast guard.

Continue reading below ↓

Duguan ang magic kamison ni Nerisa, kaya pinagpalit ito ni Joni ng pulang damit.

Aba, noong sumisid na si Nerisa sa pusod ng dagat at itinapon niya ang kuwintas na handog ni Obet, naging immaculate white ang kanyang suot.

NOEL FERRER

Naku, mukhang maganda ang materyal—Ricky Lee ba naman at Law Fajardo.

Andiyan ang mainit na usapin ng West Philippine Sea, pero ang kuwento ay naganap ba bago lumaganap ang pandemya?

O zero Covid sa isla kaya dedma ang mga tao sa face mask, face shield at social distancing?

Sinuportahan ba ng mga manonood itong pelikula nina Cindy at Aljur?

Nakatulong ba sa pelikula ang isyu ng pakikipaghiwalay ni Aljur kay Kylie Padilla?

Naghuhumiyaw bang OO o nakakabinging katahimikan ang sagot, Tito Gorgy?

GORGY RULA

Inamin ni Aljur na nasaktan din siya noon sa sinasabi ng iba na wooden acting, magmula nang gumanap siya sa Kapuso telefantasyang Machete (Enero-Marso 2011).

Continue reading below ↓

Aljur Abrenica as Obet in Nerisa

Marami nang pinagdaanan si Aljur kaya marami nang nabago sa kanya.

Hindi naman kailangang mag-effort ni Aljur dito sa Nerisa.

Isang mangingisda ang role niya na keber kung magaling ba siya sa pelikulang iyun o hindi.

Okay na yung umaalingasaw ang kakisigan ni Aljur sa Nerisa.

Palagpasin ko na bakit hindi naging malinaw ang tunay na pagkatao ni Nerisa at kung saan talaga siya nanggaling.

Continue reading below ↓

Hayaan na lang kung ano ba talaga ang nangyari kay Obet (Aljur) noong nawala siya sa laot, at kung paano nakabalik sa isla.

Tanggapin na lang yung eksenang basta na lang nagtalik sina AJ at Sean sa dalampasigan in broad daylight, na puwede silang makita ng mga dumadaan doon.

Viva movie Nerisa

Intindihin na lang na kailangang pagkasyahin ang pelikulang yun sa budget ng production.

Continue reading below ↓

Okay na yun!

Maganda si Cindy, katilam-tilam pa rin si Aljur, at magaganda ang shots kaya nagmukhang maganda ang lugar na pinagsyutingan.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nerisa movie ng Viva Films, sagana sa patikim, pero may mga pahaging din sa current at relevant issues.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results