Lolong at Voltes V: Legacy, tigil-taping dahil sa ECQ

by PEP Troika
Aug 1, 2021
Lolong
Ang Lolong at Voltes V: Legacy ng GMA-7 ay ilan lang sa mga shows na pansamantalang masususpinde ang shooting dahil sa muling pagpapatupad ng ECQ dulot ng mas matinding Covid-18 Delta variant.
PHOTO/S: GMA-7

JERRY OLEA

Isususpinde ang shooting ng mga pelikula at audiovisual productions sa NCR nang dalawang linggo—mula Agosto 6, Biyernes hanggang Agosto 20—dahil sa ECQ laban sa COVID-19 Delta variant.

“Alinsunod ito sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 130-A na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte,” lahad sa press release ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na natanggap ng PEP Troika ngayong Agosto 1, Linggo.

“Sa ilalim ng ECQ, hindi pinapayagan ang film, music, at television production at lahat pa ng production activities sa National Capital Region (NCR).”

Ang iba pang ECQ areas mula Agosto 1 hanggang 7 ay Iloilo City, Iloilo province, Gingoog City, at Cagayan de Oro City.

Mula Hulyo 30 hanggang Agosto 5, Huwebes, ang NCR ay nasa General Community Quarantine (GCQ) na mayroong ‘heightened and additional restrictions’ at pinapayagan ang film, music, at TV productions na magkaroon ng hindi lalagpas sa 50 katao sa kahit na anong oras pero hindi lalagpas ng 100 katao buong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Inasmuch as we are hoping for our film and audiovisual industry to bounce back from the many challenges due to the pandemic, production activities in ECQ areas need to be put on hold again as a preventive measure to mitigate the spread of COVID-19, especially its Delta variant,” pahayag ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

“As for areas under MECQ, GCQ, and MCQ, productions may continue provided that there is strict adherence to the operational capacities and health and safety protocols set by the government.”

Ayon sa Memorandum Circular No. 21-14, Series of 2021 ng Department of Trade and Industry, pinapayagan ang film, music, at TV productions at activities na mag-operate nang may 50% capacity sa ilalim ng modified ECQ (MECQ), habang pinapayagan ang mga ito na mag-operate nang may 100% capacity sa ilalim ng GCQ at modified GCQ (MGCQ).

Mula Agosto 1 hanggang 15, ang MECQ areas ay Ilocos Norte, Bataan, Cebu City, Cebu province, Lapu-Lapu City, at Mandaue City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang status ng Cebu City at Cebu province ay subject sa mga apela ng kanilang mga pamahalaang lokal.

Ipapatupad ang GCQ with heightened restrictions mula Agosto 1 hanggang 15 sa Cagayan, Ilocos Sur, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Lucena City, Naga City, Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz, Negros Oriental, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro, Butuan City, at Zamboanga del Sur.

Mula Agosto 1 hanggang 31, GCQ ang status ng Apayao, Baguio City, Isabela, Santiago City, Quirino, Nueva Vizcaya, Quezon, Batangas, Puerto Princesa, Guimaras, Negros Occidental, Davao Oriental, Davao del Sur, Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, General Santos City, Sarangani, Sultan Kudarat, North Cotabato, South Cotabato, Cotabato City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands.

Isasailalim sa MGCQ ang iba pang lugar sa Pilipinas na hindi nabanggit para sa buong buwan ng Agosto.

Hinihikayat ng FDCP, sa pamamagitan ng Safe Filming Program nito, ang lahat ng film at audiovisual productions na sumunod sa safety at health protocols ng gobyerno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaaring mag-register ang mga production sa Safe Filming Program para matulungan at magabayan sila ng FDCP habang nagsasagawa ng production sa new normal.

NOEL FERRER

Given na ganito ang mangyayari, will there be a government arm concerned sa entertainment industry na: 1) will increase testing , 2) will help in a thorough tracing, 3) facilitate curing and medication and most important, 4) ramp up vaccination?

Ito ang kailangan ngayon talaga!

At kung tigil trabaho, sana naman, may ayuda, di ba? Paano na?

GORGY RULA

Sa ilang production na napagtanungan ko, itutuloy pa rin nila ang taping mga naka-lock in sa lugar na hindi inabot ng ECQ.

Pero napag-alaman naming tumigil na muna ang Voltes V: Legacy at Lolong.

Bukas ay magmi-meeting pa kung ano naman ang gagawin sa mga programang magti-tape sa studio.

Ang All Out Sundays ay sa August 8 pa dapat ang next taping.

Pagpapasyahan kung magwu-work from home na naman sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang medyo naguguluhan ngayon ay ang movie producers na umaasang magbubukas na ang mga sinehan bago matapos ang buwang ito.

Ganito pa rin kaya sa MMFF sa December?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Lolong at Voltes V: Legacy ng GMA-7 ay ilan lang sa mga shows na pansamantalang masususpinde ang shooting dahil sa muling pagpapatupad ng ECQ dulot ng mas matinding Covid-18 Delta variant.
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results