Miss World Philippines 2021 postponed na naman dahil sa ECQ

by PEP Troika
Aug 2, 2021
Miss World Philippines 2021 Coronation Night is still postponed in compliance with the government and IATF’s stricter ECQ restrictions in NCR.

JERRY OLEA

Hindi tuloy ang koronasyon ng Miss World Philippines 2021 sa Agosto 8, Linggo, sa Okada Manila.

In-announce ng organizers nitong Agosto 2, Lunes ng gabi, sa Facebook at Instagram, “Miss World Philippines 2021 Coronation Night is still postponed in compliance with the government and IATF’s stricter ECQ restrictions in NCR. Stay safe everyone!”

INDEFINITE until further notice ang koronasyon, sabi sa artcard na kalakip ng announcement.

Hulyo 25, Linggo ng 7:00 p.m., sana ang koronasyon sa Okada Manila. Hosts sina Xian Lim, RJ Ledesma, Winwyn Marquez, Alyssa Muhlach, at Cynthia Thomalla. 10:30 p.m. ang delayed telecast, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

Miss World Philippines 2021

Continue reading below ↓

Dahil sa heightened GCQ restrictions ng IATF, ini-announce ng organizers noong Hulyo 23 na postponed ang event—gaganapin na lang sa Agosto 8 sa kaparehong venue.

Nagbotohan ang mga kandidata kung sino ang magiging Miss Supranational Philippines 2021, at ang napili ay si Dindi Pajares.

Dahil sa ECQ, postponed na naman ang finals ng timpalak.

Naku, hanggang ngayon ay hinihintay pa natin ang formal announcement na si Xian ang katambal ni Jennylyn Mercado sa out-of-the-box series na Love. Die. Repeat.

Ngayon ay hihintayin din natin kung kailan mapapanood si Xian bilang host ng Miss World Philippines 2021 telecast sa GMA-7.

Utang na loob, huwag ninyong tagurian si Xian na Udlot King!

GORGY RULA

Ayon sa national director ng Miss World Philippines Organization na si Arnold Vegafria, sinisikap talaga nilang ituloy ito sa August 8.

Ang isang fallback nila ay gagawin ito sa Subic, Zambales dahil hindi naman GCQ doon, pero ang hirap daw lumabas ng Kamaynilaan.

Ang dami raw requirements na kailangang ayusin bago ka makapasok ng Subic. Kaya napagdesisyunan nilang i-postpone ito.

Hopefully, matatapos na ang ECQ sa NCR sa August 20, para doon na nila pagdesisyunan ang date ng pageant night ng Miss World Philippines 2021.

Naku! Huwag sanang abutan pa ang Miss Universe Philippines sa September.

So far, kumpleto pa raw ang 45 candidates nila, minus Dindi Pajares na lilipad na patungong Poland sa August 4 para sa laban niya sa Miss Supranational 2021.

Nagkaroon kasi ng mga tsismisan at kanegahan kaya siguro nagkabulilyaso na ito. Pero sabi ni Arnold, nagkausap na rin sila ni Joy Barcoma, na nasangkot sa isyung tsismisan sa mga kapwa candidates.

Inaasahan nilang magkaayos na ang lahat, at matuloy na ang koronasyon pagkatapos ng ECQ dito sa atin.

Bukod sa magagandang nababalitaan natin sa ating mga atleta sa Olympics 2020 sa Tokyo, nakakagaan din ang mga ganitong beauty competitions sa hirap ng buhay natin ngayong pandemya.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Hindi ba’t pinag-uusapan na sana ang pagbubukas ulit ang mga sinehan?

Doon dapat ipapalabas ang pelikulang Revirginized ng ating mahal na Megastar Sharon Cuneta na nakita sa airport na nakabalik na.

At least, umabot siya bago ang hard lockdown na naman.

Hayyyyy naku, naa-anxious ako thinking of the lockdown again. Naaawa ako sa ating mga Pilipino!

Sana mapantayan naman ang direksyon ng pagkilos ang ating mga sakripisyo, hindi yung reactive na lang lagi.

Ngayong Agosto 2, Lunes ng hapon, nakapagtala ang Department of Health ng 8,167 na karagdagang kaso ng COVID-19. Umabot na sa 1,605,762 ang kabuuang bilang ng kaso.

Fourth consecutive day ito na mahigit 8,000 ang nadagdag na kaso—8,562 noong Biyernes (Hulyo 30), 8,147 noong Sabado (Hulyo 31), at 8,735 noong Linggo (Agosto 1).

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss World Philippines 2021 Coronation Night is still postponed in compliance with the government and IATF’s stricter ECQ restrictions in NCR.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results