Manuel Chua Jr., ipinagtanggol din si Arjo Atayde sa isyu nito

by PEP Troika
Aug 21, 2021
Manuel Chua Jr. and Arjo Atayde
Hindi raw sila inabandona ni Arjo Atayde (kanan) at inalagaan pa sila hanggang ngayon ng Pamilya Atayde at ng Feelmaking Productions, pahayag ni Manuel Chua Jr. (kaliwa), isa sa mga aktor na kasama sa proyektong ginagawa ni Arjo sa Baguio.
PHOTO/S: File

JERRY OLEA

Pinatotohanan ni Manuel Chua Jr. ang pahayag ni Nikko Natividad sa Instagram na napakabuti ng pag-aalaga ni Arjo Atayde sa co-stars sa sinu-shooting na pelikula sa Baguio City.

“Hindi po kami inabandona ni Arjo Atayde, kami po una nya iniisip lagi, bago sarili niya,” diretsong pahayag ni Manuel sa Facebook ngayong Agosto 21, Sabado ng umaga.

“Sobra sobra po pagaalaga ginawa nya samin. Mahal po namin si Arjo kaya kami man po ay gustong mauna na madala na siya talaga sa ospital dahil siya ang may symptoms samin at alam po namin na nahihirapan siya.”

Base sa official statement ng Feelmaking Productions, Inc., Agosto 16, Lunes nang mag-positive sa Covid-19 si Arjo.

Dahil may pre-existing medical condition si Arjo, nagkasundo ang produksyon, ang mga doktor, maging ang parents ni Arjo na isugod ang aktor sa ospital sa Kamaynilaan kinabukasan.

Doon lumutang ang isyung tumakas si Arjo at inabandona ang mga kasamahan.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Manuel, “Bilang kaibigan o kapamilya na ituring, hindi po namin kaya makita na nahihirapan siya. Nagworry kami para sa kanya, ganun din ang pamilya nya syempre.

“Pero kahit po nauna na siya umalis at may kundisyon na sya na hindi maayos, lagi pa din niya kami tinatawagan at minomonitor.

“Wala pong pang aabandona na nangyari, at wala pong pagpapabaya sa mga kasama na nagyari. Lahat po kami ay inalagaan ni Arjo at ng buong production ng Feelmaking.

“Hanggang ngayon po ay inaalagaan at inaasikaso kami ni Arjo, ng buong Familya Atayde, at ng Feelmaking Productions. Kumpleto po ang test namin during stay namin sa Baguio, wala po kami protocol na nasira at hindi din po kami ang nagdala sa Baguio ng virus.

“Hinihingi po namin ngayon ay dasal nyo po at panguunawa. Para po sa recovery ni Arjo Atayde, recovery ko, at ng aking mga kasama.

“Wag nyo po kami ijudge kaagad, mas kailangan po namin ang inyong simpatya at dasal. Hindi po namin intensyon na makapanakit ng ibang tao o makaperwisyo.

Continue reading below ↓

“May mga pamilya din po kami na iniisip, hindi po kami robot na basta magkakalat na lang at hindi iisipin mga tao nakapaligid sa amin.

“May mga uuwian din po kami na pamilya. Mga tao na may puso din po kami. Nasasaktan din po kami. Artista po kami, pero tao pa din kami. May puso po…”

Nagpasalamat si Manuel sa mga nakakaunawa, sa mga nagdasal at nanalangin sa kanilang kaligtasan, sa Pamilya Atayde, sa Feelmaking Productions, kay Arjo, at higit sa lahat, sa Panginoong Diyos.

Manuel Chua Jr. facebook post.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Naklaro na rin naman ang isyung ito na nagkaroon daw ng miscommunication, at ipinaliwanag ng attending physician ni Arjo Atayde na si Dr. Claudette Guzman Mangahas kung paano sila umabot sa desisyong dalhin na sa Maynila para i-confine sa isang hospital sa San Juan ang aktor.

Bukod kay Manuel Chua, nagbigay na rin ng pahayag ang ilan pang artistang kasama ni Arjo na hindi sila pinabayaan doon sa Baguio.

Nag-post na rin sa kani-kanyang social media account ang iba pa nilang kasamahang sina Jobert Austria, Mon Confiado, Gillian Vicencio, at ang leading lady ni Arjo sa pelikulang sinu-shoot na si Alexa Miro.

Bahagi ng mahabang IG story na ipinost ni Alexa, “Many are saying Arjo Atayde left and abandoned us in Baguio when he tested positive for COVID-19. That, first and foremost, is FALSE.

“It was a life and death situation, one everyone was rattled about most especially Arjo’s family.”

Continue reading below ↓

In-attach ni Alexa ang article ng Manila Times tungkol sa kung paano ipinaliwanag ng doctor ni Arjo ang pagdala sa kanya sa Maynila.

“Us is his co-actors were very worried as well and wanted him to receive immediate proper medical care despite him insisting he did not want to leave us behind.

“And that, he DID NOT do,” dagdag na pahayag ni Alexa sa kanyang IG story.

Tumanggi si Sylvia na magpa-interview. Umiiwas na lang daw siyang baka may masabi siyang hindi maganda.

Bilang ina ay naintindihan namin kung gaano siya ka-emotional sa ngayon. Kinumusta na lang namin ang kalagayan ni Arjo, at okey naman daw.

“He’s improving but still has light breathing problem. Naka-monitor ang doctor niya. Naka-quarantine siya,” text sa akin ni Sylvia.

Dalangin namin ang tuluy-tuloy na paggaling ni Arjo.

NOEL FERRER

Sana lang, hindi na ulit mangyari ito.

At sana, natuto na tayo sa pagiging aligned sa mga protocols na dapat hindi lang artista ang inaasahang sumunod kundi lahat!

Continue reading below ↓

No one should be spared! Kahit ano pa mang estado.

At lalung-lalo na kung lider at huwaran ka dapat ng bayan!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi raw sila inabandona ni Arjo Atayde (kanan) at inalagaan pa sila hanggang ngayon ng Pamilya Atayde at ng Feelmaking Productions, pahayag ni Manuel Chua Jr. (kaliwa), isa sa mga aktor na kasama sa proyektong ginagawa ni Arjo sa Baguio.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results