Julia Montes, mala-Black Widow ang action scenes sa Ang Probinsyano?

by PEP Troika
Aug 13, 2021
Coco Martin at Julia Montes inaabangan ang pagbabalik-tambalan sa FPJ's Ang Probinsyano. Aamin na rin ba sila sa tunay nilang relasyon? Papasok naman si Sid Lucero sa buhay ni Jasmine Curtis-Smith sa romance drama na The World Between Us sa GMA-7.
PHOTO/S: FPJ's Ang Probinsyano / The World Between Us

JERRY OLEA

Kapana-panabik ang balik-tambalang Coco Martin at Julia Montes (CocoJul) sa pelikula at telebisyon.

Natapos na ang lock-in shoot ng CocoJul sa pelikula sa Pola, Oriental Mindoro, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

Nasa post-production pa lang ang movie, at wala pa itong target playdate.

Ang working title nito ay Pola (Red Earth).

Kilig-kiligan ang fans matapos ilabas ng Dreamscape Entertainment ang training videos ni Julia, pati na ang patikim na fight scenes ng aktres kasama si Coco para sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sumabak si Julia sa iba’t ibang maaaksyong fight scenes habang tinuturuan at inaalalayan siya ni Coco.

Pahayag ng stunt coordinator ni Julia na si Erwin Tagle, partikular si Coco sa pag-eensayo ng aktres para masigurong makuha nito ang tamang pag-atake sa gagampanang karakter.

"Gusto talaga ni Direk Coco na bumuo ng team for Julia pagdating sa fight scenes ni Julia," saad ni coach Erwin sa isang TV Patrol report.

Continue reading below ↓

"Pati camera shots, pati camera angles, iba ang approach. Kinocombine ko ang Filipino martial arts, yun ang fight design talaga namin for Julia.

Although nag-request si Direk Coco na, 'Bigyan mo ako ng street fight, konting brawl.'"


Pinaghalong Angelina Jolie at Scarlett Johannson ang dating ni Julia sa pakikipagbakbakan.

Continue reading below ↓

Memorable ang pag-aaksyon ni Angelina sa mga pelikulang Lara Croft: Tomb Raider (2001), Lara Croft: Tomb Raider—Cradle of Life (2003), at Mr. & Mrs. Smith (2005).

Marvelous si Scarlett bilang Black Widow/Natasha Romanoff sa mga pelikulang Iron Man 2 (2010), The Avengers (2012), Captain America: The Winter Soldier (2014), Avengers: Age of Ultron (2015), Captain America: Civil War (2016), Avengers: Infinity War (2018), Avengers: Endgame (2019), at Black Widow (2021).

Keri ba ni Julia na maging Black Widow of the Philippines?

Natutunghayan ang FPJ’s Ang Probinsyano Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at CineMo. Gayundin sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook pages ng ABS-CBN Entertainment, iWant TFC, WeTV, at iflix.

HOT STORIES

GORGY RULA

Mayroon na palang grupo ng Ang Probinsyano na nakaalis na pa-Ilocos before mag ECQ.

Nag start na sina Coco ng taping dun, pero di pa nakukunan si Julia. May iba pang group na naka-schedule pumunta ng Ilocos sa August 21.

Continue reading below ↓

Excited na silang lahat sa pagpasok ni Julia sa buhay ni Cardo Dalisay.

Magkakaaminan na kaya sa susunod?

Samantala, papasok naman sa The World Between Us ang dating taga-FPJ’s Ang Probinsyano na si Sid Lucero.

Titindi ang selosan nina Lia (Jasmine Curtis-Smitj) at Louie (Alden Richards) dahil sa pagpasok ni Eric (Sid Lucero) sa kuwento, at nandiyan pa rin si Audrey (Kelley Day).

Pero ang isa pa sa naaaliw ako na karakter ay si Yatchi na ginagampanan ni Jaclyn Jose.

Iba ang atake niya rito bilang yaya nina Lia at Brian (Tom Rodriguez). May pasabog din siya sa kuwento na dapat daw abangan, sabi ng magaling na aktres.

NOEL FERRER

Nakaka-excite ang CocoJul sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Gaano katotoong kahit walang franchise ay grabe ang impact na ito na mas matindi pa sa ibang may franchise?

And in terms of branding and loyal audience following, iba talaga ang impact na nagagawa ng Ang Probinsyano kaysa sa mga nakatapat at nakapanabayan niya.

Continue reading below ↓

Sila lang yata ang existing program na may party-list nga sa darating na eleksyon. May itatapat ka pa ba roon?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin at Julia Montes inaabangan ang pagbabalik-tambalan sa FPJ's Ang Probinsyano. Aamin na rin ba sila sa tunay nilang relasyon? Papasok naman si Sid Lucero sa buhay ni Jasmine Curtis-Smith sa romance drama na The World Between Us sa GMA-7.
PHOTO/S: FPJ's Ang Probinsyano / The World Between Us
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results