Tom Rodriguez at Carla Abellana, nagkasundong magka-baby agad matapos ikasal

by PEP Troika
Aug 24, 2021
Tom Rodriguez sobrang excited nang makabuo sila ni Carla Abellana ng sarili nilang pamilya. Saad ng Kapuso actor, "Gusto ko gumawa na kami ng baby. Sabi ko, 'Puwede ba agad pagkatapos ng wedding?' Ni-request ko talaga. Buti napapayag ko, para makadalawa pa kami."
PHOTO/S: Carla Abellana YouTube

GORGY RULA

Medyo mahirap kina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang preparasyon ng kanilang kasal dahil pareho silang nagtatrabaho.

Sa October 23, 2021 nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.

Ngayon ay nasa lock-in taping si Carla sa To Have and To Hold, at pagkatapos ay si Tom naman ang papasok para sa sa lock-in taping ng The World Between Us.

Magkakasalisihan sila, kaya baka two or three weeks bago ang wedding ay doon pa lang sila magkikita.

Keri naman, at bilib daw si Tom kung paano ito naayos ni Carla. Nandiyan lang siya para sumuporta sa fiancée.

Nang nakatsikahan namin si Tom sa virtual mediacon ng The World Between Us, nagbigay siya ng ilang detalye sa wedding nila ni Carla.

Pero marami pa raw mababago dahil sa sitwasyon natin ngayong pataas nang pataas pa ang COVID cases.

Lahad ni Tom: "Puro mga contingency plans. Siyempre, may mga family ako sa States na, unfortunately, hindi makakapunta dito. Nagkaroon ng developments.

Continue reading below ↓

"Ngayon, my sister, buti naka-recover na siya sa COVID. Pero hindi pa siya puwedeng magpa-vaccinate.

"Hindi na aabot, kasi parang two months daw ang kailangan before nakapag-vaccinate siya.

"So, inaalala namin kung makakapunta pa ba siya rito, kung kailangan pa ng vaccination for her to be able to travel. May mga ganung factors.

"Nakaano na lang ako ngayon. Steady lang ako dito, pero ang kamay ko nakaganun, o," napapangiting pahayag ni Tom na ipinakita ang kamay na nanginginig sa kaba.

Magkaganunpaman, okay raw sila at naaayos pa rin ang anumang aberya.

Gusto raw sana ng ilang miyembro ng kanyang pamilya na pumunta sa Pilipinas, pero ayaw pa raw niya dahil sa pag-surge ng COVID dito sa atin.

"Inaayos pa nga namin ngayon. Gustung-gusto na nilang pumunta dito, lalo na my mom.

"Ako yung nag-aalangan with the Delta variant and everything going on… gusto ko ba i-risk yung safety niya?

"I really have to make sure na pulido. Gusto ko man sila nandito, ako mismo ang nagdadalawang-isip.

Continue reading below ↓

"Hanggang ngayon, pinag-iisipan pa nang mabuti up to the last minute."

Naghahanda raw muna si Tom sa ilang linggong lock-in taping sa The World Between Us, na naka-schedule sa katapusan ng buwang ito.

Abangan na lang daw kung ano ang mangyayari sa karakter na ginagampanan niya bilang si Brian.

HOT STORIES

JERRY OLEA

Nagkuwento rin si Tom noong namanhikan siya sa ama ni Carla na si Rey “PJ” Abellana.

Hindi nakunan ang pagkikita nila kaya hindi naipalabas sa kanilang vlog.

"Kinabahan ako! Nakita ko si Papa, si Sir Rey, parang pumitik ang tenga ko, tapos namula. Sabi niya, ‘I’m happy for you,’" lahad ni Tom.

Naroon din ang tiyuhin ni Carla na si Jojo Abellana.

"Si Tito Jojo ni Carla was there. Sabi ni Tito Jojo, ‘I knew it. Sabi ko na nga ba, e.’

"He’s very supportive, he’s very happy.

"We had a very nice, light na usapan lang—yung date ng wedding, life in general, kung anu-ano yung naging topic namin that time.

Continue reading below ↓

"Buti, boto siya."

After the wedding, gusto ni Tom na magka-baby na sila agad ni Carla.

"Gusto ko gumawa na kami ng baby. Sabi ko, 'Puwede ba agad pagkatapos ng wedding?'

"Ni-request ko talaga. Buti napapayag ko, para makadalawa pa kami."

Sinasabi raw ni Carla kay Tom na gusto nitong tutukan ang pagbuo nila ng pamilya matapos nilang magpakasal.

Pero hindi raw ipagkakait ni Tom sa aktres kung gusto nitong bumalik sa trabaho bilang artista.

Sabi ni Tom: "Nasa kanya na yun, e. Sinabi naman niya she wants to focus on being a wife.

"But at the same time, hindi naman maalis sa sarili niya na mahal niya yung craft, mahal niya yung trabaho niya. Nasa kanya yun.

"Kahit ako maiwan kasama yung magiging baby namin, tapos nagtatrabaho siya, no problem.

"We will adjust kung ano man ang itatapon ng buhay sa amin na mga suliranin."

Ayon pa kay Tom, subok na nila ni Carla ang suporta nila sa isa't isa pagdating sa indibidwal nilang gawain na bubuo sa kanilang pagkatao.

Continue reading below ↓

"Sa akin, wala sa akin ang ganun, e. Bukod sa mahal na mahal ko yung tao, nauna ko siya nakilala sa sining niya at parte na rin yun ng minahal ko sa kanya.

"So, kung siya yung isa sa mga tao na pumukaw nung ganung klaseng passion sa sarili ko nung mga times na gusto ko mag-give up na wala akong tiwala sa sarili ko, kikitilin ko ba yun sa kanya?

"Na parang napaka-unfair naman na siya yung bumuhay ng ganung klaseng pag-appreciate sa sining na ginawa naming tapos, ako, gagawin ko sa kanya, papatigilin ko? Sama ko naman nun."

NOEL FERRER

Given their busy schedule and their priorities, baka Tom and Carla can think of simple wedding pegs na heartwarming din, like that of Luis Manzano and Jessy Mendiola, or Neil Arce and Angel Locsin.

Sa panahon ngayon, mas okey maging praktikal at safe.

I’m sure Tom and Carla have good taste to make their wedding elegant and heartfelt kahit na ano’ng mangyari.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez sobrang excited nang makabuo sila ni Carla Abellana ng sarili nilang pamilya. Saad ng Kapuso actor, "Gusto ko gumawa na kami ng baby. Sabi ko, 'Puwede ba agad pagkatapos ng wedding?' Ni-request ko talaga. Buti napapayag ko, para makadalawa pa kami."
PHOTO/S: Carla Abellana YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results