Watch Now

Lawyer ni Nadine Lustre, kinumpirma ang paggawa muli ng aktres ng pelikula sa Viva

by PEP Troika
Aug 24, 2021
Tuloy ang suporta ng fans kay Nadine Lustre kahit dalawang taon na rin mula nang huli siyang makita sa isang acting project. Ano kaya ang role ni Nadine sa gagawin niyang pelikula sa Viva?
PHOTO/S: @nadine Instagram

GORGY RULA

Active ang fans ni Nadine Lustre sa social media.

Ayon sa ilang fans na nakatsikahan ko, mas nagpo-focus sila sa mga positibong bagay at deadma na sila sa kanegahan.

Kapansin-pansin sa ilang group chats na hindi nila pinag-uusapan ang isyu ng actress-singer sa Viva Artists Agency (VAA).

Pati ang napapabalitang paggawa ni Nadine ng pelikula sa Viva Films ay hindi pa nila pinag-uusapan.

Noong nakaraang Linggo, August 22, nag-promote ang fans ng streaming party na hinost nila para kay Nadine.

Todo ang suporta nila rito dahil nakipag-collaborate sila sa kilalang South Korean singer-dancer na si Taemin, member ng SHINEE. Kaya super tweet sila gamit ang hashtag na "#TaeminXNadine."

Hindi ko lang na-check kung nag-trending ba sila noong gabing iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabay nito ay ipinagdiwang nila ang kaarawan ng mommy ni Nadine na si My Lustre.

Ipinost ng daddy ni Nadine na si Ulysses Lustre ang flowers at balloon na ipinadala ng aktres.

Noong Lunes, August 23, meron silang Twitter Space Session na hinost naman ng Naddicts Official.

Kaya talagang itinotodo ng mga Nadine Lustre fans na magpaka-active sa social media.

Kay Nadine sila naka-focus at hindi nababanggit si James Reid.

JERRY OLEA

May pahayag ang abogado ni Nadine na si Atty. Lorna Kapunan tungkol sa pelikulang gagawin ng aktres sa Viva.

"Nadine has a separate movie contract with Viva that is still existing. What she terminated was the management/agency contract with VAA.

"The case is still pending since we filed a Motion for Reconsideration of the Decision of the court.

"Nadine is now self managing."

Inaasam nating mapanood ang Gawad Urian best actress na si Nadine sa pelikula sa lalong madaling panahon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

In fairness, nami-miss ko na si Nadine Lustre.

After kasi ng kanyang single, wala na naman tayong narinig sa kanya. Sayang ang momentum ng pagkapanalo niya ng Gawad Urian!

Oh well, hindi pa naman bukas ang mga sinehan, kahit online, hindi ko rin siya masyadong nararamdaman.

Sana makagawa ng magagandang proyekto ulit si Nadine!

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuloy ang suporta ng fans kay Nadine Lustre kahit dalawang taon na rin mula nang huli siyang makita sa isang acting project. Ano kaya ang role ni Nadine sa gagawin niyang pelikula sa Viva?
PHOTO/S: @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results