Hidilyn Diaz, gustong si Maja Salvador ang gumanap sa Part 2 ng kanyang life story

by PEP Troika
Aug 3, 2021
Kung magkakaroon ng Part 2 ang life story ni Hidilyn Diaz (left), gusto niya na ang gumanap sa kanya ay si Maja Salvador (kanan).
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Kahit mahaba ang araw at marami pa ring media interviews ang ating very first Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, masaya at natural lang ang naging usapan nila nina Alvin Elchico at Doris Bigornia sa SRO sa Teleradyo nitong Lunes ng gabi, Agosto 2.

Sinabi ulit ni Hidilyn na si Maja Salvador ang isa sa mga paborito niyang aktres.

At kung gagawan ng Part 2 ng kanyang life story sa MMK, sana’y si Maja raw ang gumanap dito. Pero okey rin daw kung si Jane Oineza ulit kung hindi puwede si Maja.

Sinabi rin ni Hidilyn na ang gusto niyang artistang leading man ay si James Reid, na siyempre gaganap bilang boyfriend niyang si Julius Naranjo.

Nang tanungin kung sino ang idolo niyang public servant, agad-agad na sinabi ni Hidilyn na si Pasig City Mayor Vico Sotto ang idolo niya dahil maayos at magaling daw ito talaga.

Continue reading below ↓

I remember, bago tumulak pa-Malaysia sina Haidie at Julius, at may meeting kami sa Shang Mall ay nakita namin ang ina ni Mayor Vico na si Tita Coney Reyes.

Instantly, nag-pray over si Tita Coney para kina Haidie at Julius. Pagkatapos nun, ang tanging nasabi lang ni Haidie sa akin, “Ang bait pala talaga ni Miss Coney po, ‘no?”

JERRY OLEA

Wow! Dagdag pogi points iyan kay James Reid, ha?!

Akala ko pa naman, ang lucky choice ni Hidilyn ay ang “gold medalist sa paguwapuhan” na si Luis Manzano. Pwedeng iyan na lang ang taguri kay Luis.

Kinukuwestiyon kasi ng iba sa Team RD (as in Robi Domingo) ang moniker ni Luis na "Pambansang Host."

Kagaya ni Hidilyn, naghahatid si Luis ng positive vibes sa kanyang mga pasiklab. Nakakagaan ng pakiramdam ang kanyang mga hirit lalo pa’t nag-aagam-agam tayo sa panahon ng pandemya.

Batid din ng mga lubos na nakakakilala kay Luis ang pagtulong niya sa kapwa, lalo na nang lumalaganap na ang coronavirus last year.

Continue reading below ↓

“It was a challenge because our world was turned upside down… I did a few things here and there to help a few Kapamilyas and hopefully, they’re better,” sabi ni Luis bilang endorser ng Bioflu sa press release na natanggap natin nitong Agosto 3, Martes ng umaga.

Ngayong ECQ na naman sa NCR, naaawa si Hidilyn sa mga nagtatrabaho sa Sofitel Hotel kung saan siya naka-quarantine.

Napag-alaman ni Hidilyn na four times a week lang kung magtrabaho sila sa hotel—two weeks in a month.

Text ni Hidilyn ngayong umaga sa manager niyang si Sir Noel Ferrer, “Pag-usapan natin, Sir, kung paano ako makakatulong.”

Napaka-grounded ni Hidilyn, ha?! Nakausap siguro niya ang room service.

Tuloy pa rin ang traning ni Hidilyn. May barbell at bakal-bakal sa kuwarto niya sa Sofitel.

Ni-regram ni Hidilyn this morning ang Instagram post ng coach-boyfriend niyang si Julius Naranjo ang warm-up lift up niya noon sa training hall sa Tokyo.

Continue reading below ↓

May mga natanguan pang interbyu si Hidilyn today. Meron din siyang online classes sa College of St. Benilde-La Salle.

Siyempre, panonoorin at susuportahan niya ang Pinoy athletes na lalaban today sa Tokyo Olympics.

GORGY RULA

Inaasahang mas matindi ang schedule ni Hidilyn pagkatapos ng quarantine niya at ng buong Team HD.

Continue reading below ↓

Pero mas gusto kong paglabas niya ng Sofitel ay gugulin muna niya ang kanyang oras sa kanyang pamilya.

Pagkatapos ay ang oras naman nila ni Julius. Iba iyung wala silang iisipin kundi sa kanilang dalawa lang muna. Deserved nila iyan.

Siyempre, bilang mahilig talaga tayong mga Pinoy sa love life, excited ang lahat kung kailan na ba luluhod si Julius at pasasagutin si Hidilyn ng “YES!”

Samantala, excited ding tayong lahat sa laban ngayon ni Nesthy Petecio at ang finals na lalabanan din ni EJ Obiena. Sana, more and more pa ang ginto para maangat pa rin ang diwa nating mga Pinoy na sobrang sadsad na.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung magkakaroon ng Part 2 ang life story ni Hidilyn Diaz (left), gusto niya na ang gumanap sa kanya ay si Maja Salvador (kanan).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results