Watch Now

Jeric Gonzales iginiit na walang ligawang nangyari sa kanila ni Sheryl Cruz

by PEP Troika
Aug 14, 2021
Jeric Gonzales on sexy pictorial: “Nung lumabas yung second pictorial namin, which is naka-brief nga, ang dami talagang nag-react. Nagulat talaga sila. Pinaghandaan ko talaga siya during lockdown. Ilang buwan din akong nag-prepare for that pictorial."
PHOTO/S: Bench Body / GMA Network

GORGY RULA

Iniiwasang nang magsalita ni Jeric Gonzales tungkol sa kanila ni Sheryl Cruz. Nakakahiya raw para sa isang lalaki na itanggi ang isyung may namamagitan sa kanila ng aktres.

Pero natanong ito kay Jeric sa virtual mediacon ng Daig Kayo ng Lola Ko Presents Captain Barbie na magsisimula na bukas, August 15, Linggo ng gabi.

Napilitan siyang sagutin ang tanong kung totoong niligawan ba niya si Sheryl, na nakatrabaho niya sa Kapuso afternoon drama series na Magkaagaw.

Ani Jeric, “Wala pong ligawang nangyari. I did not court Miss Sheryl Cruz… friends po kami sa Magkaagaw. Co-actor ko siya and I’m happy with that.

“Pero in terms po dun sa love life na sinasabi niyo, wala pong ganun.”

Samantala, natutuwa si Jeric sa positive comments na nakakarating sa kanya nang lumabas ang pangalawang pictorial niyang naka-underwear para sa Bench Body.

Mas sexy ang Kapuso actor dito dahil pinaghandaan daw niya ito bago siya isinalang sa pictorial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa pictorial na ito, may isang independent producer na gusto siyang ipag-produce ng pelikula.

“Nakakatulong talaga siya sa akin, yung Bench,” nakangiting pakli ni Jeric.

“Nung lumabas yung second pictorial namin, which is naka-brief nga, ang dami talagang nag-react. Nagulat talaga sila.

“Pinaghandaan ko talaga siya during lockdown. Ilang buwan din akong nag-prepare for that pictorial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung lumabas siya, happy ako… may mga nag-react.

"And then, yun nga, hopefully matuloy po yung film na magawa,” sabi pa ng Kapuso hunk.

Medyo sexy raw ang pelikula, pero hindi naman daw siya ganun ka-daring dahil hindi papayag ang GMA-7.

“Pumayag yung GMA kasi itong indie film na gagawin namin, konting ano lang po.

“Kasama ko dito si Direk Louie Ignacio na in-admire ko na director. Maganda yung kuwento. Siya rin yung sumulat.

“Maganda yung naging meeting namin. Sana po talaga, matuloy.

“Sexy pero hindi naman po totally na sobrang daring. Hindi naman po tayo papayagan ng GMA kung sobrang daring, e.

“Sabi naman ni Direk Louie, he will help me,” dagdag na kuwento ni Jeric.

JERRY OLEA

Kung Felix Bacat ng Bench Body Boys ang pag-uusapan, angat si Jeric kina Derrick Monasterio, Paul Salas, Gil Cuerva, at David Licauco. Talbog!!!

Sana nga’y matuloy ang pelikulang pagbibidahan ni Jeric, lalo pa’t masigasig siya sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Teka?! Kasama pa ba si Sheryl sa nasabing movie?!

NOEL FERRER

It’s Jeric’s time to be the lead.

San magtagumpay siya sa kanyang launching film. Something na hindi masyadong nakamit nina Derrick, Paul, Gil, at David.

Pero paano yun, online na lang muna o hihintayin ang pagbubukas ng mga sinehan?

Oh well, while waiting, sana magsanay pa sa acting si Jeric para kapag titimbangin siya, hindi siya kukulangin.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales on sexy pictorial: “Nung lumabas yung second pictorial namin, which is naka-brief nga, ang dami talagang nag-react. Nagulat talaga sila. Pinaghandaan ko talaga siya during lockdown. Ilang buwan din akong nag-prepare for that pictorial."
PHOTO/S: Bench Body / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results