Patuloy na pagbaba ng TV ratings, naapektuhan ng announcement ng ECQ? Kapamilya Online Live, isang taon na

by PEP Troika
Aug 2, 2021
(Left) Pancho Magno and Rhian Ramos starred in the "Biktima ng Gayuma" episode of Magpakailanman; MMK replayes its Hidilyn Diaz story top-billed by Jane Oineza.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel

GORGY RULA

Kapansin-pansin ang mababang viewership noong nakaraang Sabado, Hulyo 31.

Ang hinala ng iba, baka nasa supermarkets ang mga tao at nagpa-panic buying dahil sa nakaambang lockdown sa NCR. Nagsimula nang isara ang border noong araw na iyon, kaya hindi na makalabas-masok ang nasa Laguna, Cavite, Batangas, Bulacan, at Rizal province.

Sinimulan ng 24 Oras ang primetime ng GMA-7. Naka-9.5% ang news program. Sinundan ito ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento na naka-11.7%, at ang Catch Me Out Philippines na naka-11.3%.

Bagong episode ang Magpakailanman (tampok sina Rhian Ramos at Pancho Magno) na naka-14.5%, at ang Daddy’s Gurl ay naka-8.5%.

Sa TV5 ay naka-2.2% ang Puto, at 1.1% ang Rated Korina sa A2Z.

Medyo tumaas pagpasok ng Rolling In It ni Yassi Pressman na naka-3.3%, at 2.3% naman ang Everybody Sing ni Vice Ganda.

Mukhang tumuluy-tuloy ang viewers ng Rolling In It sa The Wall ni Billy Crawford na naka-3.2%. Sumunod ang Encounter na 1.4%, at ang replay ng Hidilyn Diaz story sa MMK sa A2Z ay 2.4%.

Continue reading below ↓

Okay naman ang rating ng mga programa noong Linggo, Agosto 1.

Bongga ang guesting nina Pokwang at Mahal sa Dear Uge dahil naka-5.1%. Pero bago iyan, ang All Out Sundays muna na naka-4.7% versus ASAP Natin ‘To na 2.3% na napapanood sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Ang GMA Blockbuster ay naka-4.6%, at 1.5% naman ang FPJ Da King. Pagkatapos ng Dear Uge ay sumunod ang mga programa ng GMA News and Public Affairs na Stories of Hope na 5.2%, at On Record na 6.5%.

Sa primetime ay naka-12.2% ang 24 Oras. Sumunod ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-12.9% versus Everybody Sing na 2.2%.

Mataas pa rin ang Amazing Earth na naka-15.1%, at ang Kapuso Mo Jessica Soho ay naka-18.6%. Ang He’s Into Her sa A2Z ay 1.2%.

Bahagyang tumaas ang The Boobay and Tekla Show kung saan special guest nila si Sanya Lopez. Naka-5% ito.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Ang kalaban ng GMA-7 sa ratings ay ang sarili. OK kung nag-plateau o kaya ay ispageting pataas ang Kapuso ratings, pero minsan ay ispageting pababa.

Kumukurot sa puso ang feature ng KMJS kay Hidilyn Diaz, pero hindi iyon masyadong umariba. Mas inabangan ang talastasan ni Jessica Soho at Bea Alonzo kamakailan.

Matatagalan pa bago makaagapay ang TV5 sa GMA-7, at ang A2Z ay hilahod pa rin.

Ngayong Agosto 2021 nagdiriwang ang Kapamilya Online Live ng unang anibersaryo sa YouTube at Facebook.

Isang taon na ang lumipas mula nang ilunsad ito ng ABS-CBN upang maging “online tahanan” ng mga palabas na kinagigiliwan ng mga Kapamilya.

Gagawin nang 24/7 at available sa mas maraming bansa ang paboritong shows at movies sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Ito ang libreng regalo ng Kapamilya Online Live sa unang anibersaryo nito bilang pasasalamat sa lahat ng mga Kapamilyang patuloy na kumakapit sa mga palabas ng ABS-CBN saan man sila sa mundo.

Continue reading below ↓

Sa YouTube, buong araw at buong linggong tuluy-tuloy na entertainment ang mapapanood sa buong Pilipinas at sa higit 180 bansa. Lalong aapaw ang aksyon, drama, saya, at kilig dahil bukod sa livestreaming ng FPJ’s Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, Init sa Magdamag, at La Vida Lena, pwedeng ulit-ulitin ang pinakahuling episodes ng mga ito sa loob ng pitong araw.

Mas masaya ang kwentuhan kasama ang ABS-CBN stars at iba pang live viewers sa Facebook at YouTube. Pwedeng makipag-chikahan sa live chat section, makisali sa gap shows na eere tuwing commercial breaks gaya ng “Showtime Online” at “iWant ASAP,” at maging bahagi ng virtual studio audience ng It’s Showtime.

Bukod sa kasalukuyang umeereng mga palabas ng ABS-CBN, darating na sa Kapamilya Online Live ang Ningning, Bagani, Dyosa, Palibhasa Lalake, Banana Split, at sari-saring blockbuster Filipino movies gaya ng Volta at Crazy Beautiful You.

Napapanood ang Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel na mayroong 35.5M subscribers—ang pinakamarami sa Southeast Asia.

Continue reading below ↓

Humatak din ang YouTube channel ng 72.8M unique viewers sa buong mundo sa nakalipas na tatlong buwan. Sa Facebook page naman ng ABS-CBN, araw-araw na nagla-livestream ng mga palabas sa 30.6M followers nito.

NOEL FRRRER

Kung last week, si Hidilyn Diaz na ating first Olympic gold medalist ang talk of the town, this week ay si Nesthy Petecio naman ang focus ng attention ng lahat.

Bukas, August 3, ang laban niya sa boxing at ang host country na Japan ang kanyang makakatunggali.

Pero habang sure na ang silver natin kay Nesthy, at sana maka-gold pa, her story needs to be heard and seen again. Aabangan natin iyan sa MMK this coming Saturday.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Pancho Magno and Rhian Ramos starred in the "Biktima ng Gayuma" episode of Magpakailanman; MMK replayes its Hidilyn Diaz story top-billed by Jane Oineza.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results