Magpakailanman at Daig Kayo Ng Lola Ko, patok sa ratings

by PEP Troika
Aug 16, 2021
Tampok sa Magpakailanman si Michael Flores (lower left) bilang abusadong ama, at gumanap na mga anak niya sina (L-R, upper left) Therese Malvar, Ashley Ortega, at Althea Ablan. Sina Jeric Gonzales at Barbie Forteza ang bida sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
PHOTO/S: Magpakailanman / Daig Kayo ng Lola Ko

GORGY RULA

Medyo tumaas ang rating ng mga programang nag-switch ng timeslot noong Sabado, Agosto 14.

Sa primetime, ang 24 Oras ay nakapagtala ng 10.9%.

Sumunod ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na consistent pa rin sa 13.3%. Ang katapat nito sa A2Z na Rated Korina ay 1.4%.

Napaaga na ang Magpakailanman na naka-15.5%, at sumunod ang Catch Me Out Philippines na 11.4%. Halos ganun pa rin ang viewers ng dalawang programang ito kahit nagpalit na sila ng timeslot.

Medyo bumaba ang replay episode ng katapat nilang Everybody Sing sa A2Z na 2.5%, at 2.6% naman ang Rolling In It sa TV5.

Ang Maalaala Mo Kaya sa A2Z ay 2.4%. Ang The Wall sa TV5 ay 2.5%, at 1.3% ang Encounter sa TV5 din.

Bahagyang bumaba ang Daddy’s Gurl na 5.7%, katapat ang Hoy, Love You sa A2Z na 1.5%.

Halos ganun pa rin ang dami ng viewers nung Linggo, August 15, dahil sa hindi naman gaanong nabago ang ratings ng mga programa.

Continue reading below ↓

Natuwa lang ako sa programang Farm To Table na lagi kong pinapanood tuwing Linggo ng gabi sa GTV. Consistent itong mataas sa standard ng GTV. Naka-3.8% ang show na hinu-host ng farmer at chef na si Chef JR Royol.

Gustung-gusto ko ang kakaibang cooking show na ito na kinukunan sa isang farm na napupuntahan ni Chef JR. Kung ano ang nakukuha niyang sangkap sa farm na napupuntahan niya, nakakabuo siya ng isang dish. Ang dali lang ng instructions sa pagluluto at mukhang masarap naman.

Narito ang rating ng mga programa sa GMA 7 at A2Z noong nakaraang Linggo:

Ang All-Out Sundays na may pa-Ed Sheeran pa ay 4.4%, at 3.3% ang combined ratings ng ASAP Natin 'To sa A2Z, TV 5, Jeepney, at Kapamilya Channel.

Ang GMA Blockbuster ay 3.4%, at 4% ang FPJ Da King sa A2Z at TV5.

Ang Dear Uge ay 3.8% versus Ipaglaban Mo sa A2Z na 1.1%. Mataas pa rin ang Stories of Hope na 4.6%, at On Record na 6.4%.

Continue reading below ↓

Pagdating sa prime-time block, tumaas ang 24 Oras na naka-13.7%. Sumunod ang pilot ng episode ni Barbie Forteza sa Daig Kayo ng Lola Ko na naka-14.6%, at 2% ang replay episode ng Everybody Sing sa A2Z.

Bongga pa rin ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na nanatiling mataas sa 17.4%. Sumunod ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-20.5%, at ang The Boobay and Tekla Show na naka-5.3%.

JERRY OLEA

Bukod-tanging ang Kapuso Mo, Jessica Soho ang umabot sa line of 2 ang rating last week.

Mas mataas ito kaysa sa ratings ng daily Kapuso prime-time series na The World Between Us at Legal Wives.

We cannot overemphasize—given na ang pamamayagpag ng GMA programs. Ang kalaban ng kanilang mga programa ay ratings ng mga programa rin nila.

Aribang-ariba noon ang First Yaya, na sumasampa noon sa line of 2 ang ratings.

Siyanga pala, nalalapit na ang pagtatapos ng Kapamilya teleseryeng Init sa Magdamag. Malakas na ang kutob ni Tupe (Gerald Anderson) na si Peterson (JM de Guzman) ang bumaril sa kanya.

Continue reading below ↓

Nakakuha naman ng nominasyon ang Kapamilya teleseryeng Huwag Kang Mangamba bilang Best Drama Series/Telefilm Made for a Single Asian Market sa prestihiyosong ContentAsia Awards 2021. Kalaban ng inspirational teleserye ang Barangay 143 (Season 2), Distopia, Dream Raider, at To Me, It’s Simply You (Mon Rak Nong Pak Kayang).

Papangalanan ang winner sa isang virtual ceremony sa Agosto 27 base sa kahalagahan at pagiging akma nito sa mga manonood sa Pilipinas. Ang ContentAsia Awards ay inoorganisa ng ContentAsia, isang nangungunang information resource na nag-uulat tungkol sa entertainment media industry sa buong Asia-Pacific region.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, at Init sa Magdamag mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Ipinagdiriwang din ng mga Kapamilya ang pelikulang Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) na nagwagi ng Cinema & Gioventù Prize (Youth Jury Prize) sa 74th Locarno Film Festival.

Tampok sa pelikula sina Daniel Padilla at Charo Santos-Concio, sa direksiyon ni Carlo Francisco Manatad.

Continue reading below ↓

Ang Whether the Weather is Fine ay co-production sa pagitan ng Pilipinas at France, with co-producers and funding from Singapore, Indonesia, Germany, and Qatar. Recipient ito ng FDCP FilmPhilippines International Coproduction Fund.

NOEL FERRER

Magandang malaman kung sumali ba ang GMA-7 o TV5 sa ganitong international award-giving bodies.

O medyo kasama ang entry fees sa mga international awards sa cost -cutting ng mga network?

Sa ngayon, na mapapanood mo na ang mga palabas sa TV at any time na gusto mo itong panoorin, parang marami pa talagang ibang sukatan ng viewers at viewer engagements apart from ratings.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok sa Magpakailanman si Michael Flores (lower left) bilang abusadong ama, at gumanap na mga anak niya sina (L-R, upper left) Therese Malvar, Ashley Ortega, at Althea Ablan. Sina Jeric Gonzales at Barbie Forteza ang bida sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
PHOTO/S: Magpakailanman / Daig Kayo ng Lola Ko
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results