Anong reaksiyon ni James Reid sa nababalitang bagong BF ni Nadine Lustre?

by PEP Troika
Aug 8, 2021
James Reid, inaming di apektado ng mga bali-balita tungkol sa bagong manliligaw ng ex niyang si Nadine Lustre: “I’m not her husband neither am I her father. So, she can do whatever makes her the happiest.”

GORGY RULA

Pinag-usapan ng fans nina Nadine Lustre at James Reid ang interview ni Kuya Boy Abunda kay James sa kanyang YouTube channel noong Agosto 6, Biyernes.

Kasabay kasi niyon ay naglabasan ang mga kuha ni Nadine sa Siargao kasama ang foreigner na nagngangalang si Christophe Bariou.

Sabi ni Kuya Boy, ayaw na raw sana niyang magtanong tungkol kay Nadine, pero yun ang gustong malaman ng mga fans, at hindi raw niya puwedeng i-ignore ang napakaraming tanong na gustong ibato kay James.

Continue reading below ↓

Tanong ni Kuya Boy sa kanya, “Since you and Nadine are both single, are you ready to see her with another suitor?”

Sagot ng singer/actor, “I don’t think anyone in that situation is really, you know, excited to see the ex with someone else. But that’s not my choice.

“If I had to decide, of course, I wish her the best. I want her to be happy.”

Wala raw sa lugar si James na mag-decide para kay Nadine kung puwede na itong makipag-date sa iba o hindi.

“I’m not her husband neither am I her father. So, she can do whatever makes her the happiest” pakli ni James.

Pero okay daw sila ni Nadine at posibleng maging friends pa rin ang mag-ex lovers.

“We’re still very good friends. We still work together and she’s always… can be very special to me and right now, she’s doing her own thing, I’m doing my own thing. We’re focused on our careers.

Continue reading below ↓

“We tried to help her with the music side of things and it’s been great to see her actually be able to take control of her creative direction in a lot of her music, in a lot of her projects.

“But I mean, how are we going? We’re okay,” saad ni James.

Pero tila hindi pa ito tanggap ng karamihang JaDine fans.

Wala pang sapat na ebidensya para sabihing may bagong boyfriend na si Nadine.

Katulad daw iyan ng dating ibinibintang kay James na may ibang girl siya noon, pero hindi raw kayang patunayan.

Tingin daw niya meron lang talagang naninira sa kanilang relasyon.

Bahagi ng comment ng isang fan, “It is obvious that snakes are in the fandom, and Nadine’s craziest haters are James’ fans pretending to be JaDines.”

JERRY OLEA

Ipinagdiwang ng AlDub Nation ang ika-316 weeksary nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) noong Agosto 5, Huwebes.

Continue reading below ↓

Ewan kung sumusuporta sila sa tambalang JasDen (Jasmine Curtis-Smith at Alden Richards) sa Kapuso primetime series na The World Between Us.

Para sa dyed-in-the-wool JaDine supporters, great news na mapapanood nang libre ang English-dubbed teleserye na On the Wings of Love (OTWOL) sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel hanggang Agosto 31.

Libreng mababalik-balikan ng fans ang OTWOL kung saan unti-unting mahuhulog ang loob sa isa’t isa nina Clark (James Reid) at Leah (Nadine Lustre) matapos nilang mapilitan magpakasal sa Amerika para matupad ang mga pangarap nila.

NOEL FERRER

Bilib ako sa mga sagot ni James Reid sa mga tanong ni Tito Boy.

Dahil sa pinagdaanan nilang napaka-liberal na relasyon, marahil ay bukas ang isip nina James and Nadine sa ganitong kumplikasyon at tulad ng sagot ni James, cool lang siya sa ganoong arrangement kay Nadine.

Tayong mga mula sa ibang henerasyon ang natututo at lumalawak ang perspektibo sa ganitong dynamics ng mga makabagong relasyon.

Continue reading below ↓

Welcome to the world of Gen Z!

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid, inaming di apektado ng mga bali-balita tungkol sa bagong manliligaw ng ex niyang si Nadine Lustre: “I’m not her husband neither am I her father. So, she can do whatever makes her the happiest.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results