GMA-7, arangkada pa rin sa ratings; ABS-CBN, tuloy ang paandar kahit walang prangkisa

by PEP Troika
Aug 9, 2021
(Kaliwa) Bahagyang tumaas ang rating ng Pepito Manaloto Unang Kuwento, tampok sina Sef Cadayona at Kokoy de Santos, noong Sabado, August 7; (kanan) nasa Netflix na ang Kapamilya drama series na Ang Sa Iyo ay Akin na may English title na The Law of Revenge.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel

GORGY RULA

Tumutok kaya ang mga tao sa telebisyon ngayong natengga na naman tayo uli gawa ng ECQ?

Base sa AGB Nielsen ratings noong nakaraang weekend, meronng tumaas ang rating, meron namang bumaba.

Marami na kasing choices na puwedeng panoorin. Kaya halos ganoon pa rin ang viewership sa free TV.

Noong nakaraang Sabado, August 7, ay tumaas ang 24 Oras (10.6%), ganundin ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento (13.2%).

Pero bahagyang bumaba ang Catch Me Out Philippines na naka- 1.2%, at ganundin ang Magpakailanman na naka-13.6%.

Hindi naman masabing lumipat sila sa kabilang istasyon dahil halos ganun pa rin ang rating ng mga katapat na programa sa TV5 at A2Z.

Ang sitcom na Puto sa TV5 ay naka-1.7%. Ang Rated Korina sa A2Z ay naka-1.4% naman. Mas mataas pa ang My Fantastic Pag-ibig sa GTV na naka-1.8%.

Halos ganoon din ang viewers ng Rolling In It sa TV5 na naka-3.4%, at ang Everybody Sing sa A2Z na naka-2.7%. Medyo bumaba ang The Wall (TV5) na naka-2.9%.

Sumunod ang Encounter nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga sa TV5 na naka-1.2%. Katapat nito ang Nesthy Petecio story sa Maalaala Mo Kaya na naka-2.1%.

Obviously, tinutukan ang Shopee special show nina Willie Revillame at Kris Aquino noong Linggo, August 8, na naka-4%. Sumunod ang Kapuso Movie Festival na naka-5.1%.

Ang All-Out Sundays, na ni-replay na lang ang ibang segments dahil hindi sila nakapag-taping, ay naka-4.3% versus ASAP Natin ‘To na naka-2.6%.

Ang GMA Blockbuster ay naka-4.4%, at 3.1% naman ang FPJ Da King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Dear Uge ay naka-4.7%, at 1% ang Ipaglaban Mo sa A2Z.

Consistent na mataas ang programa ng GMA News and Public Affairs na Stories of Hope na may 5.2%, at On Record na naka-7.2%.

Pagdating sa prime time, mataas pa rin ang 24 Oras na naka-12.4%. Tumaas din ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-14.5%, samantalang ang katapat nitong Everybody Sing sa A2Z ay naka-2.3%.

Tumaas ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na naka-17.6%. Ganundin ang Kapuso Mo Jessica Soho na naka-19.4%, at 4.9% naman ang The Boobay and Tekla Show.

May narinig kaming tsika na merong babaguhin sa timeslot ng GMA-7 sa darating na weekend. Abangan na lang natin.

JERRY OLEA

Walang prangkisa ang ABS-CBN, kaya wala itong laban sa ratings ng GMA-7. Ganunpaman, tuluy-tuloy ang mga paandar ng mga Kapamilya.

Ang “Madlang Pi-Poll” segment ng It’s Showtime ay mapapanod na mula Lunes hanggang Sabado umpisa today, August 9.

Dumadami ang sumasali sa live interactive game na umabot sa 62,665 home viewers noong Agosto 7, Sabado. Tatlo sa kanila ang naghati-hati sa premyong P70,000.

Sa “Madlang Pi-Poll,” maaaring makisagot ang viewers sa mga tanong at manalo ng mga papremyo gamit lamang ang kanilang laptop o mobile device.

Maaaring maglaro ang lahat ng Filipino citizen na kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas na 18 taong gulang at pataas, at may valid ID na sumali sa game.

Para makapasok sa raffle draw at manalo ng papremyo, kailangang ibigay ang buong pangalan, address, edad, phone number, at e-mail address sa registration form na makikita pagkatapos sagutan ang huling tanong sa laro.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Napapanood ang It’s Showtime tuwing tanghali mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel sa digital at free TV, Kapamilya Channel sa cable at satellite TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant TFC.

Ipinagmamalaki ng mga Kapamilya na streaming na sa Netflix ang teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin, with the international title The Law of Revenge.

Bida rito sina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado, kasama sina Sam Milby, Maricel Soriano, Joseph Marco, Rita Avila, Simon Ibarra, Grae Fernandez, at Kira Balinger.

Ito ang unang Pinoy teleserye na nag-premiere at ipinalabas nang buo sa digital sa Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube. Ito rin ang unang serye ng ABS-CBN na ipinalabas sa Kapamilya Channel.

Inaabangan natin ang bagong teleserye ni Jodi na The Broken Marriage Vow, kung saan co-stars niya sina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, Rachel Alejandro, Jane Oineza, Franco Laurel, Joem Bascon, at Angeli Bayani.

Iso-showcase rito ang mga damit na nilikha ng iba’t ibang local fashion designers.

“We want to showcase our clothes, our roots, our culture in a different way. We get to wear the barong, the pinya on a daily basis,” sabi ni Direk Connie Macatuno sa isang video na inilabas ng Dreamscape Entertainment noong Agosto 6, Biyernes.

“We get to wear the weaves of different places here in the Philippines, and showcase original works of different designers that have global appeal.”

Ipinakita sa video ang ilan sa mga damit, sapatos, accessories, mga katutubong tela, at tradisyunal na Filipino clothes na ibibihis sa mga bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jodi Sta. Maria

NOEL FERRER

Iyon na nga rin ang sasabihin ko sana. As we have regular updates on ratings, kahit walang franchise ang ABS-CBN, mukhang ang TV5 ratings ang dapat suriin. And another measure will be the digital/online engagements.

Ngayong nagkukumahog tayo sa surge levels ng pagkalat ng COVID cases, sana ay hainan naman tayo ng mga programang magbibigay sa ating ng kritikal na pag-iisip at pagtatanong kung bakit nasadlak tayo sa ganitong lockdown at pagbaba ng kalidad ng buhay.

Bakit parang learned helplessness na ang estado natin imbes na empowered Filipinos? Hayyyy nakakapagod na, di ba?

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Kaliwa) Bahagyang tumaas ang rating ng Pepito Manaloto Unang Kuwento, tampok sina Sef Cadayona at Kokoy de Santos, noong Sabado, August 7; (kanan) nasa Netflix na ang Kapamilya drama series na Ang Sa Iyo ay Akin na may English title na The Law of Revenge.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results