Nesthy Petecio life story ire-replay sa MMK; Glydel at Tonton tampok sa Magpakailanman

by PEP Troika
Aug 5, 2021
Ire-replay ng MMK sa Sabado, August 7, ang life story ng Olympic silver medalist na si Nesthy Petecio na ginampanan ni Jane de Leon (kaliwa); ang mag-asawang sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez (kanan) naman ang tampok sa bagong episode ng Magpakailanman.
PHOTO/S: Kapamilya Channel / GMA Network

JERRY OLEA

Ire-replay ng Maalaala Mo Kaya? (MMK) ang life story ni Nesthy Petecio sa Agosto 7, Sabado ng 8:30 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z Ch 11.

Enero 18, 2020 unang ipinalabas ang nasabing episode, na pinagbidahan ni Jane de Leon. Gumanap bilang parents ni Nesthy sina Bembol Roco at Maureen Mauricio.

Tweet ng MMK kaugnay sa pagre-replay na ito, “Sa laban ng buhay, hindi suntok sa buwan ang mangarap — Abangan ang kwento ng pagsisikap at tagumpay ni #Tokyo2020 Silver Medalist, Nesthy Petecio ngayong Sabado sa #MMK!”

Ang tanong… kailan ire-replay ng MMK ang “Janitor Love” episode nina Joem Basco at Denise Laurel?

Na-bump off ang nasabing episode last Saturday, July 31, dahil ni-replay ng MMK ang life story ni Hidilyn Diaz na pinagbidahan ni Jane Oineza.

Ang iba pang MMK episodes na naka-line up this month ay “Hope In Liberty” (Agosto 14) nina Yves Flores, Alexa Ilacad at Kira Balinger; “Margielyn Didal” (Agosto 21) nina Elisse Joson at Rommel Padilla; at “Saudi Survivor” nina Shaina Magdayao at Bembol Roco.

Continue reading below ↓

Samantala, handog ng Magpakailanman ang fresh episode na "I Will Survive: The Lynlin Enriquez Dumoran Story" sa Sabado ng 8:00 p.m. sa GMA-7.

Sa istorya, mapagmahal na asawa si Lynlin (Glydel Mercado) kay Waldo (Kiel Rodriguez). Labis niyang hinahangaan ang asawa sa kasipagan at kabutihan nito lalo na sa kapatid na si Eddie (Tonton Gutierrez), na nalulong sa bisyo matapos iwan ng asawa.

Continue reading below ↓

Nais ni Waldo na ayusin ang buhay ni Eddie subalit mamamatay siya. Guguho ang mundo ni Lynlin. Maiiwan si Lynlin na mag-isang magtataguyod sa kanilang dalawang anak at negosyo.

Mahuhulog ang loob sa isa’t isa nina Lynlin at Eddie, at unti-unti na ring bumuti ang ugali ni Eddie. Masusubok ang kanilang pananampalataya nang tamaan ng Stage 3 breast cancer si Lynlin.

Paano nila malalagpasan ang pagsubok na ito?

GORGY RULA

Hind maiwasan ng mag-asawang Tonton at Glydel na magtawanan sa taping ng Magpakailanman, kahit madrama ang mga eksena, dahil ngayon lang sila uli nagkasama sa isang trabaho.

“Matagal na talaga kaming hindi nagkasama sa soap o kahit sa guesting. Kaya may tawanan na nangyayari,” text sa akin ni Glydel nang kinumusta ko ang taping nilang mag-asawa.

Napagkasunduan kasi nilang may maiiwan pa rin sa mga anak nila kapag may trabaho ang isa sa kanila.

Pumayag silang magkasabay na mag-taping dahil hindi naka-lock in. Pero pag-uwi nila, talagang ligo sila agad para malinis sila at safe ang mga bata pagharap nila.

Continue reading below ↓

Meron na rin palang life story si Nesthy Petecio sa Maalaala Mo Kaya, pero mas interesting pa rin ang kay Hidilyn.

Tingnan na lang natin this weekend kung tumaas ang viewership dahil nasa ECQ na at nasa tahanan na nila ang mga tao.

Kung hindi pa rin gaanong mataas ang rating ng mga programa, ibig sabihin, mas gusto na ng karamihan ang ibang platform. May Netflix, YouTube, live streaming, kahit Tiktok at ibang social media platform na nagbibigay-aliw sa kanila.

NOEL FERRER

Sa MMK, ang kuwento ni Nesthy Petecio ang ipalalabas ulit at medyo natagalan bago nakasagot si Nesthy sa update-an nila sa MMK.

Mukhang matetengga muna ang pag-shoot ng mga bagong episode at magre-rely lang muna sa mga magagandang stories in the past na puwedeng i-update, katulad noong kay Hidilyn Diaz.

Kawawa talaga ang industriya natin sa napipintong hard lockdown bukas, August 6, sa Metro Manila. Apektado ang mga kasamahan natin na kailangan ng ayuda.

Continue reading below ↓

Paano na kaya?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ire-replay ng MMK sa Sabado, August 7, ang life story ng Olympic silver medalist na si Nesthy Petecio na ginampanan ni Jane de Leon (kaliwa); ang mag-asawang sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez (kanan) naman ang tampok sa bagong episode ng Magpakailanman.
PHOTO/S: Kapamilya Channel / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results