Watch Now

John Estrada on Derek Ramsay: "Kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya."

by PEP Troika
Aug 12, 2021
John Estrada on engaged couple Derek Ramsay and Ellen Adarna: "I wish them well. Gusto ko naman, masaya lang sila. Everybody happy! Okay na yun."
PHOTO/S: @john_estrada / @ramsayderek07 Instagram

GORGY RULA

Sa pamamagitan ng palitan ng text messages, napag-usapan namin ni John Estrada ang lumalaking isyu nila nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Sinagot ni John ang isyung walkout umano ni Ellen sa sitcom nilang John en Ellen, na hindi raw totoo.

Pero pagdating sa kanila ni Derek, nahahalata ko noon pang may tampuhan talaga sila.

Ayaw lang talaga niyang magsalita.

Kinulit ko ulit si John nang nagsalita na si Derek sa YouTube channel ni Ogie Diaz, pero nakiusap siyang huwag na siyang hingan ng statement tungkol dito.

"Alam mo naman ako, Gorgs, hindi talaga ako nagsasalita kapag may isyu, di ba?

"May mga isyu naman ako nun, nagsasalita ba ako? Nagpapa-interview ba ako?" balik-sagot sa akin ni John.

Sandali kaming nagkausap ni John sa telepono nitong Miyerkules ng gabi, August 11.

Hindi niya itinangging nalungkot siya dahil umabot sa ganitong sitwasyon ang mahigit anim na taong friendship nila ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iniisip na lang daw niyang nangyayari ito sa ibang magkakaibigan. Kaya mas mabuting manahimik na lang daw siya.

"Basta para sa akin, kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya," makahulugang pahayag ni John.

Nakita raw niya kung gaano kamahal ni Derek si Ellen. Inuunawa na lang daw niya ang lahat na nangyayari.

"I wish them well. Gusto ko naman, Gorgs, masaya lang sila. Everybody happy!

"Okay na yun. Ayoko na magsalita, ha?" natatawang pahayag ni John at pinapatigil na niya ako sa pagtatanong.

Ayaw na rin akong sagutin ni John tungkol sa isyung balak ni Ellen na i-complain ang buong production ng John en Ellen sa IATF dahil sa nilabag diumano na safety protocols.

Haharapin daw nila ito sakaling may dumating na ganung reklamo.

"Basta, ayoko nang lumaki pa ito. I’d rather not say a word… Lest it be blown to unmanageable proportions.

"Gusto ko lang magpasalamat sa lahat na nagpadala sa akin ng messages, saka yung iba pang mga nagbigay ng magandang comments sa akin," dagdag na pahayag ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Lilipas din ang tampuhan o sigalot sa pagitan nina John at Derek. Mapaghihilom ng panahon ang sugat, 'ika nga.

Hindi bago sa atin ang ganitong scenario. Nangyari na ito dati sa ibang showbiz personalities, at tiyak na mangyayari muli sa hinaharap.

Tumpak na manahimik na lang si John matapos humulagpos ang ngitngit ni Derek.

Walang buting idudulot kung pahahabain pa ni John ang usapin.

NOEL FERRER

Ngayong pandemya, kahit may mga ganitong di pagkakaunawaan, maganda ring mapanatili ang open line ng mga magkakaibigan.

Virus ang kalaban natin, at ang banta nito sa ating buhay ay mas malaki kaysa sa ganitong di pagkakasundo.

Kayang maayos iyan, just give it some time. If only they go back kung bakit sila naging malapit na magkaibigan, maaayos din iyan!

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Estrada on engaged couple Derek Ramsay and Ellen Adarna: "I wish them well. Gusto ko naman, masaya lang sila. Everybody happy! Okay na yun."
PHOTO/S: @john_estrada / @ramsayderek07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results