Barbie Forteza first time gaganap na superhero sa Daig Kayo ng Lola Ko

by PEP Troika
Aug 11, 2021
Barbie Forteza plays the funny superhero Captain Barbie in the upcoming episode of Daig Kayo ng Lola Ko, with Jeric Gonzales and Anjo Damiles as her leading men.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Masaya ang buong team ng Daig Kayo ng Lola Ko dahil naka-14.5% ang rating ng final episode na ipinalabas nung nakaraang Linggo, August 8.

Ito yung "Last People On Earth" episode na pinagbidahan mima Jennylyn Mercado at Paolo Contis.

Sa darating na Linggo, August 15, ay inaasahang mas mataas ang bagong episode ng Daig Kayo ng Lola Ko, ang "Captain Barbie," dahil rater ang bida ritong si Barbie Forteza.

Continue reading below ↓

Naaliw si Barbie nang inalok ito sa kanya dahil first time daw niyang gumanap bilang isang superhero.

Natawa siya sa biro naming tinalbugan na niya ang Darna, na sobrang tagal ang preparasyon pero hindi pa rin nagsisimula. Ngunit itong "Captain Barbie" ay lilipad na sa Linggo.

Basta eme-eme lang daw siya rito na isang superhero, typical na kikay na Barbie. May power ang suot niyang kapa at nagiging invisible siya bigla. Ang hawak niyang scepter ay nagiging shield niya, at pati ang hikaw ay nagiging weapon sa mga kalaban.

Iba raw ito sa nagawa niya noon dahil kung mahahabang lines ang mini-memorize niya, fight scenes ang kinakabisado niya rito. Basta, tiyak daw niyang matutuwa rito ang mga batang supporters ng fantasy show na ito ng GMA-7.

Aminado ang Kapuso actress na hindi mawawala sa kanya ang ma-pressure dahil nagri-rate ang mga programa niya. Pero sa ngayon, ang mahalaga ay makakapagbigay saya siya sa mga manonood.

Continue reading below ↓

Ani Barbie, “Sa panahon ngayon, mas iisipin mo na yung makapagpasaya ka ng tao more than the ratings.

"Kasi ECQ na naman, pakiramdam ng mga tao, parang ang bigat na naman, di ba? Paano na naman tayo gagalaw.

“Siguro, magsisilbing happy pill si Captain Barbie. Siguro, the ratings will come after.

"Para sa akin, let’s not worry about that now. Masyado na tayong maraming iniisip.

"Let’s just enjoy, have fun, and matuwa kay Captain Barbie for now.

“May ganun kasing reputation na kailangang i-maintain, but there’s a bigger picture na kailangang isipin, at yun ay sana magawa niyo nang maayos ang trabaho mo, para makapagpasaya ka ng tao.

“Kasi, yun naman talaga ang promise ng Daig Kayo ng Lola Ko, especially sa bagets.”

Kasama ni Barbie sa "Captain Barbie" sina Jeric Gonzales at Anjo Damiles.

NOEL FERRER

Ine-enjoy lang ni Barbie itong ginawa niya sa Daig Kayo ng Lola Ko dahil pambata.

Continue reading below ↓

Pero kung tatanungin siya ng management kung ano ang susunod na soap na gagawin niya, gusto raw sana niya ay heavy drama na bagay sa kanyang edad, yung pang-mature at hindi na pa-cute.

“Kung hingan nila ako ng opinion at bigyan nila ako ng say, siyempre sasabihin ko kung ano ang gusto ko.

“Heavy drama sana na age appropriate. Hindi na pa-teeny booper. Hindi na love triangle, hindi na tungkol… basta, hindi na pambata sana na heavy drama.

"Mas mature, ganun. Pero not necessarily daring."

Sabi naman niya tungkol dun sa vlog nila ni Jak Roberto na kunwari nagseselos siya sa kissing scenes nito, pinaglaruan lang daw niya ang boyfriend.

“Dun sa vlog kasi, sa totoo lang, inaasar ko lang talaga si Jak.

“Gustung-gusto ko yung reaction niya kapag nag-e-edit siya, yung tawang-tawa siya lagi, ganyan.

“Nakikita ko na nag-e-enjoy lang siya at ginagawa ko lang interesting ang mga reaction ko.

Continue reading below ↓

“Pero to be honest, talagang napanood ko naman yung mga eksena niya dati, very professional naman siya especially sa leading ladies niya siyempre.”

Pero oo nga, dahil ongoing ang Cinemalaya, let us not forget that Barbie is an award-winning actress sa kanyang nagawang indie films.

Sana, makagawa pa siya ng ikatataas ng kanyang antas bilang aktres.

JERRY OLEA

Namayagpag ang fantaseryeng Marina ni Claudine Barretto noong Pebrero-Nobyembre 2004 sa ABS-CBN.

Ang GMA-7, nagkaroon ng Marinara starring Rufa Mae Quinto noong Hunyo-Oktubre 2004.

Nang magkamit si Hidilyn Diaz ng gold medal sa Tokyo Olympics, may clamor na “buhayin” si Captain Barbell but this time, babae siya.

After all, nagkaroon ng lalaking Darna… si Dolphy sa Regal movie na Darna, Kuno? (1979), kung saan buntis si Darna (Brenda del Rio) kaya ipinasa muna niya sa iba ang mahiwagang bato.

Kamukat-mukat mo, heto na si Captain Barbie.

Pero malayo siya kay Captain Barbell. Mas mukha si Barbie Forteza na Captain Barbie Doll.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza plays the funny superhero Captain Barbie in the upcoming episode of Daig Kayo ng Lola Ko, with Jeric Gonzales and Anjo Damiles as her leading men.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results