Mark Anthony Fernandez, bakit hindi nagtanggal ng shades sa Bawal Judgmental?

by PEP Troika
Aug 25, 2021
Walang kilay si Mark Anthony Fernandez (center) kaya hindi siya makapagtanggal ng shades sa guest appearance niya sa Eat Bulaga nitong Miyerkules, Agosto 25. Ang Dabarkads na kasama ni Mark sa segment ng Bawal Judgmental ay sina Ryan Agoncillo (left) at guest co-host na si MJ Lastimosa (right).
PHOTO/S: Eat Bulaga

GORGY RULA

Marami ang nakapansin at ilang kaibigan ang nag-message pa sa akin kung bakit hindi raw tinanggal ni Mark Anthony Fernandez ang suot na shades nang mag-guest ito sa "Bawal Judgmental" sa Eat Bulaga, nitong Miyerkules, Agosto 25.

Sa virtual episode ng segment, si Mark ang isa sa choices kasama ang mga kapwa aktor na sina Kier Legaspi, Jeric Raval, Jestoni Alarcon, at Efren Reyes Jr.

Kapansin-pansin si Mark dahil sa buong appearance niya ay hindi siya nagtanggal ng suot na shades. Hindi rin ni-request ng Dabarkads kung puwedeng tanggalin niya ang suot na salamin.

Napag-alaman ng PEP Troika na wala palang kilay ang aktor, kaya kailangan ng shades para matakpan ito.

Ang sabi ng handler ng aktor, nagpaahit ng kilay si Mark para maayos ang pag-make up sa kanya para sa role niya bilang isang mujerista sa pelikula ng Vivamax na Barumbadings.

Kasama rin ni Mark sa pelikula si Jeric na nasa Eat Bulaga rin, pero hindi naman ahit ang kilay.

Kaya siguro lalong gumanda si Mark sa girl na ayos, bilang si Marie Antoinette Fernandez, sa pelikula dahil sa naguguhitan nang maganda ang kilay niya para magmukhang girl.

Iilan lang sa mga aktor nating di kuwestiyonable ang pagkalalaki ay napakagaling mag-ayos at umarteng girl.

Wala silang pakialam kung girl na girl ang ayos dahil confident sila sa kanilang pagkalalaki.

Huwag na sigurong mag-mention ng pangalan at baka mapagdudahan pa ang hindi mababanggit, di ba?


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Kani-kanya ng alindog sina Baroness (Baron Geisler), Jerica (Jeric Raval), at Marie Antoinette (Mark Anthony Fernandez) sa Barumbadings.

Aba! Four-volume ang suckpakan sa nasabing obra ni Darbie (Darryl Yap).

Ang target streaming dates ng Barumbadings: November 5, 2021 para sa "Vol. 1 Dead Mother, Dead All"; Marso 2022 para sa "Vol. 2 Rise of the Transgingers"; Hulyo 2022 para sa "Vol. 3 The Pepper Project"; at Nobyembre 2022 para sa "Vol. 4 God is Gay All The Time."

Nakaka-Lucrezia Borgia ang Vol. 4!

Basta, sa mga makakapanood ng Deception movie ni Mark Anthony with Claudine Barretto, walang magdududa sa pagiging astig ng aktor!!!

NOEL FERRER

Kakaibang Mark Anthony Fernandez ito kung nagkataon.

At nakakahanga ang commitment ng mga aktor kahit sa online lang ito napapanood habang sarado pa ang mga sinehan.

Hindi pa ba saturated ng mga gay-themed content ngayong pandemya at parang mga mainstream actors na ang nagbabading? Parang hindi.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang kilay si Mark Anthony Fernandez (center) kaya hindi siya makapagtanggal ng shades sa guest appearance niya sa Eat Bulaga nitong Miyerkules, Agosto 25. Ang Dabarkads na kasama ni Mark sa segment ng Bawal Judgmental ay sina Ryan Agoncillo (left) at guest co-host na si MJ Lastimosa (right).
PHOTO/S: Eat Bulaga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results