Watch Now

TFC, No. 1 pa rin sa Asian households sa North America; Pacquiao-Ugas fight, tinutukan pa rin sa free TV

by PEP Troika
Aug 23, 2021
FPJ's Ang Probinsyano, starring Coco Martin (left), is the top program among Asian households in North America; Manny Pacquiao's (right) fight against Yordenis Ugas registered high ratings among free TV viewers.
PHOTO/S: ABS-CBN / AP

JERRY OLEA

Patuloy ang pamamayagpag ng Kapamilya shows sa TFC (The Filipino Channel) nitong Hunyo at Hulyo 2021, batay sa datos ng Comscore sa TV viewing engagement sa multicultural Asian households sa North America.

Ang TFC ang global flagship channel ng ABS-CBN.

Sa buwanang report ng Comscore ngayong taon kaugnay sa data-based national TV measurement sa U.S., nananatiling No. 1 ang TFC bilang preferred Filipino channel among subscribers.

Ayon sa datos ng Comscore para sa Hunyo at Hulyo 2021, TFC reached the most households among Asian networks with nearly 200,000 households.

Sumunod sa TFC ang Sony Entertainment TV Asia (Southeast Asian) at GMA Pinoy (Filipino).

Noong Hulyo, ang viewing hours per household ng TFC ay mas mataas ng 38% kumpara sa pangalawang most watched Asian network.

Nagtala ang TFC ng 58 hours of viewing per household noong Hulyo, kumpara sa 42 hours of viewing per household ng GMA Pinoy TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Hunyo, labingwalo (18) sa Top 20 shows ay mula sa TFC.

Noong Hulyo, labinsiyam (19) sa Top 20 ay mula sa TFC, at ang nakasingit mula sa GMA Pinoy TV ay pumuwesto sa No. 17.

"We are delighted by what Comscore data are revealing about TFC compared to other channels in the same category," pahayag ni ABS-CBN North America Managing Director Jun del Rosario sa press release na inilabas ng ABS-CBN ngayong Agosto 23, Lunes.

“What is more interesting is that the viewing data in the U.S. as shown by Comscore mirrors those in Europe, Middle East, and Asia Pacific based on viewing metrics of our digital platforms.

“This means, for example, that 'Ang Probinsiyano' is a top 10 program whether on cable, satellite, and digital platforms like iWant in North America, EMEA and APAC.

“This says much about the wide appeal of TFC's shows to different Filipino markets around the world."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umariba sa TFC noong Hunyo at Hulyo ang mga teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, Huwag Kang Mangamba nina Andrea Brillantes at Francine Diaz, at Init sa Magdamag nina Gerald Anderson, Yam Concepcion, at JM de Guzman.

GORGY RULA

No question naman ang lakas ng TFC sa ibang bansa, partikular sa Amerika.

Pero free TV pa rin ang basehan ng mas nakararami. Dito pa rin dumadagsa at bumabase ang advertisers.

Nitong nakaraang weekend ay steady lang ang rating ng mga programa ng GMA-7, at so far, halos ganun din ang nasa TV5 at A2Z.

Last Saturday, August 21, ganun pa rin ang dami ng viewers na tumutok sa GMA-7.

Sinimulan ng 24 Oras ang primetime at nakakuha ito ng 13.8%.

Tumaas nang konti ang Pepito Manaloto na naka-13.9%, at sumunod ang Magpakailanman episode ni Boobsie na naka-14.9%.

10.6% naman ang Catch Me Out Philippines, at 5.8% ang Daddy’s Gurl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa A2Z ay 1.5% ang Rated Korina, at sinundan ng Everybody Sing na naka-2.5%.

Halos ganun pa rin ang Maalaala Mo Kaya na naka-2.2%, at 1.1% ang Hoy Love You.

Sa TV5 ay okay ang game shows nila.

Ang sitcom na Puto ay naka-1.6%, at ang Rolling In It ni Yassi Pressman ay 3.2%, at naka-2.9% ang The Wall ni Billy Crawford.

Halos ganun pa rin ang Encounter na naka-2.9%.

Nung Linggo, August 22, ay nagtaasan ang mga programang sumunod sa laban nina Manny Pacquiao at Yordenis Ugas.

Pagkatapos ng Kapuso Movie Festival na naka-5.7%, naka-14% ang Pacquiao fight na undercard pa lamang ang laban. Pero pagdating sa main event ng Pacquiao-Ugas fight, naka-14.8% na ito.

Sa TV5 at A2Z, naka-8.5% ang Pacquiao-Ugas fight.

Pagkatapos nito ay sumunod na ang Dear Uge na naka-5.2%, samantalang naka-2.3% ang FPJ Da King sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Ang Stories of Hope ay naka-4.2%, at 6.3% ang On Record.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating ng primetime, 14.8% ang 24 Oras, at sumunod ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-13.5%.

Sa A2Z naman ay 2.8% ang Everybody Sing.

Ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes ay 15.8%, at sumunod ang Kapuso Mo Jessica Soho ay naka-18%.

Walang The Boobay and Tekla Show dahil ini-replay ang Pacquiao fight na naka-2.3%.

NOEL FERRER

While we are talking about traditional ratings and online numbers, heto at very active din ang TFC (The Filipino Channel) sa pagre-recruit at pag-program ng mga bagong content, like the vlogs of Zsa Zsa Padilla na ProbinZsa na featured na sa TFC.

Alam kong interesado rin ang TFC sa content nina Judy Ann Santos at Richard Gomez, at marami pang ibang content na may matututunan ka talaga!

With this, democratized at napapalawak tuloy ang espasyo sa mga gumagawa ng content para sa mas consumption ng nakararami na hindi lang iyung mga nakasanayan natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa totoo lang, sa lahat ng ito… tayo (bilang audience) ang panalo!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FPJ's Ang Probinsyano, starring Coco Martin (left), is the top program among Asian households in North America; Manny Pacquiao's (right) fight against Yordenis Ugas registered high ratings among free TV viewers.
PHOTO/S: ABS-CBN / AP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results