Revirginized ni Sharon Cuneta, na-Delta ang pinaplanong theatrical showing

by PEP Troika
Aug 1, 2021
Naudlot ang pinaplanong theatrical showing ng pelikulang Revirginized ni Megastar Sharon Cuneta dahil sa panibagong ECQ sanhi ng muling pagtaas ng Covid-19 cases dahil sa Delta variant nito.
PHOTO/S: Courtesy: Darryl Yap on Facebook

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang pagpapalabas ng Vivamax ng mga bagong pelikula, at labu-labo ang promo ng mga ito.

Nitong Hulyo, nag-streaming sa Vivamax ang Gluta (Hulyo 2) ni Ella Cruz, Silab (Hulyo 9) nina Cloe Barreto, Marco Gomez at Jason Abalos, The Other Wife (Hulyo 16) nina Lovi Poe, Joem Bascon at Rhen Escaño, at Nerisa (Hulyo 30) nina Cindy Miranda at Aljur Abrenica.

Ngayong buwan, excited tayo sa streaming ng Revirginized (Agosto 6) nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao.

Naka-11.5M views na ang official trailer ng Revirginized mula noong in-upload ito noong Hulyo 4 sa Facebook page ng VinCentiments.

Sa YouTube channel ng VinCentiments ay naka-253K views na ang official trailer, samantalang sa YouTube channel ng Viva Films ay 175K views na ito.

Handog din ng Vivamax this month ang Ikaw at Ako at ang Ending (Agosto 13) nina Kim Molina at Jerald Napoles, at Taya (Agosto 27) nina AJ Raval at Sean de Guzman.

Continue reading below ↓

Sa WASAK trailer ng Taya na in-upload ng Viva Films noong Hulyo 30, Biyernes, nagulantang ako na “introducing” si Sean de Guzman.

Tatlong pelikula na ni Sean ang ipinalabas this year—ang launching movie niyang Anak ng Macho Dancer (Enero 30), ang Lockdown (Hulyo 23) na unang pelikulang syinuting niya, at Nerisa (Hulyo 30) kung saan may patikim ang tambalan nila ni AJ Raval.

Sean de Guzman

Continue reading below ↓

Inayos agad ng Viva ang pagkakamali. Ang “introducing” ay pinalitan ng “starring” at ni-repost ang trailer noong Hulyo 31, Sabado.

Sa totoo lang, si Sean ang undisputed pandemic actor. May dalawa pa siyang pelikulang natapos na rin: Ang Huling Birheng Bakla sa Balat Lupa kunsaan nakahalikan niya si Teejay Marquez, at Bekis on the Run kunsaan love interest siya ni Christian Bables.

Magkaagaw sa pagiging ultimate pandemic director sina Joel Lamangan at Darryl Yap.

Tatlo na ang mga pelikula ni Direk Joel na ipinalabas this year: Anak ng Macho Dancer, Silab at Lockdown.

Nai-shoot din ni Direk Joel ngayong pandemya ang mga pelikulang Ang Huling Birheng Bakla sa Balat-Lupa, Deception at Bekis on the Run. Naghihintay pa ng playdate ang pelikula niyang In The Name of the Mother na natapos niyang kunan bago lumaganap ang Covid-19.

Excited si Direk Joel na gawin ang Walker, na sinulat ni Troy Espiritu na nagsulat ng Ma’ Rosa (2016), Alpha: The Right To Kill (2018) at Lockdown (2021). Aniya, pang-award ang pelikula.

Continue reading below ↓

“Pero dahil ECQ na naman sa NCR, wala munang shooting-shooting. Magsusulat na lang uli ako ng script,” sabi ni Direk Joel nitong Agosto 1, Linggo ng hapon nang makausap namin sa cellphone.

Kabilang sa mga pelikula ni Direk Darryl na naipalabas na this year ay ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, Tililing, Ang Babaeng Walang Pakiramdam at Gluta. Siya ang mega-director ng Revirginized na malapit na nating mapanood.

Meron pa siyang rantseryeng Kung Pwede Lang na nag-streaming din sa Vivamax.

GORGY RULA

Mahirap pang makakuha ng figures kung magkano ang kinikita ng pelikulang ipinalabas sa streaming apps.

Ang sabi ng isang producer na nakausap ko, kapag naka-P1M daw ang first day streaming ay malakas na iyun.

Iilan lang daw ang mga pelikulang nakaka-reach ng ganitong kita.

Kaya mapapabilib ka rin sa producers na patuloy pa rin sa paggawa ng pelikula kahit walang kasiguraduhan ang ROI.

Kaya naman super-tipid ang budget.

Continue reading below ↓

Madaling makabuo ng small-budgeted film kung hubaran. Kering gawin sa limitadong location.

Kaya naman mga hubadero't hubadero ngayon ang wagi at madaling pasikatin.

Sabi ng mga beteranong taga-showbiz, noong panahon ng inflation ay malakas ang bomba films. Kaya ganun din ang nangyayari ngayon sa panahon ng pandemya.

Mabuti na lang at okay na okay ang TV, at may social media pa at iba pang platforms.

Dapat masipag ka lang talaga, creative at malakas ang loob sa hubaran kung kaya mo at may maibubuga pa.

Sana mabago ang ganitong trend kapag normal nang may mga bukas na mga sinehan.

NOEL FERRER

Teka! Teka! Paano na ang Revirginized ng mahal nating Megastar Sharon Cuneta?

Revirginized

Continue reading below ↓

Umasa tayo na kapag bumuti na ang kalagayan, puwedeng iyon ang opening salvo sa pagbubukas sana ng mga sinehan ngayong Agosto.

Pero heto at nagkakahigpitan muli upang mapigilan ang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.

Isasailalim ang National Capital Region (NCR) sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) status mula Agosto 6 hanggang 20. Sarado pa rin ang mga sinehan!

Ngayong Agosto 1, Linggo, nakapagtala ang Department of Health ng 8,735 na karagdagang kaso ng Covid-19. Umabot na sa 1,597,689 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa.

JERRY OLEA

Wala pang kalaban si Sean de Guzman sa paramihan ng pelikula ngayong 2021.

Nai-cast din ni Direk Joel Lamangan si Sean sa na-shelve na TV series ng NET 25 na Love from the Past.

Ang co-star ni Sean de Guzman sa Anak ng Macho Dancer na si Ricky Gumera ay may maikling papel bilang tricycle driver sa Kontrabida na bida si Nora Aunor.

Continue reading below ↓

Ayon sa producer ng Lockdown na si Jojo Barron, interesado ang isang investor sa US na magprodyus ng pelikulang pagbibidahan pa rin ni Paolo Gumabao.

Paolo Gumabao

Hindi natuloy ang shooting ni Paolo para sa isang BL series na nakatakdang ipalabas sa Netflix. Conflict kasi ang shooting sa availability ni Paolo, na kasama sa Kapamilya teleseryeng Huwag Kang Mangamba.

Continue reading below ↓

Wala pa kaming nabalitaan na follow-up movie ni Marco Gomez after Silab.

Marco Gomez

Ipinaliwanag ni Direk Joel kung bakit nag-shrink ang private part ni Marco sa eksenang nag-frontal ito habang nasa dalampasigan isang gabi.

“Giniginaw si Marco that time. Malamig, kaya nag-shrink,” sabi ni Direk Joel.

Ang isang hunk actor na inaasam natin na maghubad muli sa pelikula ay si Kit Thompson, na pwetmalu sa Cinemalaya 2019 film na Belle Douleur.

Continue reading below ↓

Kit Thompson

Nakakapag-init sa marurupok ang ilang Instagram posts ni Kit.

Sa Deception, babad ang eksenang naka-white brief si Mark Anthony Fernandez.

Mahiwaga ang tawa ni Direk Joel nang inusisa namin kung tinablan si Mark Anthony sa harutan nito with Sheree Bautista.

Nilinaw ni Direk na may dala palang white brief si Mark Anthony sa lock-in shooting nila noon sa Angeles City. Kaya hindi na kailangang bumili pa ng white brief.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naudlot ang pinaplanong theatrical showing ng pelikulang Revirginized ni Megastar Sharon Cuneta dahil sa panibagong ECQ sanhi ng muling pagtaas ng Covid-19 cases dahil sa Delta variant nito.
PHOTO/S: Courtesy: Darryl Yap on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results