Indie actor Vince Rillon, nainis dahil hindi napaghandaan ang frontal nudity sa Coco-Julia movie

by PEP Troika
Aug 15, 2021
Is Vince Rillon (in photo) the next Coco Martin? The indie actor says, "Si Coco po kasi… Kuya Coco na iyon, e. Ganoon na siya. Kumbaga, ako naman, hindi ko naiisip yun."

JERRY OLEA

Nag-frontal si Vince Rillon sa pelikula nina Coco Martin at Julia Montes na kinunan ni Direk Brillante Mendoza kamakailan sa Pola, Oriental Mindoro.

“Nakita lahat,” napapangiting pahayag ni Vince Rillon nitong Agosto 14, Sabado ng hapon, sa tahanan ng mentor niyang si Direk Brillante.

Ano ang feeling niya nang gagawin ang nasabing mapangahas na eksena?

“Wala. Hmmn… naiinis ako, kasi hindi ako nakapag-prepare gaano, e,” paliwanag ng 23-anyos na indie actor.

“Walang nagsabi sa akin. Doon na lang sinabi sa akin sa eksena. Doon na lang. Wala na akong nagawa.

“Naghahanap pa ako ng plaster noon, e, noong sinabi na may eksena ako na nakahubad.

“Sabi ko, ‘May plaster po ba?’ ‘Wala.’ Sabi ko, ahh… baka hindi ako magpapakita. Puwet lang siguro.

“Pagdating doon, ‘Tanggalin mo na! Tanggalin mo lahat!’ Tanggal na lahat.”

Bago ang panayam kay Vince, ipina-preview ni Direk Brillante sa amin ang launching movie ni Vince na Resbak.

Continue reading below ↓

Co-stars ni Vince sa movie sina Albie Casiño, Jay Manalo, Nash Aguas, Khalil Ramos, Rosanna Roces, Bibeth Orteza, Carlitos Siguion-Reyna, Lito Pimentel, at Jomari Angeles.

Vince Rallon (second from left) with Resbak co-stars Albie Casiño, Nash Aguas, and Jay Manalo.

Kasama naming nanood sina Direk Joel Lamangan, Direk Louie Ignacio, line producer Dennis Evangelista, Ricky Calderon, at Gorgy Rula.

Katorse anyos si Vince nang magsimulang mag-artista sa pelikulang Captive (2012) na tinampukan ni Isabelle Huppert, sa direksiyon ni Brillante Mendoza. Nasa cast din nito si Coco.

Nakasama rin siya sa Ma’ Rosa bilang asset na nagpahuli sa karakter ni Julio Diaz.

Co-stars ni Vince sa Netflix series na Amo (2018) sina Derek Ramsay, Allen Dizon, at Felix Roco, sa direksiyon pa rin ng kanyang mentor.

Nagnanakaw ng motorsiklo ang papel ni Vince sa Resbak. Nahirapan ba siya?

“Hindi naman po. Enjoy na enjoy ko po yung pagmo-motor, e,” sambit ni Vince.

“Matagal na po akong nagmo-motor. Bata pa lang ako, nagmo-motor na po ako. Sanay po ako.”

Pangarap ba niyang sundan ang mga yapak ni Coco, na nakatrabaho rin niya sa FPJ’s Ang Probinsyano?

“Hmmn, hindi naman po. Si Coco po kasi… Kuya Coco na iyon, e. Ganoon na siya. Kumbaga, ako naman, hindi ko naiisip yun,” tugon ni Vince.

Continue reading below ↓

“Basta ako, gusto ko lang po yung ginagawa ko. Nag-e-enjoy lang po ako.”

Ang sabi ni Direk Brillante, “Actually, ang gusto ko sanang packaging sa kanya, kontrabida. Kausap ko si Joey [Abacan] ng GMA.

“Sabi ko, kung matutuloy yung co-management sa kanya, ang gusto kong maging ano ni Vince sana… parang character. Kontrabida.

“Hindi talaga bida. Character role, yung ginagawang miserable ang buhay ng bida.”

GORGY RULA

Kuwento sa amin ni Vince, ang isa sa training sa kanya ni Direk Brillante ay mag-research sa role na gagampanan niya.

Kagaya nitong sa Resbak, pinag-aralan niya ang buhay ng isang motornapper. May ilan daw siyang nakausap, pati mga bumibili ng nakaw na motor at mga nagbabaklas.

Ayaw pa raw sanang makipag-cooperate sa kanya, pero ipinaliwanag niyang para lang yun sa role na gagampanan niya sa pelikula. Nagtiwala naman daw ang mga ito sa kanya.

“Tumambay po ako sa mga motor shop, ilang oras. Natutunan ko dun yung mga salita nila, yung mga ‘baklas, karnehin na ‘yan.’

Continue reading below ↓

“Kailangan ko talagang makipagkuwentuhan sa kanila para malaman ko kung paano sila makipag-usap.

“Yung iba po dun sa nagkakalas ng motor, mga mekaniko. Nakakakuha ako ng idea sa kanila,” saad ni Vince.

Ang ikinagulat at ikinatakot niya, nalaman ni Vince na involved din sa ganitong gawain ang ilang malalaking taong may sinasabi at nasa posisyon.

“Hanggang dun na lang, huwag ka nang magkuwento,” singit ni Direk Brillante, na natakot at baka magkuwento pa si Vince.

“Malakas ang loob nila kahit saan sila magpunta, e, kasi may sinasandalan sila e,” dagdag ni Vince.

Matapang ang pelikula at napapanahon lalo na’t mag-eeleksyon na. Sana nga, mapanood ito dito sa atin.

NOEL FERRER

Nalilinya si Vince sa action-drama.

Natapos niya kay Direk Brillante ang mga pelikulang Resbak, GenSan Punch, at iyong CocoJul film na ang working title ay Pola (Red Earth).

May naka-lineup pa siyang pelikula with Direk Joel Lamangan at Direk Lawrence Fajardo.

Continue reading below ↓

Sayang, mas marami pa sana ang makakasubaybay sa kanya kung hindi lang online? Di ba?

Saan o kanino ba maihahalintulad si Vince? Baka malapit ang kanyang career path at buhay kay Chuck Perez na protégé noon ng magaling na direktor na si Direk Elwood Perez.

What do you think, mga ka-Troika?

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Vince Rillon (in photo) the next Coco Martin? The indie actor says, "Si Coco po kasi… Kuya Coco na iyon, e. Ganoon na siya. Kumbaga, ako naman, hindi ko naiisip yun."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results