Tambalang Bea Alonzo-Alden Richards sa GMA-7, kasado na

by PEP Troika
Aug 8, 2021
Tambalang Bea Alonzo-Alden Richards sa Kapuso network, kasado na. Tanong ng fans, alin ang mauuna: teleserye o pelikula?

GORGY RULA

Stop taping at shooting na ang maraming proyekto dahil nasa ECQ na ang buong NCR.

Pero sa mga naka-lock in sa ibang bayan, tuloy pa rin pala sila dahil hindi sila inabot ng ECQ.

Kagaya ng Lolong ni Ruru Madrid na naka-lock in sa Villa Escudero sa Quezon, nag-rest lang sila sandali sa ilang araw na break, pero hindi na rin sila umalis doon.

Tuluy-tuloy pa rin ang taping nila sa Villa Escudero, at sa rest day nila ay tinotodo na ni Ruru ang pag-eensayo kasama ang co-stars niyang sina Marco Alcaraz, Luke Conde at marami pa.

Luke Conde
Ruru Madrid

Continue reading below ↓

Kaya kapansin-pansing napanatili ng Kapuso actor ang ganda ng katawan. Lalo pa ngang naging lean na bumagay sa kanyang role.

Ruru Madrid

Pero nagkasugat-sugat na ang katawan ni Ruru dahil talagang siya raw ang gumagawa ng action scenes at ayaw daw magpagamit ng double.

Nasa Tanay, Rizal naman ang taping ng Loving Miss Bridgette nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda.

Continue reading below ↓

Beauty Gonzalez
Kelvin Miranda

Ilang araw ay matatapos na sila at sobrang nag-iingat daw sila sa set para walang may magkakasakit sa kanila.

Nang nagsimula ang ECQ sa NCR, nakabalik na ang buong grupo ng I Left My Heart in Sorsogon.

Natapos daw nila ang mga dapat kunan sa Sorsogon, pero baka bumalik pa rin daw sila sa third lock-in taping.

Continue reading below ↓

Dito kasi sa Maynila ang second lock-in pero hindi pa ma-schedule gawa ng ECQ.

Thankful silang lahat dahil walang nagkakasakit sa kanila sa Sorsogon.

Sobrang strict daw doon, na kailangang masunod ang safety protocols.

Mas safe daw sila roon, kuwento sa akin ni Paolo Contis, dahil talagang naasikaso raw sila ng LGU ng Sorsogon.

Samantala, nakabalik na ng bansa si Bea Alonzo at naka-quarantine pa siya sa Marriot Hotel.

Ang dami nang nagtatanong kung ano na ang gagawin niya sa GMA-7.

Totoo bang si Alden Richards ang makaka-partner niya sa first drama series na gagawin niya sa Kapuso network?

Bea Alonzo
Alden Richards

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

So, alin ang mauuna para sa tambalang BeRich nina Bea Alonzo at Alden Richards—pelikula o teleserye?

At any rate, buti naman at tuluy-tuloy ang lock-in taping ng ilang programa sa labas ng NCR.

Nag-transform ang Instagram account ni Ruru Madrid umpisa noong Hulyo 18. Ani Ruru, “Let me reintroduce myself…”

Pa-yummy si Ruru sa recent IG posts niya. Leaner ang kanyang physique, alang-alang sa dambuhalang action-adventure series.

Ayon kay Ruru, ang karakter niya ay “nagtatrabaho sa bukuhan. Nagtatrabaho siya sa niyugan, umaakyat siya lagi sa puno, nangingisda siya.

“Doon sa lugar nila, hindi naman siya nagdyi-gym. That's why I changed my diet dito sa Lolong. Binago ko rin yung pagwu-workout ko.”

Puspusan na rin ang paghahanda nina Matt Lozano at Radson Flores para sa lock-in taping ng much-awaited GMA series na Voltes V: Legacy.

Radson Flores
Matt Lozano

Nagte-training na si Matt sa paggamit ng bo staff, ang sandata ng kanyang karakter na si Big Bert.

Continue reading below ↓

Sabi ni Matt, “Gusto ko pagdating sa set, handa ako. Nagte-training ako ngayon ng mga stunts ng bo staff, para pagdating sa set, handang-handa ako hindi lang sa pag-arte."

Kumuha ng extra lesson si Radson sa horseback riding para sa kanyang role na si Mark Gordon.

Sey ni Radson, "Kailangan, kumbaga parang sumasayaw kayo nung kabayo, parang kailangan hindi kayo magkakatapakan ng paa, same kayo ng rhythm, momentum, at yung balance.”

NOEL FERRER

I was in touch with Ruru Madrid and Marco Alcaraz the other day. OK naman daw sila sa taping. Hindi raw sila ECQ.

Ka-text ko rin si Classmate Bea Alonzo the other day. Sana, matuloy na ang aming Level Up conversation soon.

Based on our short exchange, masayang-masaya siya and making the most of her quarantine si Bea.

Kung si Alden ang unang makaka-partner ni Bea sa GMA-7, ok kung pelikula muna. Kasi, nakakasa na iyun. Pero kung sa TV, e, hindi ba may running teleserye pa rin si Alden?

Continue reading below ↓

Oh well, puwede namang mag-Magpakailanman muna si Bea, at ibang guestings.

Excited ako sa mga gagawin ni Classmate Bea sa Kapuso Network.

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tambalang Bea Alonzo-Alden Richards sa Kapuso network, kasado na. Tanong ng fans, alin ang mauuna: teleserye o pelikula?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results