Hunk actors Carlo, Jeric, Derrick, Diego ibinalandra ang kamachohan

by PEP Troika
Aug 2, 2021
Ultimate hunk fest ang pagpapakitang-gilas ng kamachohan ng mga aktor na sina (L-R) Carlo Aquino, Jeric Gonzales, Derrick Monasterio, at Diego Loyzaga sa Instagram.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Mirror, Mirror on the wall… who’s the hottest hunk of them all?

Ang undisputed pandemic actor na si Sean de Guzman, nag-frontal sa launching movie niyang Anak ng Macho Dancer, maging sa pelikulang Lockdown.

Naghubo’t hubad din si Sean sa Nerisa, at magpapasiklab muli sa Taya katambal si AJ Raval.

Kaharutan ni Sean si Teejay Marquez sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, at si Christian Bables sa Bekis on the Run.

Si Paolo Gumabao, walang kyeme latik sa launching movie niyang Lockdown. Dakilang tunay si Paolo, mana sa ama na si Dennis Roldan.

Ang half-brother ni Paolo na si Marco Gumabao, pumukaw kay Carmela (Sharon Cuneta) sa Revirginized.

Nagbida si Marco Gomez sa Silab. Malamig nang gabing kunan ang pagtatampisaw ni Marco Gomez au naturel sa dalampasigan, kaya nanliit si jun-jun.

Si Rob Gomez na bidang lalaki sa A Girl + A Guy, sandamukal ang pakikipaglampungan, pero hindi nag-hello ang kanyang private part.

Continue reading below ↓

Ang ginampanan ni Paolo Gumabao sa pelikulang Lockdown, pinagkakitaan ng magkaibigang TikTok influencer na sina Lloyd Agustin at Bidaman finalist na si Jervy de los Reyes sa totoong buhay.

Pinupusuan natin ang Bench Body Boys na sina Derrick Monasterio, Paul Salas, Gil Cuerva, David Licauco, at Jeric Gonzales.

Lumabas ang dalawang photoshopped pics ni Derrick kung saan ginawang see-through ang underwear niya. Handang pumusta ang Mega-Friend nating si Bernard Cloma sa Felix Bacat ni Jeric.


Hunk Actors: Gil Cuervas, Paul Salas

Bulung-bulungan noon pa ng mga diwata at sirena ang taglay na pambihira ni Diego Loyzaga. Nakakabitin ang pabukol ni Diego sa Death of A Girlfriend, pero mabuti na iyon kesa sa wala.

Sa pagdiriwang ng kanyang birthday, nag-photo shoot si Markki Stroem in his birthday suit. Medyas lang ang takip sa kanyang kaselanan, at may adhikain siyang isinusulong sa kanyang pagtatalop.

Kapana-panabik ang kakisigan nina Gerald Santos at Mark Anthony Fernandez sa Deception. Sabi ni Direk Joel Lamangan, matagal ang eksenang naka-white brief lamang si Mark Anthony.

Hunk Actor: Diego Loyzaga

Continue reading below ↓

Tinatakam-takam tayo ni Kit Thompson sa mga mapanuksong litrato niya sa Instagram. Nag-butt exposure si Kit sa Cinemalaya 2019 film na Belle Douleur, at inaasam nating maging mas mapangahas pa siya.

Si Derek Ramsay, nakakalagnat din ang mga pasilip kung minsan sa socmed. Yummylicious pa rin sina Daniel Matsunaga, Ejay Falcon, Enzo Pineda, at Vin Abrenica, na nag-eendorso rin ng underwear.

Hopia at asado tayong magpapakitang-gilas pa si Aljur Abrenica na Ultimate Hunk sa fourth season ng StarStruck (Disyembre 2006-Marso 2007).

Aksidente ang pa-notary public noon ni Ahron Villena which he immediately deleted, pero sandamakmak agad ang nakapag-screenshot.

Nitong Agosto 1, Lunes ng hapon, ay sadya ang pa-wetpax ni Ahron sa Instagram. Ani Ahron, “Yung eto dapat ang view mo ngayon kasi nasa bora ka pero cancelled flight. Kaya throw back na lang muna. Might delete later.” Salamat kay Libulan, as we write this ay hindi pa iyon tinatanggal ni Kuya Ahron.

Continue reading below ↓

At ngayong Agosto 2, Martes ng hapon, nakakapanginig ang dalawang litrato ni Carlo Aquino sa Instagram kung saan topless siya sa shower. Pino-promote ni Carlo ang isang beauty product, at naghubad siya bilang patunay na ang produkto ay nagre-reduce ng cellulite and orange peel skin.

Naku, kung ganyan ang ayos ni Carlo habang nag-o-online selling, siguradong unahan ang mga maricon at mariposa sa paghiyaw, “Mine!”

Hunk Ators: Carlo Aquino, Jeric Gonzales

Continue reading below ↓

GORGY RULA

May ilang negosyong lalong lumalakas ngayong pandemya kagaya nitong beauty brand na paboritong ibinebenta ng online sellers. Kaya may mga bago pa silang mga produktong nadagdagan sa kanilang 12th anniversary.

Totoo ba, Sir Noel, na kinukuha nilang endorser si Hidilyn Diaz?

Samantala, pa-abs at pa-wetpaks ang napagtitripan ngayon ng ilang sexy actor habang naka-quarantine na naman tayo.

Pero hindi alam ng lahat na ang ibang kabadingan, lalo na ang mga active sa social media, ay may pasulput-sulpot na natatanggap na mensahe mula sa mga kalalakihan.

May models, kontesero sa mga bikini contest, estudyante, etc. Magpadala lang ng pera sa GCash, magpapadala agad sila ng mga naipon nilang private videos. Minsan, grocery o pambayad ng bills ang kapalit.

Kumusta kaya ang pinu-promote na 'only fans' ni Arnold Van Opstal?

NOEL FERRER

Naku, grabe naman ang hunk fest dito, maka-kaTroiks!

Nawala tuloy ako sa panonood ng event ni Carlos Yulo at mukhang number 4 siya— pero tie sa scores ang 1st at 2nd, at tie din ang score ni Caloy sa 5th.

Continue reading below ↓

Hayyyy, puwede bang si Caloy na lang ang isama sa hunkfest. Papasa ba siya, Tito Jerry?

JERRY OLEA

So many boys, so little time… Marami pang bortalicious yummylicious ang nagpakitang-gilas ngayong 2021!

Maliban kay Sean de Guzman, nag-frontal din sa Anak ng Macho Dancer (ANMD) ang bikini kontesero na si Ricky Gumera, maging ang indie actors na sina Miko Pasamonte, Ace Toledo, at Jasper Mendoza.

Mapangusap ang mga mata ni Ricky, at inihalintulad iyon sa mga mata ni Nora Aunor. May cameo role si Ricky sa pelikulang Kontrabida ng Superstar.

Ratsada noon si Miko sa pagbebenta ng mga video ng pagsasariling-sikap. Tumigil siya sa ganoong gawain nang makilala at maging kaibigan ang producer ng ANMD na si Joed Serrano.

Si Jasper ay nag-body double kay JM de Guzman sa Kapamilya teleseryeng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi noong Abril hanggang Oktubre 2018.

Kabilang sa Video Call Boys na nag-frontal din sa Lockdown sina Neil Suarez, Kristian Allene, Dincent Lujero, at Jeff Carpio. Nag-frontal din si Neil sa isang short film na may adhikain kontra karahasan sa kababaihan.

Continue reading below ↓

Si Kristian Allene ang lalaki sa nag-viral na taste challenge, kung saan hinulaan ng isang maswerteng bading kung ano ang ipinahid sa private part—toothpaste, peanut butter, chocolate, luya, at cheese pimiento.

Umaasam si Dincent na matuloy na ang paglaban niya sa Mr. Culture World sa Oktubre sa Vietnam.

Memorable ang eksena ni Jeff sa Lockdown na inutusan siya ni Jim Pebanco na maging fluffer kay Paolo Gumabao habang pino-photo shoot ito ni Lee Santiago aka Black Ann Lensman. Siyempre, daya ang BJ scene.

Naalala ni Jeff ang isang indie movie na suporta siya. Totohanang isinubo ng bading ang private part ng bidang lalaki, na nagulat at hindi nag-cut. Ani Jeff, napahagulhol kapagkuwan ang bidang lalaki. Sorry nang sorry ang bading, at ang katwiran ay hindi siya nakapagpigil.

Ang Spanish model na si Emilio Francisco Perez, buong ningning na naghubad sa A Girl + A Guy in broad daylight. May isa pang aktor na nag-frontal sa nasabing pelikula, at iyong isa pa ay tila prosthetic ang ibinalandra.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ultimate hunk fest ang pagpapakitang-gilas ng kamachohan ng mga aktor na sina (L-R) Carlo Aquino, Jeric Gonzales, Derrick Monasterio, at Diego Loyzaga sa Instagram.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results