Hidilyn Diaz, nakuha na ang kotseng ipinangako sa kanya ng Ayala Group

by PEP Troika
Aug 6, 2021
Olympic gold medalist Hidilyn Diaz natanggap na ang ipinangakong bagong kotse ng Ayala Group para sa karangalang ibinigay niya sa Pilipinas.
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER

Medyo relaxed ang araw ng ating first Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa Sheraton Hotel ngayong Agosto 6, Biyernes.

Nakapag-training siya sa kanyang kuwarto dahil ipinahiram sa kanya ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga barbell na kailangan niya sa puspusang pagsasanay.

Isang good news ay nakuha na ni Haidie ang kanyang bagong kotse, Kia Stonic, mula sa Ayala Group.

Nagkusang mag-coordinate sa amin ang grupo at sana ganun ang gawin ng iba na hindi na kailangang i-follow up pa.

Tomorrow, August 7, will be Haidie’s mom’s birthday.

Medyo nanibago at nag-panic ang mama niya dahil sa dami ng coronavirus cases sa Metro Manila.

10,623 ang naitala ng DOH na karagdagang bagong kaso ng COVID-19 ngayong Biyernes. Umabot na sa 1,638,345 ang kabuuang bilang ng naitalang COVID-19 cases sa bansa.

Kaya behaved na muna sila sa Resorts World Manila.

This Saturday, tahimik lang nilang ipagdiriwang ang birthday ng nanay ni Hidilyn sa panonood at pagsuporta ng Pinoy athletes na may laban with a special dinner from Wolfgang. Sa Sunday naman ay from Empress Restaurant from Jack Ng, na authentic Chinese food naman.

Continue reading below ↓

Maraming salamat sa patuloy niyong pagsuporta sa mga ekslusibong istorya namin ukol kay Haidie at sa Team HD!

Patuloy niyang pinatutunayan na deserve niya ang ating paghanga at pagpapahalaga!

JERRY OLEA

Nagpahaging na tayo kahapon dito sa PEP Troika kaugnay sa special appearance si Hidilyn Diaz sa ASAP Natin ‘To sa Agosto 8, Linggo, sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Mabuhay!!! Bibigyang-pugay ng Kapamilya idols ang tagumpay ng mga atletang Pinoy.

Pangungunahan ni Janine Gutierrez, iDolls, at BINI ang opening number.

Magpapasabog ang Billboard-nominated P-pop group na SB19. World-class!

Magpapakitang-gilas ang ASAP New-Gen Birit Divas na sina Elha Nympha, Lara Maigue, Sheena Belarmino, at Gigi de Lana. GG Vibes, yes!!!

Magpapayanig pa si Gigi de Lana kasama sina Erik Santos, Jed Madela, Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, Lara Maigue, JM Yosures, CJ Navato, Moira Lacamba, SAB, Alyssa Mulach, Sela Guia, at Angeline Quinto.

May jamming session with 6 Cycle Mind and KZ. Magdu-duet sina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez, at may birthday blow out si Gary Valenciano.

Hahataw sina Maymay Entrata, Joao Constancia, Kyle Echarri, Vivoree Esclito, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Ronnie Alonte, at Loisa Andalio kasama ang TikTokerist at security guard na si Gene Fernandez.

Astig ang pagsasanib-pwersa nina Darren at AC Bonifacio.

Taas-noong ipagdiwang natin ang Pinoy pride ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, ang ASAP Natin 'To, 12:00 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

GORGY RULA

Dahil may social media, matututukan lahat ng pledges sa ating mga Olympic medalists, lalo na kay Hidilyn.

Sana malaman na rin ang lahat na mga ipinangakong pabuya sa iba pa nating atletang mag-uuwi pa ng medalya.

Pero abangan natin bukas ang laban ng boksingerong si Carlo Paalam, na sana ay masungkit niya ang gold. Para magka-partner ang gintong medalya natin sa Tokyo 2020.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Olympic gold medalist Hidilyn Diaz natanggap na ang ipinangakong bagong kotse ng Ayala Group para sa karangalang ibinigay niya sa Pilipinas.
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results