John Estrada tanggap ang desisyon ni Ellen Adarna na umalis sa sitcom; Rabiya Mateo, kapalit ni Ellen?

by PEP Troika
Aug 5, 2021
John Estrada on netizens clamoring for Miss Universe Philippine Rabiya Mateo to replace Ellen Adarna on John and Ellen sitcom: "Ang ganda naman talaga ni Rabiya Mateo, Miss Universe, di ba? Pero ang problema, ang kailangan namin, at least nanay, e, di ba? Para hindi na mahirap kumbaga to adapt to the role."
PHOTO/S: John en Ellen Facebook / @sevenbarretto via @rabiyamateo Instagram

GORGY RULA

Kung kailan natapos at naipalabas na ang pangalawang season ng TV5 sitcom na John en Ellen noong nakaraang Linggo, Agosto 1, saka ito pinag-usapan dahil sa pagwu-walkout umano ni Ellen Adarna.

Muli itong pinabulaanan ni John Estrada nang nakapanayam namin sa DZRH noong Miyerkules, Agosto 4 ng gabi.

Ani John, "Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling ‘yan. Hindi naman talaga nangyari, e."

Hindi raw nila ito pinag-uusapan ng kaibigan niyang si Derek Ramsay at pati na si Ellen.

Ang gusto raw niyang harapin ngayon ay kung magkakaroon ba ng Season 3 ang John en Ellen.

Hinihintay lang daw niya ang desisyon ng TV5 kung magkakaroon ng Season 3, dahil kailangan nilang maghanap ng ipapalit kay Ellen.

Sina Ellen at John ay gumaganap na mag-asawa sa sitcom.

Maayos daw nagpaalam si Ellen sa kanila na tatapusin lang nito ang Season 2, at hindi na siya makakasama sakaling masundan pa ito.

Continue reading below ↓

Hindi pa raw sila naghahanap ng ipapalit, dahil hinihintay nila ang advice ng TV5 na mag-tape na sila ng pang-Season 3.

"Hindi pa kami gumagalaw dahil wala pa namang go signal," pakli ng aktor.

Pero marami raw nagpapadala ng mensahe sa Facebook account ng kanilang programa kung sino ang gusto nilang ipalit kay Ellen.

Isa sa mga pangalang lumutang ay ang reigning Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

"Meron kasi kaming Facebook page, ang daming nagbabato ng ano dun… si Rabiya, ganun.

"Ang ganda naman talaga ni Rabiya Mateo, Miss Universe, di ba? Pero ang problema, ang kailangan namin, at least nanay, e, di ba?

"Para hindi na mahirap, kumbaga, to adapt to the role.

"Kasi, ang Ellen talaga sa John en Ellen is a mother who loves her children, ganun," saad ni John, na line producer din ng naturang sitcom.

Nagpapasalamat si John sa lahat ng sumuporta sa kanilang sitcom, pati sa buong production staff na nagpagaan daw ng trabaho niya bilang line producer nito.

Continue reading below ↓

"Sa John en Ellen, I really enjoyed. Kasi, mabait ang production staff ko, wala na akong mahihiling pa.

"Para akong nakasandal sa pader with these people. Sobrang happy ako, hindi ako nahihirapan dito," kuwento ni John.

Sabay napapangiti niyang hirit, "Medyo nahirapan lang ako pag mag-sign na ng mga tseke, kasi marami-rami."

JERRY OLEA

Matapang ang mukha ni Rabiya, at palaban ang kanyang dating.

Mas okay kung sundan niya ang mga yapak nina Kelley Day sa The World Between Us, Michelle Dee sa Agimat ng Agila, Winwyn Marquez sa Owe My Love, at Maxine Medina sa First Yaya.

Ewan kung bet ni Rabiya na mag-ala Cindy Miranda sa Nerisa.

After Gloria Diaz and Ruffa Gutierrez, keri ba ni Rabiya na gumanap bilang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa?

Hopia at asado ako na ang makatambal naman ni John sa sitcom ay ang ex-wife niyang si Janice de Belen.

Tanggap naman daw ni John ang desisyon ng leading lady na si Ellen.

Continue reading below ↓

Sabi ni John kaugnay ng pamamaalam ni Ellen na hindi na ito lalahok sakaling may kasunod na season ang sitcom, "Kahit man masakit, kahit mahirap, ganun talaga ang buhay, e.

"I mean, nothing is permanent in our business. You know that you’re just as good as your last project."

Ang safe-safe ng mga sagot ni John sa DZRH pagdating kina Derek at Ellen, kahit tungkol sa wedding ng dalawa.

Iyong "nothing is permanent" ay patungkol lang sana sa showbiz.

Kung magkaroon man ng gusot ang friendship nina John at Derek kaugnay sa paglabas ni Ellen sa sitcom, nawa’y maayos iyon sa lalong madaling panahon.

NOEL FERRER

Mahirap itong mga magkakaibigang magkakatrabaho. On the good side, dahil huli ng isa’t isa ang ugali ang kabigan, okey sana.

Pero sa puntong ito, either nagkakahiyaan o magkakailangan.

Sana, dahil magkaibigan naman si Derek na karelasyon ng co-star ni John na si Ellen, ipagdarasal na lang nating hindi maapektuhan ang kanilang friendship.

Continue reading below ↓

Lilipas din iyan!

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Estrada on netizens clamoring for Miss Universe Philippine Rabiya Mateo to replace Ellen Adarna on John and Ellen sitcom: "Ang ganda naman talaga ni Rabiya Mateo, Miss Universe, di ba? Pero ang problema, ang kailangan namin, at least nanay, e, di ba? Para hindi na mahirap kumbaga to adapt to the role."
PHOTO/S: John en Ellen Facebook / @sevenbarretto via @rabiyamateo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results