Magpakailanman at Catch Me Out Philippines, magpapalit ng timeslot

by PEP Troika
Aug 11, 2021
Starting this Saturday, August 14, drama anthology Magpakailanman and reality show Catch Me Out Philippines will switch timeslots.
PHOTO/S: GMA Network

JERRY OLEA

The switch is on!

Simula Agosto 14, Sabado, mas maaga nang mapapanood ang Magpakailanman (MPK)!

Matutunghayan na ang drama anthology na hino-host ni Mel Tiangco tuwing Sabado ng 7:15 p.m., pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa GMA-7.

After MPK, saka mapapanood ang Catch Me Out Philippines (CMOP), na hino-host ni Jose Manalo, with Derrick Monasterio as regular celebrity spotter.

Tweet ng CMOP nitong Wednesday afternoon, “Kahit anong oras pa 'yan, tuloy lang ang paghuli sa mga baguhan! Don't miss #CatchMeOutPh on its new timeslot starting this Saturday! 8:30 p.m. on GMA after #MPK!”

At any rate, fresh episode ang matutunghayan sa MPK sa Sabado ng 7:15 p.m., “Our Abusive Father.”

Tampok dito sina Therese Malvar, Althea Alblan, Ashley Ortega, Michael Flores, at Nina Ricci Alagao.

Sa Maalaala Mo Kaya? (MMK) naman, nakakaantig ang istorya ng magkakapatid na hinarap ang sakit ng pagkakalugmok ng pamilya sa krimen.

Continue reading below ↓

Wala pa sa hustong gulang sina Valerie (Alexa Ilacad), Ali (Yves Flores), at Cha (Kira Balinger), humarap na sila sa patung-pating na pagsubok na dala ng pagkakakulong ng mga magulang at mga kapatid.

Ginawa ng tatlo ang lahat para umiwas na masangkot sa paggamit at benta ng ilegal na droga sa kagustuhan na rin ng kanilang ina. Pinagpasa-pasahan ang magkakapatid pero matibay silang kumapit sa isa’t isa.

Nasira ang kanilang planong mamuhay nang normal nang mawalay si Ali at maging kriminal. Tapos, nabuntis si Valerie sa edad na 17.

Maituwid kaya ng tatlo ang kanilang nasirang landas? Makapagtapos pa kaya sila ng pag-aaral?

Natutunghayan ang MMK tuwing Sabado ng 8:30 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable, at IPTV.

GORGY RULA

Okay naman na pagkatapos ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento na comedy, drama ang kasunod na mapapanood sa Magpakailanman. Maganda ang madalas na kuwentong tina-tackle sa naturang drama anthology.

Continue reading below ↓

Medyo challenging sa Catch Me Out Philippines kung magkakainteres ba ang televiewers na hulaan kung sino ang amateur sa dalawang grupong magpi-perform.

Sa darating na Sabado, August 14, ay "tradition meets Tiktok generation" ang huhulaan.

Hanapin ang isang Leyte-born mountaineer at freelance wedding planner na kinarir ang pag-aaral sa art of Flamenco dancing. Huhulaan din kung sino ang live streamer at aspiring make-up artist na hihirit ng tenor style ng BTS hit na "Dynamite."

Guest spotters sina Ai-Ai de las Alas at Edgar Allan Guzman, kasama ang resident spotter nilang si Derrick Monasterio.

Sa mga interesadong malaman ang mga pakulo pa ng Catch Me Out, puwede ninyong i-check sa kanilang official Facebook account.

Sana, lalo pang tumaas ang viewership ng weekend programs. Mas mabuting nasa bahay na lang muna talaga tayo, at nakakatakot na ang patuloy na pagtaas ng COVID cases.

NOEL FERRER

With 12,021 new cases of COVID, nakukuha kong matakot at hindi lumabas. Sad to say, hindi TV ang pang-aliw ko.

Continue reading below ↓

I’m sure, ang mga kababayan natin, naghihintay ng entertainment. Pero ang mas inaasahan natin ngayon ay maipaliwanag ang mga nangyayari.

Parang after more than a year ng lockdown, hindi ko na kasi kaya ang pang-aliw at pang-escape lang na papanoorin.

Tanong ko lang, hindi kaya natin mas kailangan ngayon ng shows na magpapaintindi sa atin ng mga nangyayari?

Hayyyy, sana maipakita ito sa shows kahit comedy man o drama, at hindi sa news lang. Kayo ba, hindi kayo naa-anxious?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Starting this Saturday, August 14, drama anthology Magpakailanman and reality show Catch Me Out Philippines will switch timeslots.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results